Agad akong nagpanic nang marinig ang sinabi ni Chantal kaya naman kahit wala pa akong saplot ay mabilis akong bumangon sa hinihigaan kong kama at isa-isang pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at dali-daling tumakbo papunta sa banyo upang magtago.

Nang maisara ko ang pinto ng banyo ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kuwarto kaya't muntikan na akong mapasinghap, mabuti na lamang at agad akong natakpan ang aking bibig.

"Huh? Bakit wala?" Rinig kong tanong ni Chantal, marahil nang matapos silang pumasok sa loob.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at agad na napangiwi. Bakit naman kasi hindi ini-lock ni Preston ang pinto noong lumabas siya? Shit naman!

"Chanty, 'di naman pupunta rito ang Mama ko. 'Di ba 'di sila bati ng Daddy mo?"

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Naiimagine kong umiiling-iling siya habang sinasabi iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan lalo pa't baka malaman niyang nasa loob nga ako ng banyo.

At kami? Hindi kami bati ni Sir-I mean, ni Preston? Wala sa sarili akong napailing. Kung alam mo lang, Jarvis. Kung alam mo lang talaga.

"Pero kasi Jarvis, I really heard Tita's voice here. Sabi niya, saglit lang daw," pilit naman ni Chantal.

"Hala, OMG! Am I hallucinating ba?"

"Hallu... ano? Halo-halo?"

Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Jarvis. Base sa tono ng boses niya, alam kong hindi siya nagbibiro. Mukhang hindi niya talaga alam ang ibig sabihin ng salitang iyon.. Napailing ako. Mukhang kailangan ko pa talaga siyang turuan ng English...

Pero Grade one pa lang naman sila, hindi naman kailangan magaling mag-english. Ako nga, lampas na sa kalendaryo ang edad, hindi pa rin magaling. Baka sadyang magaling lang talaga sina Chantal at Preston. Wala, e. Iba talaga kapag mayaman.

"Ah, basta. I'll explain it to you nalang later. For now, let's just find Yaya Lyana. I'm quite hungry na."

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Jarvis sa sinabi ni Chantal. "Puwede namang kain na tayo. 'Di ba pinapakain na tayo ni Manang Lerma? Tara na," pamimilit niya rito. "Nah, ayaw ko. Gusto ko kasabay si Yaya Lyana. Ikaw ba? You don't want her to join us kaya you want to eat first na?"

Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na kinakabahan pa rin ako na makita nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay piniga ang puso ko matapos marinig ang sinabi ni Chantal. Gusto niya akong kasabay kumain? Parang kailan lang, ang sungit-sungit niya pa sa akin tapos ngayon... Mas lalo akong napangiti habang hawak-hawak ang damit ko. Wala pa rin akong saplot dahil baka makagawa lamang ako ng ingay at mahuli pa nila ako kaya naman itinakip ko na lamang sa katawan ko ang dress ko sa halip na isuot iyon.

"Siyempre, gusto kong kasabay sa pag-kain ang Mama ko, ano. Pero kasi, gutom na ako. Saka baka umalis lang si Mama o kaya lumabas lang saglit, kasama ko naman siya noong ako kagabi."

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Jarvis. Mabuti na lamang at ang naaalala niya ay noong natulog siya kasama ako at si Chantal-hindi ang pagbuhat sa kaniya ni Preston kagabi papunta sa kuwarto namin. "Ah, basta. I'll wait for Yaya Lyana. Kung gusto mo, you can eat first. Later nalang kami kakain ni Yaya Lyana," sambit ni Chantal.

Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Ayaw niya talagang kumain nang hindi ako kasabay. Kahit papaano, pakiramdam ko ay nagbunga naman ang mga ginagawa ko para mapalapit siya sa akin at maging mabuting bata. Hindi na siya sobrang sungit tulad noon, hindi na rin siya umiiyak kaagad kapag hindi nakukuha ang gusto, kahit papaano ay natuto na rin siyang gumalang, at higit sa lahat, natuto na siyang mag-open up sa mga taong nasa paligid niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak dahil sa tuwa. Hindi ko naman kasi alam na ang simpleng pagsabay ko sa kaniya sa pag-kain, malaki na pala ang impact sa kaniya.

Paano na lamang kung kinakailangan ko nang umalis at iwan siya rito? Anong gagawin niya?

"Sige na nga, sasama na akong hanapin si Mama. Ikaw naman kasi, kulit mo. Gutom na nga ako," parang napipilitang pagsuko ni Jarvis kay Chantal kaya't muli akong napangiti.

"I am not forcing you. Sabi ko nga 'di ba you can eat na!"

"Bilisan mo na nga lang, hanapin na natin si Mama k-Oh?"

Natigilan ako nang parang may nakitang kung ano si Jarvis dahil parang nabigla siya sa reaksiyon niya. "What?" Dinig kong tanong ni Chantal.

"Hala! Tama ka nga yata, Chanty. Nandito nga siguro ang Mama ko! Tingnan mo, 'di ba sapatos 'yan ng Mama ko kagabi?"

Ilang beses akong napakurap at agad kong tinakpan ang aking bibig upang maiwasang suminghap. Shit! Napatingin ako sa hawak ko at napangiwi nang makitang iisang sapatos lang pala ang hawak ko. Patay.

"Huh? Oh, right. Kay Yaya Lyana nga 'yan! See, Jarvis? Sabi ko naman sa 'yo, I'm not hallucinating, e. I really heard Yaya Lyana's voice a while ago. Baka she's in the bathroom."

Kinakabahan akong lumunok at hinawakan ang doorknob ng pintuan para masigurong hindi iyon mabubuksan. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa labis na kaba. Sinubukan kong mag-isip nang maaaring palusot kapag nahuli nilang narito ako pero kahit na ano man ang gawin ko, wala pa ring pumapasok sa isip ko.

"Yaya Lyana? Nasa loob ka po ba?" Rinig kong tanong ni Chantal mula sa labas ng banyo.

Hindi ako sumagot at sa halip ay mas hinigpitan pa ang hawak sa doorknob. Ilang beses na kumatok si Chantal ngunit nanatili akong tahimik. "Yaya? Are you "

"What are you doing?"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Preston. Sa wakas! Akala ko ay hindi na siya darating. Akala ko ay mahuhuli na ako... shit.

"Daddy? We're looking for Yaya Lyana and I heard that she's inside. Look, oh. This is her shoes, right?" Rinig kong tanong ni Chantal sa ama. "Yes, she's here."

Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko matapos marinig ang sagot ni Preston sa anak. Ano raw? Talaga bang inamin niya na narito ako sa kuwarto niya? What the fuck? Akala ko ba ay napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na 'to? Hindi ba siya susunod sa napag-usapan namin?

Kumuyom ang kamao ko dahil sa inis. Ang lalaking 'yon talaga! Kapag nalaman nina Jarvis at Chantal na rito ako sa kuwarto niya natulog kagabi, sigurado akong iisipin nila na magkarelasyon na kaming dalawa-o kaya naman ay baka sabihin ng mga kasama namin sa bahay sa kanila na iyon ang dahilan kung bakit magkasama kaming natulog.

Shit. Preston naman! Nag-iisip ba siya?

"She's taking a bath,” dagdag ni Preston kaya't muli akong napalunok.

"Bakit nasa kuwarto mo po ang Mama ko, Boss? May banyo naman kami, ah," tanong ni Jarvis kay Preston kaya't mas lalo kong diniinan ang pagkagat ko sa aking ibabang labi. Sinasabi na, e. Alam kong magaling mag-obserba si Jarvis. Madali rin niyang maintindihan kung ano ang nangyayari sa paligid niya kaya naman hindi na ako nagtataka pa sa tanong niya.

Pekeng umubo si Preston matapos ang ilang segundong katahimikan. "Nahulog siya sa pool kanina. Nawala kasi 'yong susi ng bodega kung saan niya ikinulong 'yong babae kagabi. We're both looking for it and she tripped. Nahulog siya sa pool kaya naman basang-basa siya. That's why she's taking a bath now," pagpapaliwanag niya.

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya.

"May banyo po kami, Boss."

At mukhang hindi rin niya nakumbinsi si Jarvis. Mahina akong bumuntong hininga at napailing. Sinasabi na talaga.

"Sira ang banyo sa baba at basang-basa siya. So in order to prevent her from making a mess, I let her take a bath here. Look, I even brought her some clothes. Utos niyang dalhan ko siya ng damit dahil basang-basa siya."

Sa pagkakataong iyon ay nakahinga na ako nang maluwag dahil kahit papaano ay maayos na ang palusot niya. Lumunok muna ako upang maalis ang panunuyo ng lalamunan ko at para na rin maihanda ko ang sarili ko sa pagsasalita. Nang masigurong ayos na ang boses ko at hindi na mukhang paos, saka ako nagsalita nang malakas.

"Sir Preston, ikaw na ba 'yan? Nakuha mo ba ang damit ko?" pag-arte ko pa para mas lalong magmukhang kapani-paniwala si Preston.

"See?" Rinig kong sabi niya kay Jarvis. "Chantal, give this to your Yaya."

Bahagya kong binuksan ang pinto at inilabas ang aking kamay para kuhanin ang damit ko. "Yaya Lyana? Is that really you?" tanong ni Chantal bago ibigay sa akin ang hawak niyang damit.

Mas lalo naman akong nagtago sa likod ng pintuan. Awkward akong tumawa at nagkunwaring nagulat. "C-Chantal? Oo, ako nga. Hinahanap niyo ba ako? Pasensiya na, basang-basa kasi ako ngayon kaya hindi ako makalabas dito," pagsisinungaling ko pa.

"Ay, okay, Yaya. Jarvis and I will wait for you downstairs. Let's eat na po, okay?"

"O-Okay! Susunod ako," tanging sambit ko at kinuha na sa kaniya ang aking damit. Matapos kong kuhanin iyon ay agad ko rin namang isinara at ini-lock ang pinto.

Narinig ko pa ang sinabi ni Jarvis na hihintayin niya ako ngunit pinilit na siya nina Chantal at Preston na lumabas at hintayin na lamang kami sa baba. Matapos sumara ang pinto ng kuwarto ni Preston ay saka ako nakahinga nang maluwag. Akala ko talaga ay mahuhuli na kami ng mga bata, shit!

Mayamaya pa ay may kumatok na sa pintuan ng banyo. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino iyon dahil alam ko na naman kung sino ang kumakatok.

"Babe? Let me in, please," rinig kong sabi niya.

Malakas akong bumuntong hininga bago bahagyang binuksan ang pinto. Agad naman siyang pumasok sa loob ngunit agad ding natigilan nang makita ako. Sumipol siya, "Ooh. You looked hot as hell,” papuri niya.

Umirap ako at binato siya ng dala kong damit. "Gago ka, hindi ka kasi nag-iingat. Bakit hindi mo ini-lock ang pintuan bago ka lumabas? Paano kung naabutan ako ni Chantal nang ganoon? Hubad na hubad ako sa kama mo, ano na lamang iisipin ng anak mo?"

"Na may bago na siyang mommy?"

Tiningnan ko nang masama si Preston ngunit ngumiti lamang siya sa akin. Hinawakan niya ang baywang ko at hinila palapit sa kaniya. "Come on, huwag ka nang magalit. Nagawan ko naman ng paraan, right?" dagdag niya pa nang makitang hindi ako natutuwa sa sinabi niya.

Napailing ako. "Ulitin mo pa talaga 'yang ginawa mo, hindi na ako matutuwa. Pasalamat ka nalang na hindi tayo nahuli dahil kung oo, magagalit talaga ako sa 'yo."

"Oo na nga. Hindi na mauulit, I promise. Don't be mad at me anymore, huh, babe?" Mahinahong tanong niya at inayos ang buhok ko. "Come on. Give your baby a kiss. I badly missed your lips." Kumunot ang noo ko. "Sinong baby ba? Si Jarvis? Si Chantal?" biro ko.

"No, babe. Your new baby," natatawang sagot niya sa tanong ko at muli na namang inangkin ang aking mga labi.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report