"Ha? Surrogate?" Hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro ang aking sarili. "A-Ako?"

Marahan siyang tumango at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya. Naguguluhan man ay sumunod pa rin ako at tuluyan nang lumapit pa sa kaniya. "It's a secret. Huh? Ang totoo kasi niyan, kaya pumunta ako roon sa bar ay dahil kilala ko si Mamita. Hihingi sana ako ng tulong sa kaniya sa paghahanap ng surrogate "

"E 'di ba sabi mo sa akin, may ano na naman kayo, may agency na? Bakit hindi ka nalang doon maghanap ng surrogate sa agency niyo? Malay mo, may HIV pa 'yong makuha mo, mas lalo kang mapapahamak kapag ganoon," pagputol ko sa sasabihin niya.

Agad naman niya akong sinenyasan na babaan ko ang boses ko dahil nasa coffee shop pa rin kami at baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Mabilis naman akong tumango bilang pagsunod.

"Sa agency kasi namin, dapat ang mga supposedly parents ang pupunta roon. Pero sa sitwasyon kasi ng pinsan ko, hindi sila puwedeng umalis ng bansa kasi mahahalata ng pamilya namin. Ayaw kasi nilang sabihin ng asawa ng pinsan ko sa pamilya namin na hindi siya makakapagbuntis kaya..."

"Kung hindi sila puwedeng pumunta ng ibang bansa, e 'di 'yong surrogate nalang ang papuntahin mo rito."

Muli siyang umiling at malakas na bumuntong hininga. "That's not allowed in our agency. Kaya naman wala akong choice kung hindi ang umuwi rito sa Pilipinas at maghanap ng puwedeng maging surrogate mother ng baby nila." Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba o hindi kung hindi dahil hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon palang ganoong bagay. Grabe rin ang mundo, e, ano?

'Yong mga teenager na walang proteksiyon kapag nag-sesex, ang dali-dali kung mabuntis tapos 'yong mga kasal na at handa nang magkaanak, sila naman 'yong hindi mabuntis-buntis. 'Yong mga ayaw magkaanak, nagkakaroon ng anak tapos 'yong mga gustong magkaanak, hindi naman magkaanak.

Malakas akong bumuntong hininga at napailing. Hindi nga talaga pantay ang mundo sa bawat tao.

"Lyana?"

Nakabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Doktora Vallero. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naguguluhan siyang tiningnan. Muli naman siyang bumuntong hininga. "Pumayag ka na, please? Alam kong sobrang nalilito ka pa ngayon pero ipapaliwanag ko naman sa 'yo nang maigi basta pumayag ka lang-"

"T-Teka." Itinaas ko ang aking kamay para pigilan siya sa pagsasalita. "B-Bakit ako? Marami pa namang ibang babae riyan kaya bakit ako ang napili mo? Saka hindi mo ba narinig? Namatay ang anak ko—"

"But it wasn't your fault," pagputol niya sa sasabihin ko kaya't natahimik ako. "Maayos naman ang pagbubuntis mo sa kaniya, hindi ba? Madali kang nabuntis kasi sabi mo, isang beses niyo lang naman sinubukan pero nabuntis ka na. Hindi ka rin nakunan kahit na nagtatrabaho ka habang buntis ka noon. Madali rin kitang napa-anak noon. Everything... you will be a perfect surrogate, Lyana."

Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya ngunit kapagkuwan ay dahan-dahan akong umiling at malakas na bumuntong hininga. "Pasensiya na pero ayaw ko sa mga ganiyan. S-Saka hindi madali ang pagbubuntis, ano," pagtanggi ko.

"Lyana, mayaman ang pinsan ko. He's hella rich. Slyam na buwan mo lang naman dadalhin ang bata tapos tapos na. Wala ka ng responsibilidad sa bata at may pera ka pa. My cousin can pay you millions just so they can have a child. Come on, Lyana. Pumayag ka na, please?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi at natahimik. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Oo at kailangan ko ng pera pero hindi sa ganoong paraan...

Paano kung hindi ko maiwan ang bata? Paano kung mapamahal ako? Saka hindi madali ang magbuntis, naranasan ko na ang bagay na iyon noon pa man kaya naman...

"Ibang babae na lamang ang tanungin mo niyan, Doktora Vallero. Sigurado akong may iba pang papayag sa offer mo lalo pa't sabi mo naman, malaki ang ibabayad ng pinsan mo. Pero kung ako ang tatanungin mo, pasensiya na pero ayaw ko," sagot ko at nagbaba ng tingin sa kaniya.

Malakas naman siyang bumuntong hininga kaya't mas lalo akong natahimik.

"Lyana, hindi naman 'to libre. Trabaho ang gagawin mo... legal na trabaho. Pagkatapos ng siyam na buwan, malaya ka na ulit. Magagawa mo na lahat ng gusto mo. Makaka-diretso ka na sa College tapos puwede ka pang makahanap ng magandang trabaho pagkatapos mong mag-aral. This is a good opportunity for you, Lyana."

Kahit na maganda ang offer niya ay marahan pa rin akong umiling bilang pagtanggi. Hindi mapapalitan ng kahit na anong pera ang pagiging ina. Ni hindi ko nga alam kung 'ina' bang maituturing ang mga surrogate.

"Pasensya na talaga. Iba nalang ang alukin mo," sambit ko at tumayo na. "Salamat sa kape at sa offer mong trabaho. Pasensiya na ulit dahil hindi ko matatanggap ang alok mo." "Lyana..."

Malakas akong bumuntong hininga at tipid siyang nginitian. "Sana ay makahanap na kayo ng surrogate ng pinsan mo at nang magkaanak na sila ng asawa niya. Isasama ko nalang kayo sa dasal ko. Salamat at pasensiya na, ha? Gusto ko mang ibalik sa 'yo ang naitulong mo sa akin noong nanganak ako noon pero kasi, hindi sa ganitong paraan. Pasensiya na, mauna na ako."

Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko bago tumayo. May kung ano siyang kinuha sa bag niya at inilagay sa kamay ko kaya naman agad na nagsalubong ang aking mga kilay. Napalunok ako nang makita kung ano iyon.

"That's my calling card. Kapag nagbago ang isip mo tungkol sa offer ko, tawagan mo lamang ako. Maghihintay ako ng tawag mo, huh?" sambit niya.

"H-Ha? Pero sinabi ko na naman sa 'yo na hindi ako interesado-"

"Baka lang magbago ang isip mo," pagputol niya sa sasabihin ko at tinapik ang aking balikat. "S-Sayang din naman kung nagbago ang isip mo tapos hindi mo ako ma-contact, 'di ba? Lyana, may tiwala ako sa 'yo... k-kung hahanap nalang din kami ng surrogate, doon na sa kilala ko at may tiwala ako, 'di ba?"

"Pero kasi..."

"Hindi kita pinipilit. Rerespetuhin ko naman ang choice mo pero... k-kung sakali lang naman. Tawagan mo lang ako kapag nagbago na ang isip mo," mahinahong sambit niya at tipid akong nginitian.

Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang marahang tumango at magpaalam sa kaniya. Isasauli ko pa sana ang jacket na ibinigay niya sa akin para takpan ang katawan ko kanina ngunit hindi na niya iyon tinanggap dahil baka mabastos pa raw ako sa daan. Nagpasalamat na lamang ako kaniya at umalis na ng coffee shop.

Mabibigat ang bawat hakbang ko palabas habang iniisip kung ano ang mga sinabi niya. Hindi ko pa rin tuluyang naiintindihan ang surrogate na sinasabi niya-baka isa rin iyon sa rason kung bakit hindi ako pumayag sa alok niya. Dahil hindi ko pa naman talaga alam kung ano ang gagawin para may mabuong bata sa tiyan ng surrogate mother.

Kung normal iyon sa ibang bansa, hindi naman iyon ganoong ka-normal dito. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako nakapagtapos sa pag-aaral kaya't hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Masiyadong kumplikado ang bagay na iyon sa akin.

Pumara lamang ako ng jeep para sumakay dahil sobrang sakit na ng paa ko. Sayang ang sampung piso pero wala naman akong magagawa dahil gustong-gusto ko na ring magpahinga. Napakaraming nangyari ngayong araw na ito kaya naman hinahanap na ng katawan ko ang kama ko kahit na matigas naman iyon at masakit sa likod. Saka isa pa, susunduin ko pa si Thirdy kina Tiyang.

Hindi pa man ako nakakaayos ng pagkakaupo sa jeep nang tumunog na ang telepono ko. Agad kong kinuha ang keypad kong cellphone sa aking bulsa para sagutin ang tawag. Mas lalo namang kumunot ang noo ko nang makitang si Tiyang ang tumatawag.

Karaniwan kasi ay ako ang tumatawag kay Tiyang para kumustahin si Thirdy kaya't nakakapanibago na siya ang tumatawag sa akin ngayon. Naguguluhan man ay sinagot ko pa rin ang tawag niya. "Tiyang, bakit po?" bungad na tanong ko sa kaniya.

"L-Lyana, si Thirdy... a-ano si Thirdy..."

Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Kinakabahan akong lumunok bago muling nagsalita. "Anong mayroon kay Thirdy, Tiyang? May nangyari ba?" tanong ko. "S-Si Thirdy... nabangga ng sasakyan si Thirdy..."

Tila tinakasan ako ng realidad at binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya. Si Thirdy raw... "Ho?!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report