The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Thirty Five
Matapos akong ilang beses angkinin ni Preston sa kaniyang silid, tirik na tirik na ang araw nang tumigil siya at mukhang napagod na rin. Hindi ko nga alam kung natulog pa ba siya dahil madaling araw kami nagsimula at ngayon lamang siya napagod. Nakatulog pa ako kanina bago kami mag-usap na gusto niya akong maging girlfriend pero pagkatapos niyon, parehas kaming walang tulog.
Nagpahinga lamang ako ng ilang minuto bago ako tuluyang bumangon sa malambot niyang kama. Gusto ko pa nga sanang humiga at matulog pa nang kaunting minuto dahil pagod na pagod pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa namin kanina ngunit alam kong kapag nahiga pa ako, makakahalata na ang ibang tao sa bahay.
"Where are you going?"
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa kama ni Preston ay agad din akong napatigil nang marinig ko ang boses niya. Humarap ako sa gawi niya at sakto namang bumangon din siya mula sa pagkakahiga.
Nagkibit balikat ako. "Lalabas na. Baka hinahanap na ako nina Chantal at ni Jarvis," kaswal na sagot ko sa kaniya habang sinusubukang abutin ang isinuot kong panty kagabi. "Stay here. Ako na ang lalabas."
Lumingon ako sa kaniya ngunit muntik na akong mapatili nang walang hiya siyang tumayo at inalis ang nakatakip na kumot sa kaniyang katawan. Bumungad sa akin ang kaniyang pagkalalaki nang huamrap siya sa akin kaya't bahagyang umawang ang aking bibig.
He groaned. "Come on, babe. Don't open your mouth like that in front of me. Baka hindi ako makapagpigil at mas lalo pa tayong magtagal dito," natatawang sambit niya.
Dumiretso siya papunta sa may closet niya at kumuha ng ilang damit doon. "Do you want to take a bath with me?"
Gustuhin ko mang maligo na pero umiling pa rin ako bilang pagtanggi sa alok niya. Alam ko kasing sa oras na pumayag akong sumabay sa kaniya sa paliligo, baka hindi na naman niya ako tigilan at mas lalo lamang kaming magtagal. Sa isang gabi na magkasama kaming dalawa, isa sa mga napansin ko kay Preston ay ang hindi siya marunog magtimpi. Naisip ko tuloy na anak niya nga talaga si Chantal dahil maikli rin ang pasensya ng alaga ko tulad niya. Kaya para makaiwas sa muling pang-aangkin niya, umiling na lamang ako bilang pagtanggi sa kaniya. "Mamaya na ako maliligo kapag tapos ka na. Saka wala rin naman akong dalang pamalit na damit." "Okay. Stay here, all right? Make sure to lock the door. Baka biglang pumasok si Chantal at maabutan kang ganiyan. Well, it's not really bad because she'll know that we're in a relationship so---"
Hindi na niya naituloy pa ang dapat niyang sasabihin nang masama ko siyang tiningnan. Umakto siyang animo'y izini-zipper ang bibig bago siya tumalikod sa akin at nagtungo na sa banyo niya upang maligo.
Nang makapasok siya sa loob ay saka ako muling bumalik sa pagkakahiga sa malambot niyang kama. Pagod na pagod pa rin ang katawan ko kaya't kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako kay Preston dahil hindi niya ako pinilit na sumabay sa kaniya. Hindi siya marunong magtimpi pero kaya pa rin naman niyang rumespeto ng desisyon ng iba.
Humaba ang nguso ko nang maalala ang sinabi niya kanina. Sabi niya, he don't take no for an answer. Pero kung tutuusin, hindi niya rin naman ako pinipilit sa mga desisyon ko sa buhay. Noong sinabi ko kanina na gusto kong itago muna namin ang relasyon namin, pumayag pa rin siya kahit na ayaw niya. Ngayon na sinabi kong ayaw kong sumabay sa kaniya sa paliligo dahil pagod pa ako at gusto ko pang humiga para magpahinga, pumayag din siya. Iyon ba ang sinasabi niyang he don't take no for an answer?
Napailing ako dahil sa ka-weirduhan niya. Ipinikit ko ang aking mga mata para tuluyang ipahinga ang katawan ko ngunit wala yatang planong magpahinga ng isip ko. Ilang minuto akong nakahiga roon at kahit papaano ay hindi na masakit ang katawan ko ngunit ang utak ko naman ay walang tigil sa paggana at pag-iisip dahil paulit-ulit pa ring nagrereplay sa utak ko kung ano ang nangyari kanina-o kagabi.
Parang kailan lamang noong sinabi ni Sir Preston sa akin na magpapanggap akong girlfriend niya sa loob ng isang gabi para may date siya sa party tapos ngayon, isa isang iglap, totoo na niya nga akong girlfriend.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at bigla na lamang niyang napagdesisyunan na halikan ako o sabihin na gusto niya ako. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang pagtuunan ako ng pansin dahil noon naman, palagi niya lang akong sinermonan...
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang lahat. Don't tell me...
Sakto namang bumukas ang pinto ng banyo ni Preston at iniluwa siya na basa ang buhok at naka-damit na. Kinukuskos niya ng tuwalya ang buhok nang lumabas at nang makita niya ako ay tila nakahinga siya nang maluwag. Iniisip niya ba na aalis ako habang naliligo siya?
"Preston?" Tinawag ko siya.
Agad naman siyang lumingon sa akin. "Hmm?"
"May tanong ako sa 'yo pero itatanong ko lang 'to hindi dahil assuming ako kung hindi dahil curious lang ako, okay?"
"What is it?"
Humugot ako ng malalim at marahas na buntong hininga bago siya pinanliitan ng mga mata. "Bakit mo ako palaging ipinapatawag sa opisina mo noon? Dahil ba palpak ako sa trabaho ko o dahil..."
Hindi ko na itinuloy pa ang dapat kong sasabihin dahil agad nang naglaro ang nang-aasar na ngisi sa labi ni Preston. "Finally. Akala ko hindi mo na mapapasin. Took you long enough to notice, huh?" Natatawang sambit niya.
Umirap ako sa kaniya. "Ang pangit mo namang magpapansin. Todo-tanggi pa ako kay Manang Lerma noong tinanong niya ako kung bakit palagi akong pasok nang pasok sa opisina mo at kung bakit mo ako pinapatawag. Akala tuloy nila, may relasyon na tayo noon. Sabi ko pa, mainit ang dugo mo sa akin saka imposible tapos 'yon pala, nagpapapansin ka lang? Wow, ha," umiiling na sambit ko na siya namang nakapagpatawa sa kaniya.
"At least nakikita kita," sagot niya sa akin at kumindat na para bang wala siyang hiya sa katawan at hindi nahihiya sa mga pinaggagagawa niya.
Wala sa sarili naman akong napangiwi dahil sa inasal niya. Bumabalik sa isip ko ang mga panahong ipinapatawag niya ako palagi. Noon, hindi ko naman iniisip na ganoon pala ang pakay niya. Akala ko ay gusto niya lamang akong inisin dahil mainit ang dugo niya sa akin.
"Kaya naman pala hindi naniniwala si Manang Lerma noong sinabi kong sinesermonan mo lang ako sa loob," umiiling na sabi ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Pero oo nga, 'no? Bakit hindi ko napansin? Paulit-ulit lang naman ang sinasabi mo sa akin tuwing pinapapunta mo ako sa opisina mo pero ang nasa isip ko, naiinis ka lang talaga sa akin."
Mahina siyang tumawa at tumango. "All of my reasons are petty, Lyana. Hindi mo lang talaga napapansin dahil hindi ka interesado sa akin. But that's all right. I enjoyed teasing you," sambit niya at muling kumandat.
Napalabi naman ako at nagkibit balikat na lamang dahil sa mga kalokohan niya. At least ngayon, alam ko na na ginawa niya lamang iyon para magpapansin. Akala ko kasi noon, sinasagad niya lang ang pasensya ko o kaya naman ay galit lang siya sa akin. Hindi naman pala ganoon.
"Stay here for the mean time. Pupunta ako sa kuwarto niyo at ikukuha kita ng pamalit mong damit," utos niya matapos patuyuin ang buhok.
Bahagya akong bumangon sa kama dahil nangalay na rin ang likod ko sa paghinga. Tumango ako habang nakatingin sa kaniya. "Okay. Pero anong idadahilan mo kay Jarvis kapag tinanong ka kung nasaan ako? Hindi man kasing galing ni Chantal si Jarvis sap ag-eenglish, matalino naman 'yon at mabilis na napapagtanto kung anong nangyayari sa paligid niya. Sigurado akong tatanungin ka niyon kung nasaan ako at kung bakit kailangan mong kumuha ng pamalit kong damit." Ngumisi siya at nagkibit balikat. "I don't have to explain everything to him, babe_"
"Kailangan," pagtutol ko sa sasabihin niya. Pinanliitan ko siya ng mata kasabay ng pagbuntong hininga ko. "Hindi ka titigilan niyon hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot mula sa 'yo. Alam ko dahil anak ko siya. Saka isa pa, kung sasagot ka naman, ayusin mo. Baka mamaya, sabihin mo nga ang totoo na dito ako natulog sa kuwarto mo."
"What? Ano naman kung malaman niya "
"Subukan mong sabihin sa anak ko at kahit kailan, hindi na ako babalik pa rito sa kuwarto mo," banta ko at ngumiti sa kaniya.
Agad namang nawala ang ngising nakapaskil sa labi niya at kaagad na napalitan ng simangot. Kaswal akong nagkibit balikat sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga. Lumakad siya palapit sa akin at kapagkuwan ay muli akong hinalikan. "Fine, fine. Ako na ang bahala. Stay here, all right?" bilin niya.
"Tingin mo ba makakaalis ako rito sa kuwarto mo nang ganito ang katayuan ko? Hello, kapag lumabas ako nang ganito, kahit sinong makakakita sa akin, alam na kung anong ginawa natin kagabi."
"Am I a bad boyfriend if I want that to happen?" tanong niya pabalik.
Kumunot ang noo ko at taka siyang tiningnan. "Alin?"
Hindi siya lumayo sa akin at sa halip ay muli na namang hinalikan ang labi ko. Tulad ng mga halik niya kanina, hindi na iyon mapusok. Sadyang halik lamang na para bang mamamatay siya kapag hindi nahalikan ang labi ko. Mukhang tama nga siya na mukhang mahihirapan siyang magpigil na halikan ako sa labas dahil kahit na nandito kami sa loob ng silid niya, hindi ko na kaya pang bilangin kung naka-ilang halik na siya sa akin.
"I want them to know that I claimed you last night," mahinang sabi niya at tuluyan nang lumayo sa akin. Bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti. "But of course, kung ano pa ring gusto mo ang masusunod. Even though I can't kiss you outside, at least I can kiss you here. It's better than nothing, right?"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ngumiti lamang ako sa kaniya at marahang tumango. Mabuti na lamang at hindi na niya ako pinilit pa kahit na alam ko naman na gusto niya.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang ipagsabi sa iba na 'kami' na. Mabuti sana kung anak ako ng businessman o ng pangulo, e. Kahit papaano, maipagmamalaki niya ako. Pero heto ako, yaya ng anak niya, pero gusto niya pa ring malaman ng ibang tao na sa 'kaniya' na ako. Dapat nga sa aming dalawa, ako ang mamilit sa kaniya na ipakilala akong girlfriend niya, e.
I can brag about him but it will be hard for him to brag about me.
"Hey, why are you sulking?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang marinig ang tanong niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya kung anong tumatakbo sa isip ko ngunit umiling na lamang ako at tipid na ngumiti.
"Sige na, ikuha mo na ako ng damit. Sigurado akong hinahanap na ako ng dalawa. Mas lalo pa akong mahihirapang magpaliwanag kapag sabay pa silang nagtanong sa akin," utos ko.
Ngumiti siya sa akin bago tumango at nagpaalam na lalabas na. Nanatili naman ako sa kama habang hinihintay siyang makabalik. Hindi ko alam kung paano siya magpapaliwanag kina Jarvis at Chantal kapag tinanong siya kung nasaan ako. Hindi naman siguro niya sasabihin kung nasaan talaga ako, hindi ba?
Malakas akong bumuntong hininga at marahang napailing. Sa pagkakataong ito, dang dapat kong isipin ay kung ano ang isasagot ko kapag ako na mismo ang tinanong nila.
Hindi pa man nagtatagal mula nang lumabas siya ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. Awtomatikong kumunot ang noo ko dahil kaa-alis niya pa lamang.
"Preston?" malakas na tanong ko upang marinig niya ako mula sa labas. "Saglit lang!"
Akmang tatayo na ako para pagbuksan siya ng pinto ngunit tila naestatwa ako sa puwesto ko nang marinig ang boses ng kung sino mang kumakatok sa labas.
"Tita Lyana? Yaya? Are you there po?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Chantal sa labas. Shit. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat dahil siya pala ang nasa labas, mas lalo pa akong nagpanic nang marinig ang sunod niyang sinabi. "Jarvis! Halika dali! Come here, nandito yata ang Mama mo sa room ng Daddy ko! Hurry!"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report