The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Thirty Nine
"Luhod."
Marahas na lumingon sa akin si Preston at kunot noo akong tiningnan. "What?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Humakbang ako palapit sa kaniya bago tumingin kina Chantal at Jarvis na ngayon ay nakaluhod na at kapwa nagdarasal. Pinaluhod din kanina ni Jarvis si Chantal dahil mukhang hindi rin nito alam ang gagawin. Hindi ko rin naman alam na pati pala ang tatay, hindi nagsisimba.
"Sabi mo sa akin noon, luluhod ka sa harap ko, 'di ba?"
Mabilis na tumango si Preston. "Yes, of course. Tinatanong pa ba 'yan, babe? Ilang beses ko nang nagawa-"
"E 'di lumuhod ka rin sa harap ni Lord," pagputol ko sa sasabihin niya bago siya malapad na nginitian.
"What?!" Bahagyang tumaas ang boses niya kaya't napatigil sa pagdarasal sina Chantal at Jarvis at lumingon sa amin. Ngumiti naman ako at umiling bilang tanda na ayos lang at nag-uusap lang kaming dalawa.
Nang magpatuloy na sa pagdarasal ang dalawa ay saka ko binalikan ng tingin si Preston at masama siyang tiningnan. "Kung sa akin nga nakakaluhod ka, kay Lord pa kaya? Pakiayos ng desisyon mo sa buhay, Preston. Lumuhod ka na riyan at magdasal," utos ko at lumuhod na.
Narinig ko pa ang malakas niyang pagbuntong hininga bago lumuhod sa tabi ko. Hindi ko na naintindihan pa ang ibinulong niya dahil ipinikit ko na ang aking mga mata para magdasal sa Maykapal.
Hindi naman ako maka-Diyos. Alam iyon ng kaibigan ko at ni Tiyang-alam ko rin naman. May mga pagkakataon ding kinuwestiyon ko ang Diyos dahil sa mga problemang kinaharap ko.
Hindi ko siya mapigilang tanungin kung bakit sa dami ng pamilyang maaari akong ipinanganak, bakit sa mahirap na pamilya pa? Bakit maagang nawala sina Nanay at Tatay at iniwan sa akin lahat ng resposibilidad nila bilang magulang? Bakit hindi Niya ako ginabayan sa pagpili ng tamang lalaki para sa akin kaya napunta ako sa dati kong karelasyon? Bakit hindi Niya pinrotektahan ang anak ko noon? Bakit Niya hinayaang mamatay?
Sa ilang taon, ganoon palagi ang tanong ko. Wala akong ginawa kung hindi ang manisi sa iba kahit na ang totoo, wala naman akong kailangang sisihin.
Nang dumating sa akin si Jarvis, saka ko naisip na wala palang kasalanan ang Maykapal sa mga desisyon kong ginawa noon- at wala rin siyang kasalanan sa mga kamalasang nangyari sa akin. Nangyari iyon dahil iyon ang nakatadhanang mangyari sa akin. At hindi naman iyon mangyayari nang walang dahilan.
Simula nang dumating si Jarvis, mas umigting ang paniniwala ko sa Diyos. May mga doubts man ako noon sa pagiging nanay, kung hindi ako nanalig sa Maykapal, baka ngayon, wala na rin si Jarvis. Ginabayan Niya ako para maging mabuting tao at maging mabuting nanay.
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpasalamat sa mga biyayang ibinigay Niya sa akin at kay Jarvis nitong mga nakakaraang buwan. Sa dami ng dapat kong ikapagpasalamat sa kaniya, naramdaman kong nakaupo na ang tatlo pero hindi pa rin ako tapos sa pagdarasal. Wala tuloy akong nahiling kung hindi sana maging maayos na ang lahat sa pagitan naming apat.
"Yaya Lyana, ang dami niyo naman pong dinasal," komento ni Chantal nang makaupo ako sa tabi niya.
Tipid ko siyang nginitian. "Marami kasi akong ipinagpasalamat," tanging sagot ko sa kaniya.
Ngumiti lamang sa akin si Chantal at tumango kaya't ibinaling ko na ang tingin ko kay Jarvis. "Nagdasal ka, Jarvis 'nak? Anong dinasal mo?"
"Marami, Mama. Kaso secret po," sambit niya at mahinang tumawa. Napailing na lamang ako at nag-thumbs up sa kaniya. Mabuti na lamang at hanggang ngayon, hindi niya pa pala ipinagsasabi ang mga ipinagdarasal niya. Pamahiin kasi 'yon sa amin na kapag daw sinabi mo kung anong ipinagdasal mo, hindi magkakatotoo. Sabi lang naman nila, hindi ko naman alam kung totoo 'yon.
"Tapos na ba kayong magdasal? Gusto niyo nang umuwi or..."
"I want to eat, Yaya Lyana! I want to bring you and Jarvis to my favorite restaurant," mabilis na pagtutol ni Chantal sa sinabi ko at humarap kay Preston. "Can we go there, Daddy? Sasama ka ba or not? Do you have work po?" "Me?" Itinuro ni Preston ang sarili at malakas na bumuntong hininga. "Hindi niyo na naman ako kai-"
"Sasama ang Daddy mo!" Malakas na pagputol ko sa dapat ay sasabihin ni Preston. Pinanlakihan ko siya ng mata bago ako nakangiting tumingin kay Chantal. "Siyempre, sasamahan niya tayo kasi kasama ka namin ni Jarvis. Ang totoo nga niyan, ililibe niya pa tayo. 'Di ba... Sir?"
Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Preston at kapagkuwan ay marahang tumango. "Fine, fine. Let's go. Kumain na tayo at nang makauwi nang maaga dahil may pupuntahan pa kami-"
"Saan ka pupunta, Daddy?" Muling tanong ni Chantal.
Napailing naman ako dahil nadulas na naman si Preston. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina na aalis kami pagkatapos naming samahan sina Jarvis at Chantal. Maktol kasi siya nang maktol dahil hindi na naman niya ako masosolo kaya wala akong nagawa kung hindi sabihin na mamaya na lamang kaming hapon mag-date.
Sus. Para siyang bata.
"I'm just going to meet some clients."
Tumingin ako sa gawi ni Chantal at nakitang lihim siyang napasimangot dahil sa isinagot ng ama. "You can go now na po, Daddy. Kami nalang nina Yaya Lyana saka ni Jarvis. You're busy---"
"Ay hindi!" Mahina akong tumawa at pasimpleng siniko si Preston. "Hindi busy 'tong Daddy mo. Mamaya pa naman sila magkikita ng kliyente niya kaya makakasama pa siya sa atin. 'Di ba, ano, Sir?"
Muling bumuntong hininga si Preston at walang nagawa kung hindi ang marahang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Matagumpay naman akong napangiti at malapad ang ngiting tumingin kay Chantal. "Oh ano, tara na?" aya ko. "Mama, wala tayong pambayad." Akmang tatayo na ako nang magsalita si Jarvis. Lumingon ako sa kaniya ngunit sumimangot lamang siya sa akin. "Uwi na lang po ako sa bahay. Nagluto naman si Manang Lerma. Kakain pa sa labas, may pagkain naman sa bahay."
Nagbaba ako ng tingin matapos marinig ang sabi niya. Palagi ko kasing tinitipid si Jarvis noon kaya ayan tuloy. Bumuntong hininga ako. "May sweldo na si Mama mo, Jar-" "I'll pay."
Ibinaling ko ang aking tingin kay Preston nang putulin niya ang dapat na sasabihin ko. Sa halip na sa akin nakatingin ay kay Jarvis naman siya seryosong nakatingin ngayon. "Libre mo po kami, Boss?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang tawag ni Jarvis kay Preston. Ilang beses na namin siyang pinagsabihan ni Preston tungkol doon pero hindi pa rin niya binabago ang pagtawag kay Preston ng Boss. Mukhang nasanay na siya at mahirap nang palitan.
Tumingin sa akin si Preston kaya't tumango na lamang ako para pumayag siya alam ko na naman na payag siya, mukhang hindi lang talaga siya sanay na Boss ang tawag sa kaniya ni Jarvis.
"Isn't that obvious?" pilosopong tanong ni Preston kay Jarvis kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang mapailing. Mukhang hindi na maaalis ang pagiging pilosopo niya kaya't hinayaan ko na lamang siya.
"Let's go na, let's go!" Malakas na sabi ni Chantal at hinawakan ang aking kamay. Akmang tatabi na sana sa akin si Preston ngunit nauna na si Jarvis at hinawakan ang aking kamay.
Sa huli, ako ang napag-gitnaan ng dalawa. Wala namang nagawa si Preston kung hindi ang lumipat sa kabila at hinawakan ang kanang kamay ni Chantal.
Tumingin si Preston sa akin at sumimangot ngunit nginitian ko lamang siya bilang tugon. Magtatampo na naman 'yan sa akin mamaya at magpapa-bebe dahil inagaw na naman ako sa kaniya. Napailing ako at hinayaan na lamang siya. "Sir, Ma'am, bili na kayo nitong kandila. Pampamilya."
Sabay-sabay kaming napatigil sa paglalakad nang may humarang sa aming babaeng nagtitinda ng kandila. Iniabot niya sa akin ang kandilang pampamilya na kahit kailan naman ay hindi ko pa nabibili dahil wala naman akong masasabing 'pamilya'.
"I'll buy it." Magsasalita pa sana ako ngunit nauna nang magsalita sa akin si Preston. Tumingin ako sa kaniya ngunit hindi na siya nakatingin sa akin at nakatingin na sa babae. Inabutan niya ng limang daan ang babaen kaya't wala akong nagawa kung hindi ang mapailing.
Sino ba naman kasi ang matinong magbabayad ng limang daan sa isang kandila? Sampung piso lang yata 'yon, e.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Kumuha ako ng barya mula sa aking bulsa at inabot sa babaeng nagtitinda ng kandila. "Salamat ho," tanging sambit ko at nilampasan na sila.
"Chantal, Jarvis, itirik niyo muna 'to roon, dali," utos ko sa dalawa at ibinigay kay Jarvis ang hawak kong kandila.
Dahil mukhang gusto nilang subukan ang pagtitirik ng kandila, tumakbo na silang dalawa papunta sa tirikan ng kandila. Naiwan naman kaming dalawa ni Preston sa puwesto namin habang pinapanood ang dalawa sa pagtakbo. Humarap ako kay Preston. "Ano? Magrereklamo ka na naman?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong hininga siya at umiling habang nakatingin sa dalawa. "Hindi na. I know that you're just doing all of this to fix Chantal and I's relationship."
"Buti alam mo." Tumango ako at ipinagkrus ang aking dalawang braso. "Ikaw naman kasi, ayaw mong kumilos kaagad. Hindi na bumabata 'yang anak mo, ayaw mo man lang bang maging malapit sa kaniya?"
Hindi siya kaagad nakasagot kaya't wala akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at marahang umiling.
"It's not as easy as you think it is, babe. It's hard."
Humarap akong muli sa gawi niya at taka siyang tiningnan. "Mahirap lang naman sa una pero madali na. Kung ako nga at si Jarvis na estranghero sa buhay ni Chantal, natanggap at naging malapit sa kaniya, ikaw pa kaya na sariling tatay?" "I can't explain it but it's hard. Saka nalang."
"Bakit saka nalang kung puwede namang ngayon na?"
Tumingin sa akin si Preston dahil sa sinabi ko kaya't ngumiti ako sa kaniya. "Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para magka-ayos at maging close kayo. Sus, ako pa? Kaya nga ako nandito, e, 'di ba?" dagdag ko pa. Napangiti si Preston dahil sa sinabi ko at akmang magsasalita ngunit naunahan na siya ni Jarvis.
"Mama, Boss, tara na po. Gutom na raw po si Chantal."
Nang tumingin ako kay Preston ay umiiling siya at nakasimangot dahil naunahan na naman ni Jarvis. Napangiti na lamang ako at ibinaling na ang tingin at atensiyon ko sa dalawang bata.
"Okay. Tara na kasi libre naman ni Pre-I mean, ni Sir Preston. Saan niyo ba gustong kumain? Sabihin niyo lang at siya ang bahala."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report