"What? Chantal, nababaliw ka na ba talaga, ha?! Nagpapaniwala ka riyan sa babaeng 'yan?"

Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo mula sa aking mga mata bago hinarap ang dating asawa ni Preston at walang emosyon siyang tiningnan. "Narinig mo naman yata si Chantal, hindi ba? Huwag mo nang pilitin 'yong bata," kalmadong sambit ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ang sabihin mo, you brainwashed my daughter while you're seducing my husband-"

"Ex-husband," pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya at tipid siyang nginitian. "Huwag mo naman sanang kalimutan 'yong salitang ex. Mahalaga kasi 'yon... unless hindi ka maka-move on."

"Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, ah? Bakit? Sino ka ba kumpara sa akin? You're nothing without my husband, Miss. You're just Chantal's nanny... huwag mo rin iyong kakalimutan dahil mahalaga rin iyon. Ang mga Yayang katulad mo, walang karapatang magmataas sa mundo dahil katulong lang naman kayo! Akala mo kung sino ka na dahil lang nagustuhan ka ni Preston? Ang kapal nga naman siguro talaga ng mukha mo."

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at napailing. Kapagkuwan ay nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya at muling ngumiti. "Ayos lang. Hindi naman kasi isang panlalait kapag tinatawag akong Yaya. Oo at Yaya lang ako ni Chantal pero at least, naiparamdam ko sa kaniya ang kalinga ng isang ina. Kalinga na kahit kailan, hindi mo maibibigay," mahinahong sambit ko.

"Kalinga ng ina? What the fuck is that? Masiyado kang ma-drama, alam mo ba 'yon?"

"Yaya lang ako? Okay. At least kahit Yaya ako, ginagawa ko naman nang mabuti ang trabaho ko. Hindi ko pinabayaan si Chantal. Sinisiguro ko rin na mahimbing ang tulog niya palagi sa gabi, na ligtas siyang nakakapasok sa school araw-araw dahil inihahatid ko siya, na palagi siyang may kasabay kumain tuwing umaga, na hindi siya nagkakasakit, na masaya siya kasi kasama niya ako sa paglalaro sa labas... lahat. Kung iyon lang din naman pala ang gawain ng mga Yaya, bakit ko dapat ikahiya?" "You're cheap-"

"Kanina, sinasabi mo na masama akong tao dahil kabit ako ng EX-husband mo. Tapos ngayon naman, sinasabi mo na masama akong tao dahil INALAGAAN ko ang anak mo? Kakaiba ka rin, e, ano?" pagputol ko sa dapat na sasabihin niya. Masama niya akong tiningnan ngunit tinaasan ko lamang siya ng kilay. Dahil alam ko na naman na hindi galit sa akin si Chantal, wala na akong dapat pang ikatakot. Hindi na ako dapat pang mag-pigil para lang kaharapin pa siya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Mas mabuti pang umalis ka na. Hindi mo ba narinig sina Preston at Chantal? O gusto mo may guard pang-Oh! Nandito na naman pala sila!" Agad na nagliwanag ang mukha ko nang may pumasok nang mga guard sa loob ng bahay. Nanlaki naman ang mga mata ng dating asawa ni Preston at lumingon sa kung saan ako nakatingin.

"What the--- this is my house! Anong ginagawa niyo rito? Hindi ako nagte-trespassing!" Eksaheradang sigaw niya habang hinihila ng mga guard palabas ng bahay.

Napailing na lamang ako habang pinapanood siya at inaayos ang aking mahabang buhok na nagulo dahil sa pagsabunot sa akin ng babaeng iyon.

"Babe? Are you all right?"

Nag-angat ako ng tingin at napaayos ng tayo nang marinig ang sinabi ni Preston. Lumapit na pala siya sa akin ngunit hindi ko na napansin dahil abala ako sa pag-aayos ng aking buhok. He cupped my face while examining it. "Masakit ba? I wasn't expecting that she'll slap you-"

"Ayos lang," pagputol ko sa sasabihin niya at tipid na ngumiti. "Hindi naman masiyadong masakit dahil hindi siya malakas na manampal. Baka nga kapag ako ang sumampal sa kaniya, matanggal 'yong ulo niya, e." Mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko at marahang napailing. "Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na darating pala 'yon. E 'di sana nakapaghanda ako, 'di ba?" dagdag ko pa.

"I wasn't expecting her to go here, though, Hindi ko alam na may ikakapal pa pala "

"Daddy? Yaya Lyana?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Chantal sa aking tabi. Shit. Lihim akong napangiwi dahil tuluyang nawala sa isip ko na nandito pa pala ang dalawang bata. Akala ko...

"Yes, Chantal?" kaswal na tanong ni Preston sa anak kaya't pasimple ko siyang siniko. Tumingin naman siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay ngunit pinanlakihan ko lamang din siya ng mga mata. "Why?" tanong niya naman sa akin. "Are you two... really together?"

Hindi ako nakasagot at sa halip ay tumingin na lamang kay Preston. Wala pang ilang segundo ay walang pag-aalinlangan siyang tumango. "Yes. Your Yaya Lyana is now my girlfriend." "Preston," mahinang reklamo ko sa kaniya.

Bahagya akong umupo para maging magkapantay ang height namin ni Chantal. Inosente siyang nakatingin sa akin kaya't kinakabahan akong napalunok. Malakas akong bumuntong hininga bago masuyong hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.

"P-Pasensiya na kung hindi ko kaagad sinabi sa 'yo ang tungkol sa amin ng Daddy mo. A-Alam ko kasi na hindi mo kaagad maiintindihan ang tungkol sa amin ng Daddy mo at natatakot din ako na magbago ang pakikitungo mo sa akin." "Yaya..."

"Mahal kita, Chantal. M-Mas mahal pa nga yata kita kaysa sa Daddy mo, e. K-Kung natatakot akong mawala siya sa akin, m-mas lalo akong natatakot n-na baka lumayo ka sa akin. Para na kitang anak kaya natatakot ako na magalit ka sa akin. Pasensiya na kung naglihim sa 'yo si Yaya, ha? Sasabihin ko naman kasi sana sa 'yo kaagad kaso pinangunahan ako ng takot na baka—“

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang lumapit sa akin si Chantal at mahigpit akong niyakap. Naramdaman ko rin ang paghikbi niya sa balikat ko kaya't kinagat ko ang aking ibabang labi para ppigilan din ang sarili ko sa pag-iyak. "Y-Yaya... does that mean that... y-you won't leave us na? H-Hindi ka na po aalis?"

Ilang beses akong napakurap bago humiwalay ng yakap sa kaniya. "Ha? Aalis? A-Anong ibig mong sabihin? Hindi ako aalis. Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa Mommy mo kanina, 'di ba?"

Humarap siyang muli sa akin at mas lalong umiyak. "K-Kasi po s-sabi ni Jarvis, palagi raw kayong umaalis sa mga work mo po dati kapag may nakakaaway ka po. Yaya Lyana, niaway ka ng Mommy ko. Aalis ka na po ba? Please say no. Y-Yaya, sama ako, please?" tanong niya at pumalahaw na naman ng iyak.

Tipid akong ngumiti sa kaniya bago sinapo ang kaniyang mukha. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya bago tumango. "Hindi naman ako aalis, Chantal. Kami ni Jarvis, dito lang kami. Hindi ka namin iiwan, okay?" mahinahong sambit ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ilang beses na kumurap. "Really, Yaya Lyana?"

"Oo naman. Hindi ka naman galit sa akin kasi..." Sumulyap ako kay Preston ngunit nanonood lamang siya sa amin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Chantal at muling hinawakan ang kaniyang dalawang kamay. "Hindi ka naman galit kay Yaya kasi... mahal ko ang Daddy mo, 'di ba?"

"Pero love mo rin naman ako, Yaya, 'di ba? Hindi lang si Daddy ko?"

Mabilis akong tumango habang nakangiti sa kaniya. "Oo naman. Mahal ko kayong parehas. Tinatanong pa ba 'yan?"

Humaba ang nguso niya bago nag-angat ng tingin sa ama. "Daddy ko, y-you're not going to make Yaya Lyana sad, right?" tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya ngunit tumango pa rin si Preston sa kaniya. "Of course, I won't," sagot ni Preston.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napatango naman si Chantal bago lumingon sa akin. "Okay po. That's what important. Kasi I don't want my new Mommy to be sad," sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Naestatwa ako sa puwesto ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Muling nangilid ang luha ko ngunit bago pa man ako makaiyak ay sinalubong na niya ako ng mahigpit na yakap.

"I just want the both of you happy, Yaya Lyana. B-Because we're a family, right? Me, Daddy, you my new Mommy and... Huh? Jarvis?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Chantal at agad na hinanap ng aking mga mata si Jarvis. Nakatalikod na ito at naglalakad palayo sa amin. Mabilis naman akong tumayo upang habulin siya at pigilang umalis.

"Jarvis," usal ko matapos kong mahuli ang kaniyang palapulsuhan. Umupo akong muli upang sa pagkakataong iyon ay siyia naman ang makapantay ko.

"Jarvis 'nak, humarap ka kay Mama," mahinahong sambit ko at hinawakan ang kaniyang balikat gamit ang isa ko pang kamay. "M-May problema ba, 'nak?"

Hindi siya sumagot sa akin ngunit hindi rin naman nakatakas mula sa aking mga mata ang pagtaas-baba ng balikat niya tanda na humihikbi siya. Sumikip ang dibdib ko nang malamang umiiyak siya kaya't hindi ko na hinintay na siya pa mismo ang humarap sa akin. Iniharap ko siya sa akin at agad namang nakumpirma ang hinala ko nang makitang tahimik nga siyang umiiyak.

Nangilid ang luha ko at nag-aalalang sinapo ang kaniyang dalawang pisngi. "J-Jarvis, b-bakit ka umiiyak? M-May problema ba tayong dalawa? Sabihin mo kay Mama, please. Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at kapagkuwan ay ibinaling ang tingin sa aking likuran. Agad ko namang tiningnan kung saan siya nakatingin at nalamang kay Chantal siya nakatingin. Kunot noong tumingin naman sa akin si Chantal na para bang naguguluhan din sa nangyari.

"Jarvis..."

"Bad ka, Mama."

Tumingin ako sa gawi ni Jarvis nang sa wakas ay nagsalita na siya. "H-Huh? Jarvis, bakit—"

"Ayaw mong galit sa 'yo si Chanty p-pero ako... a-ayos lang sa 'yo. B-Bad ka, Mama,” humihikbing sambit niya.

Ilang beses akong napakurap dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Ibig niya bang sabihin na...

"G-Galit ka kay Mama, Jarvis?" tanong ko at itinaas ang baba niya upang magtagpo ang aming mga mata. "Sabihin mo sa akin, Jarvis. Galit ka ba sa akin, huh? Bakit? D-Dahil ba hindi ko sinabi sa 'yo na may relasyon kami ni Preston... iyon ba, huh?"

"Sabi mo no secrets. Sabi mo love mo 'ko..."

"Love naman kita," agad na pagtutol ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kaniyang dalawang kamay at naiiyak na tumingin sa kaniya. "H-Hindi ko naman sinabi sa 'yo na hindi kita love, Jarvis. Anak kita, e. Siyempre, mahal kit—" "Pero mas love mo na si Chanty, Mama."

Umawang ang labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita at hindi lamang makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pag-iyak ngunit wala man lamang akong lakas ng loob para punasan ang mga luha niya. Iniisip niyang mas mahal ko si Chantal kaysa sa kaniya?

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Para akong tinusok ng ilang punyal sa dibdib nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto kong sabihing hindi dahil parehas ko naman silang mahal-mas lamang nga siya dahil anak ko siya. Pero hindi ko nagawa nang makita kong patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"J-Jarvis, 'nak..."

"Ipagpapalit mo na po ako, Mama. H-Hindi na ako ang baby mo. S-Sabi mo, ako lang... b-bakit mas love mo na si Chanty? Bakit love mo na rin si Boss? Akala k-ko ba, alagaan mo lang si Chanty? Bakit... bakit..."

Hindi na niya naituloy pa ang mga dapat ay susunod na sasabihin nang mas lalo pa siyang umiyak. Inalis ko ang hawak ko sa kamay niya at sinapo ang aking bibig upang pigilan ang sarili kong gumawa ng ingay dahil sa pag-iyak nang hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

"Sabi niyo, family kayo. New Mommy, Chanty, saka Daddy... Mama ko, p-paano ako? Paano si Jarvis? Iiwan mo na 'ko?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mabilis na umiling. Inalis ko ang kamay ko mula sa aking labi at muling hinawakan ang kaniyang dalawang kamay habang umiiling. "Jarvis, hindi. Hindi totoo 'yan. I-Ikaw pa rin ang baby ko. Baby ka ni Mama, 'di ba? Ano ka ba? Hindi kita iiwan, Jarvis, huh? Hinding-hindi. Love ka ni Mama. Sobrang love kita. S-Sila, love ko rin pero mas love kita-" "Paano na ang Papa ko, Mama?"

Tumigil ako sa pag-iyak nang matapos ang ilang taon ay banggitin niyang muli ang katagang iyon. Papa...

"F-Family na kayo nina Chanty at Boss, 'di ba? Paano naman kami ng Papa ko, Mama? 'Di mo na kami family, 'di ba? K-Kasi may bago ka na." "Jarvis, h-hindi-"

Hindi ko pa natatapos ang dapat kong sasabihin nang tumakbo na palayo si Jarvis. Sinubukan ko siyang pigilan ngunit masiyado siyang mabilis. Dire-diretso siyang tumakbo patungo sa second floor at alam kong papunta siya sa silid naming dalawa para roon umiyak.

Naiwan ako sa kinatatayuan ko at agad na tinakpan ang aking mukha upang umiyak. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao dahil sa sinabi ni Jarvis. Pakiramdam ko...

"Babe." Naramdaman kong bahagyang umupo rin si Preston upang magkapantay kami. Agad ko naman siyang niyakap at malakas na umiyak sa kaniyang dibdib. "Ang sama-sama ko, Preston. G-Galit na galit ako sa sarili ko kasi pinaiyak ko si Jarvis... m-masama pala ako..."

"No. Don't say that. He was just shocked so he said those words. Your son loves you, Lyana. I'm sure he'll understand-"

"Hindi," pagtutol ko habang umiiling. "Hindi niya kaagad maiintindihan. G-Galit siya sa akin kasi masama ako, Preston. K-Kasi hindi ko siya inisip. Alalang-alala ako sa iisipin ni Chantal kasi baka lumayo siya sa akin tapos si Jarvis... h-hindi ko man lamang naisip na baka magalit din sa akin si Jarvis. Ang sama ko, Preston. Galit sa akin si Jarvis kasi hindi ko siya naisip. Masama akong Mama."

"I'll talk to him, huh? I promise, I'll talk to him," mahinang sambit niya habang tinatapik ang aking balikat.

Umiling ako. "Sa akin galit si Jarvis kaya ako dapat ang magpaliwanag sa kaniya ng lahat. A-Ako nalang ang kakausap kasi ako naman ang may kasalanan."

"No. It's my fault. The blame is on me." Nag-angat ako ng tingin kay Preston nang marinig ang sinabi niya. Seryoso ang mukha niya kaya't hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaniya.

"Preston..."

"You were so worried that my daughter will hate you but for me, I was too complacent that your son will understand because he's I thought that he was mature for his age. Kasalanan ko dahil hindi ako ang nagpaalam at mismong nagsabi sa kaniya. I forgot that he's your son and he's a kid, too. I'm sorry, huh, babe? I'll fix this. I promise that I'll fix everything. Gagawin ko ang lahat para matanggap din ako ni Jarvis tulad ng pagtanggap sa 'yo ni Chantal. I promise."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report