"No, Daddy. It's not like that kasi. Hindi naman po ganyan 'yong pancake na ginagawa ni Yaya Lyana.'

Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig ang boses ni Chantal na nagrereklamo sa ama. Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko naman sila palaging nakikitang magkasama pero ngayon... Anong nangyayari?

"Chantal, I don't fuc-I mean, I don't know what to do. Sabi niyo ganito," reklamo pabalik ni Preston sa anak kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad upang tingnan kung anong ginagawa nila at aging-aga ay nagbabangayan sila.

"Kasi Daddy, dapat kulay brown po siya, hindi black!" dagdag ni Chantal at malakas na bumuntong hininga. "Jarvis, taste it nga, please. Taste it and let me know if it's similar to Yaya Lyana's pancake."

Mas lalong kumunot ang noo ko nang banggitin niya rin ang pangalan ni Jarvis. Kaya naman pala wala na sa tabi ko kanina si Jarvis nang magising ako. Kahit pala sobrang aga pa ay magkasama na sila. Napailing ako at napasimangot dahil iniwan ako ni Jarvis sa kama at hindi man lamang ako ginising.

Ano 'yon? Kakain sila nang hindi ako ginigising?

Agad kong narinig ang hindi pagsang-ayon ni Jarvis sa sinabi ni Chantal na siya ang tumikim. "Ayoko nga, Chanty. 'Di naman ganiyan ang kay Mama, baka may lason 'yan," dinig kong sabi ni Jarvis nang makita ko na sila. Nakatayo sina Jarvis at Chantal sa stool para maabot nila ang sink kung saan nagluluto si... Preston. Nang tingnan ko siya na ngayon ay mukhang bad trip na bad trip na. Subalit mukhang hindi naman sina Chantal at Jarvis ang dahilan kung bakit siya bad trip dahil ngayon ay masama na ang tingin niya sa walang kamalay-malay na kawali.

"Ano ka ba, Jarvis? Kung may poison'yan, kanina pa dead si Daddy kasi tikim siya nang tikim," angal ni Chantal.

Mabilis namang tumango si Jarvis at itinuro ang trash can. "Kanina pa nga siya tumitikim pero iniluluwa niya naman sa basurahan. Oh 'di ba? Baka may lason nga kaya ganoon," giit naman ng anak ko kaya't mahina akong tumawa. Mas lalong sumimangot si Preston matapos marinig ang sinabi ni Jarvis. Mukhang tama nga si Jarvis na kanina pa iniluluwa ni Preston ang tinitikman niyang pancake. Anong mayroon? Hindi ba masarap ang niluto nila?

"Kung ayaw mo, e 'di fine, ako na nga lang," reklamo ni Chantal at humarap kay Preston. "Daddy, can I taste it? Baka naman iba lang ang color pero same ang lasa."

Inaakala kong ipapatikim ni Preston ang niluto niya kay Chantal ngunit mas lalo akong nagtaka nang mabilis siyang umiling at itinago sa kaniyang likuran ang nilutong pancake. "No. Hindi mo puwedeng tikman 'to," mabilis na pigil niya sa anak.

"Oh, kita mo na, Chanty? May lason nga siguro 'yan-“

"Kaya nga titikman ko kung may lason or wala! Saka hello, Jarvis, kasama tayo ni Daddy noong niluto niya. If may poison man siyang nilagay, e 'di sana we saw it a while ago, 'di ba?" pagputol ni Chantal sa dapat na sasabihin ni Jarvis. Mukhang naintindihan naman ni Jarvis ang punto ni Chantal nang tumahimik siya at napalabi. Mayamaya pa ay marahan siyang tumango pagkatapos bumuntong hininga. "Sige na nga, ako na ang titikim. Baka mamatay ka pa, kawawa ka naman," pagsuko ni Jarvis at nag-angat ng tingin kay Preston.

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Preston at mas itinago pa ang niluto sa kaniyang likuran. "Oh? Why are you looking at me?"

"Kasi gusto ko pong tumikim, Boss. Titikman ko kung may lason o wala para makakain na si Chanty. Gutom na po kasi kami. Dapat po kasi, ginising na natin si Mama ko para kanina pa tayo nakakain."

Kumunot ang noo ko at inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng mansion. Oo nga, ano? Bakit nga ba wala ang iba naming kasama sa bahay? Nasaan sina Manang Lerma? Bakit wala sila rito ngayon at ang tatlo ang nagluluto ng umagahan? Nang tumingin ako muli kina Preston ay nakakunot na ang noo niya na animo'y may hindi naintindihan sa sinabi ni Jarvis.

"Paano kung may lason nga tapos mamatay ka?" tanong niya pabalik kay Jarvis kaya't ibinaling ko ang atensiyon ko kay Jarvis na ngayon ay nakakunot na ang noo dahil sa tanong sa kaniya ni Preston.

Mayamaya pa ay kaswal siyang nagkibit balikat. "E 'di ba-bye na po, Boss," parang wala lang na sagot niya.

Hindi ko naman mapigilang mapailing nang marinig ang isinagot ni Jarvis kay Preston. Ang batang iyon talaga, ginawa ng biro ang pagkamatay. Pero sabagay, hindi ko na siya itinama pa dahil bata pa naman siya at inosente pa sa mga bagay- bagay. Paglaki niya, maiintindihan niya rin kung ano iyon.

"Dali na po, Boss. Patikim na po ako," pamimilit niya kay Preston.

Malakas akong bumuntong hininga at napagdesisyunan nang lumabas sa pinagtataguan ko. Magsasalita pa sana si Preston ngunit naunahan ko na siya. "Patikim nga ako niyang niluto niyo," sambit ko.

Sabay-sabay silang tatlong tumingin sa gawi ko at kapwa nanlalaki ang mga mata nang makita ako. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano? Kung makatingin naman kayo, parang nakakita kayo ng multo, ha. Hindi niyo man lamang ako ginising tapos kakain na kayo," biro ko habang umiiling.

"Mama!" bati ni Jarvis at kumaway sa akin kaya't nginitian ko siya. Lumapit ako sa direksiyon nila at binuhat si Jarvis. "Nagluluto kami, Mama."

Tumango ako. "Bakit hindi niyo ako tinawag? At saka bakit..."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makita kung gaano karumi ang pinaglulutuan nila. May mga harina na nakakalat sa taas, ang butter ay hindi pa natatanggal sa lalagyan, may ilang natapong asukal saka... asin ba 'yon? Agad din akong napangiwi dahil sa amoy ng sunog mula sa kawali.

Gulat akong tumingin sa gawi nila ngunit inosente lamang silang tumingin sa akin. Hindi ko naamoy kanina ang lugar dahil malayo ako at hindi ko rin masiyadong nakita kung ano ang pinaggagawa nila peor ngayon... basurahan ba 'to?! "Ano 'to?" Wala sa sariling tanong ko kay Preston nang magtagpo ang aming mga mata.

Tipid siyang ngumiti sa akin at kapagkuwan ay kaswal na nagkibit-balikat. "We cooked."

"Mama, nagluto po kami ng pancakes na tulad ng sa 'yo, Mama. Gusto po kasi ni Chanty ng pancakes kaya nagluto kami," pagkukuwento sa akin ni Jarvis kaya't mariin kong ipinikit ang aking mga mata para kumalma. Gusto ko silang tanungin kung bakit hindi na nila ako ginising pero hindi ko na ginawa. Sinusubukan lang naman siguro nilang maging independent... pero halata namang hindi gumana ang gusto nila. Napailing ako at walang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga. Kakaiba. Kakaiba talaga silang tatlo.

"Pero Yaya Lyana, it looks quite different po. 'Di ba para pong brown ang pancakes?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Chantal. "Oo naman. Wala naman sigurong pancake na black," kaswal na sagot ko sa kaniya habang nakangiti.

"Pero black po ang kay Boss, Mama."

Agad na nawala ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Nagsalubong ang aking dalawang kilay at takang tumingin kay Preston. "Pancake na black? Sunog ba?" tanong ko. Humaba ang nguso ni Preston at sumimangot bago marahang tumango. "Sabi kasi nila, ten minutes each sides daw-"

"Ha? Ten?!" Hindi makapaniwalang sabi ko at kaagad na tinakpan ang aking bibig dahil sa gulat. "Ten minutes... each sides? E 'di twenty minutes niyong niluto ang isang pirasong pancake?"

"Ilang minutes po ba, Mama?" tanong naman ni Jarvis.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Ibinaba ko si Jarvis sa stool kung saan siya nakatayo kanina at humawak sa kitchen sink upang kumuha ng suporta. Hinilot ko rin ang aking sintido dahil mamamatay yata ako sa sakit ng ulo dahil sa ginawa nila. Twenty minutes niluto ang isang pirasong pancake? Lasing ba silang lahat?

"Are you okay, Yaya Lyana?" Mahinahong tanong sa akin ni Chantal kaya't malakas akong bumuntong hininga upang ikalma ang aking sarili bago ako nag-angat ng tingin sa kanila.

Pilit akong ngumiti at umayos ng pagkakatayo. Tumingin ako kay Preston. "Puwedeng patikim?"

Sumeryoso ang mukha niya at animo'y nagdadalawang isip kung ipapatikim ba sa akin ang niluto nila o hindi kaya naman hindi na ako naghintay pa sa sagot niya at kinuha na ang platong nasa likod niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila iyon paharap para makita ko kung ano ang itinatago niya.

Muntik nang malaglag sa sahig ang panga ko nang makita kung ano ang hawak at itinatago niya. Kaya naman pala itinatago. Dapat lang. Dapat itinago na niya lang.

"Gusto mo pa ring tikman?" tanong ni Preston habang hawak ang plato kung saan naroon ang pancake... o kung pancake nga bang matatawag iyon.

Wala sa sarili akong napalunok at pilit na ngumiti sa kaniya. Kinuha ko mula sa kaniya ang hawak na plato. "Mas mabuti pang maupo na lamang kayong tatlo roon sa dining table at ako na ang maghahanda ng almusal. Sige na, dali. Umupo na kayo roon," sambit ko at pilit na tumawa.

"Pero Yaya, dapat rest ka lang kasi day off mo dapat. Kami na ang bahalang magluto-"

"Ha? Day off ko?" Gulat na tanong ko sa kaniya. "Hindi naman Linggo ngayon, ah?"

"Eh? Holiday, Yaya Lyana. Walang pasok. Kaya nga po wala sina Manang Lerma here."

"Ganoon ba?" Bumuntong hininga ako at kapagkuwan ay napailing. "Hayaan niyo na, ako na ang bahala. Wala naman sina Manang Lerma saka mukhang..." Tumingin ako sa gawi ni Preston kaya't napangiti siya. "Mukhang hindi rin naman kasi marunong magluto ang Daddy mo."

Agad na nawala ang ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ko kaya't palihim akong tumawa. Mukhang hanggang ngayon ay hindi nya pa rin natatanggap na hindi siya marunong magluto.

Pero given na naman 'yon, 'di ba? Sino ba naman kasing marunong magluro ang magluluto ng isang pirasong pancake sa loob ng bente minutos?

Mahirap din palang maging sobrang matalino, ano?

Sa huli, wala silang nagawa kung hindi sumunod sa utos ko at umupo na sa dining area samantalang nilinis ko naman ang mga ikinalat nila kanina bago ako nagsimulang magluto ng agahan naming apat.

Hindi tulad nila, mabilis akong natapos sa paglilinis at pagluluto kaya naman mabilis ko ring naihain sa kanila ang pagkain na niluto ko bilang agahan.

"'Yan Daddy, oh. Look. Ganiyan po dapat ang pancake. Hindi naman kasi color black," dinig kong sabi ni Chantal sa kaniyang ama.

Umismid si Preston dahil sa sinabi ni Chantal at kumuha ng pancake. Inilagay niya iyon sa kaniyang plato at agad na tinikman. Naka-ilang subo pa siya bago siya nag-angat ng tingin sa akin. "Masarap?" tanong ko.

Agad siyang tumango at pasimpleng ngumiti sa akin. "Masarap. Puwede ka nang mag-asawa."

Muntik na akong mabuwal sa aking kinauupuan nang marinig ang sinabi niya. Sinasabi niya bang... Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tumingin sa kaniya ngunit ngumiti lamang siya sa akin at pasimple akong kinindatan dahil kasama pa namin ang dalawang bata.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya kaya't agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung nantitrip lang ba siya o ano sa sinabi niya kaya't bumuntong hininga na lamang ako at napailing.

Naging maayos ang pag-aalmusal namin. Halos buong durasyon ng almusal ay nakikinig lamang kami ni Preston kina Jarvis at Chantal na abala at excited na nagkukuwentuhan tungkol sa school nila. Lumipat na kasi sa wakas si Jarvis sa school na pinapasukan ni Chantal noong isang linggo kaya naman isang linggong tungkol sa school ang usapan nilang dalawa.

Hindi ko mapigilang mag-alala noon para kay Jarvis dahil baka hindi siya kaagad makapag-adjust sa mga kaklase niya roon lalo pa't puro mayayaman ang naroroon. Pero masiyado ko yatang na-underestimate ang anak ko dahil unang araw pa lamang ay naipatawag na ako sa school-oo, naipatawag na naman ako dahil napaaway si Jarvis.

Gulat na gulat pa si Preston noon dahil napaaway si Jarvis pero kalmado na ako dahil sanay na ako sa ganoon. Pumunta kaming dalawa sa school at napag-alaman namin na kaya pala napaaway si Jarvis ay dahil binubully pala roon si Chantal at pinagtanggol lamang ni Jarvis.

Muntik nang magwala si Preston noon dahil sa galit nang malaman na binubully ang anak niya pero kahit papaano ay naayos naman ang lahat. Nakausap namin ang magulang ng bata at humingi na rin sila ng paumanhin. Mula noon, naging maayos na ang lahat. Marami na ring ikinukuwento sa akin si Jarvis tuwing gabi bago kami matulog na marami na siyang kaibigan doon saka kasama niya pa si Chantal kaya't hindi na ako nag-aalala pa. "Daddy, Yaya Lyana, punta lang po kami sa taas ni Jarvis. We're going to watch a movie so call us nalang po kapag lunch na po." Tumayo si Chantal at hinawakan ang palapulsuhan ni Jarvis na kumakain pa rin ng pancake na hindi ko alam kung pang-ilan na niya. "Tara na, Jarvis. You're eating too much na, kaya chubby cheeks mo, e. 'Di ka tuloy crush ng crush mo."

Agad na nag-angat ng tingin si Jarvis kay Chantal at sumimangot. "Sumbong ko kaya ikaw na may nagbigay sa 'yo ng "

"Tara na nga sabi." Hindi na natapos pa ni Jarvis ang sasabihin nang hilahin na siya ni Chantal patayo. Sa huli, walang nagawa si Jarvis kung hindi ang sumunod kay Chantal papunta sa second floor.

Napailing na lamang ako habang pinapanood silang dalawa. Magpapatuloy na sana ako sa pag-kain nang makaalis ang dalawa ngunit natigilan ako nang umubo si Preston kaya't nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pagka-angat na pagka-angat ng tingin ko sa gawi niya ay itinaas na niya ang dalawang kamay at animo'y gusto ng yakap. Mahina naman akong napatawa bago tumayo sa aking upuan para pumunta sa upuan niya. "Para kang baby," komento ko at umupo sa kandungan niya. He wrapped his arms around my body and kissed my shoulder after I sat on his lap.

"Baby mo lang." mahinang sambit niya at isinubsob ang kaniyang mukha sa leeg ko. Mahina akong tumawa dahil sa ginawa niya. "But you still have two other babies aside from me, though. Inaagaw ka na talaga nila sa akin." "Alam mo, araw-araw mo na yatang sinasabi 'yan. Selos na selos ka na ba talaga sa dalawa kaya ka ganiyan, ha?"

"Hindi naman sobra. Just a little bit, I guess? I just want to have some alone time with you, babe. But that's quite hard because of them-ayaw mo ba talagang sabihin na natin sa kanila ang tungkol sa atin? I can't even hug or stare at you whenever they're here."

Mahina akong tumawa bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Dahil mas matangkad siya sa akin ay bahagya pa akong lumiyad kahit na nakaupo ako para abutin ang kaniyang mga labi. Marahan kong hinalikan ang kaniyang mga labi at nakangiting humiwalay sa kaniya.

"Saglit nalang, huh? Kaunting oras nalan-"

"Haliparot ka! Kabit!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may kung sinong humila sa buhok ko at patayong inilayo ako kay Preston. Hindi pa man ako nakakapagsalita upang ipagtanggol ang sarili ko nang agad na may lumapat na palad sa pisngi ko at malakas akong sinampal. "Kabit! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito sa bahay namin at halikan ang asawa ko?! Haliparot! Kabit ka!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report