"Yaya Lyana, are you mad at me po?"

Iyon ang unang itinanong sa akin ni Chantal matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kaaalis lamang ni Preston para kumuha ng tubig samantalang halos kanina pa at magkakalahating oras na mula nang mag-walk out si Jarvis at nagkulong sa kuwarto namin.

Gusto ko sana siyang sundan at ipaliwanag ang side ko pero sabi ni Preston ay hayaan ko raw munang mapag-isa si Jarvis dahil iyon ang kailangan niya ngayon. Sabi niya ay pakalmahin muna namin ang isa't-isa bago kami mag-usap. Ipinangako rin sa akin ni Preston na kakausapin niya mamaya si Jarvis para ipaliwanag ang lahat sa anak ko. Mukha namang hindi siya nagbibiro at sincere sa alok niya kaya't hinayaan ko na. Mas mabuti pa ngang siya na lamang muna ang kumausap kay Jarvis dahil baka hindi ko rin lamang kayanin at umiyak na lamang nang umiyak.

Nag-angat ako ng tingin kay Chantal at kapagkuwan ay marahang umiling bilang tugon.

"Really, Yaya?" Mahinang tanong niya at ilang beses na kumurap. Hinawakan ng maliit niyang kamay ang kamay ko kaya't kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Muli akong tumango. "Bakit naman ako magagalit sa 'yo, huh? Hindi ako galit sa 'yo kasi wala ka namang kasalanan, okay? Tandaan mo 'yan, Chantal. Hindi galit sa 'yo si Yaya." "Kahit na you fought with Jarvis because of... me?"

Humarap ako sa kaniya at kunot noo siyang tiningnan. "Chantal, hindi ikaw ang dahilan kung bakit nagalit si Jarvis sa akin, okay? Ako ang may kasalanan kaya nga hihingi ako ng sorry sa kaniya. Saka si Jarvis, sigurado akong hindi niyon kayang magalit sa 'yo. Siguradong-sigurado ako roon sa bagay na iyon. Kung sa akin, puwede pa. Pero sa 'yo? Sus. Imposible," naiiling na sagot ko sa kaniya bago ko inayos ang aking buhok.

Siguro, mukha na akong bruha ngayon sa katatayuan kong 'to. Nakipagsabunutan at sampalan ako kanina saka umiyak pa nang umiyak. Nakakatakot tuloy tingnan ang sarili ko sa salamin dahil baka isang pamilyar na itsura lamang ang bumungad sa akin.

"But Yaya, I felt like Jarvis is also mad at me."

"Hmm? Paano mo naman nasabi na ganiyan?"

Sumimangot siya bago mas lalong sumiksik sa akin. "Because I want you to be my new mommy. Maybe he thought that I'll steal you away from him. 'Yon po ang akala ni Jarvis, right, Yaya Lyana?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at sa halip ay malakas lamang na nagpakawala ng buntong hininga. Alam ko namang alam na rin niya ang sagot sa tanong na iyon dahil narinig niya ang sinabi ni Jarvis sa akin kanina. Matalino si Chantal at alam kong nakuha niya kaagad kung ano ang ibig sabihin niyon.

Yumakap sa akin si Chantal at umiling. "But that's not what I want to happen, Yaya Lyana. Of course, I want you to be my new mommy because you're nice and you love me but I also wanted you to be my new mommy because I want Jarvis to be my brother. I want him to be a part of my family, Yaya. Because he's also nice to me every time that's why I want him to become a part of my family."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at naiiyak na naman akong tiningnan. "I don't want you and Jarvis to leave, Yaya. Dito lang naman po kayo, 'di ba? Right, Yaya? You won't leave me and my Daddy... right? Please, Yaya?" "Hindi nga. I promise."

"Kahit mad sa akin si Jarvis?"

Malakas akong bumuntong hininga at umiling. Sinapo ko ang ulo niya at pinaglaruan ang kaniyang buhok. "Hindi naman galit sa 'yo si Jarvis, Chantal. Saka sigurado naman ako na ayaw ka rin niyang iwanan dito. Baka nga kapag umalis siya, isama ka niya tapos iwanan niya ako, e," biro ko pa ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Yaya Lyana?"

"Hmm?"

"Ayos lang po ba sa 'yo na ikaw ang new mommy ko? Bad po ang dati kong Mommy, Yaya Lyana. Baka maging bad ka rin kapag tinawag kitang Mommy..."

"E 'di Yaya Lyana pa rin ang itawag mo sa akin. Ayos lang naman sa akin na ganoon ang tawag mo. Saka sanay ka na roon kaya hindi na problema sa akin kung ayaw mong baguhin," mahinahong sambit ko habang sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking mga daliri.

Umiling si Chantal at nag-angat ng tingin sa akin. "No, Yaya Lyana. Paano malalaman ng ibang people na ikaw na ang new mommy ko kapag I still call you Yaya Lyana, right? Hmm.."

"Sige, bahala ka," tanging sambit ko at inobserbahan lamang siya habang animo'y nag-iisip ng pangalang itatawag niya sa akin.

Ilang minuto akong nakatitig lamang sa mukha niya habang iniisip kung tama ba talaga na napalapit siya sa akin nang ganito. Si Jarvis... napalayo naman sa akin si Jarvis.

Alam kong mahal ni Jarvis si Chantal bilang kaibigan at para na ring kapatid kaya naman alam kong hindi niya ito sinisisi kung sakali mang malapit ang loob sa akin ni Chantal. Ako ang sinisisi ni Jarvis dahil pakiramdam niya, nakalimutan ko na siya at ipinagpalit.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Malakas akong bumuntong hininga at napailing habang nakakaramdam ng awa sa anak ko. Gaano ba akong kasamang ina para isipin niya ang bagay na iyon? "Mama."

"Hmm?" tanong ko at tumingin kay Chantal.

Agad namang umangat ang sulok ng pisngi niya nang marinig ang tanong ko kaya't ilang beses akong napakurap. May mali ba?

Malapad siyang ngumiti. "I called you Mama, Yaya Lyana. Hindi mo po napansin?"

Ilang beses akong napakurap dahil sa labis na gulat. Tama nga siya. Hindi ko napansin dahil parang... parang masiyadong natural at maayos na pakinggan. Napalunok ako at pilit na ngumiti sa kaniya habang marahang tumatango. "Gusto mong Mama ang itawag mo sa akin?" tanong ko.

Tumango siya ngunit kapagkuwan ay napasimangot. "But I still have to ask Jarvis, Ya-I mean, Mama Lyana. Baka mamaya, he don't want me to call you Mama because he calls you Mama, too. Magpapatulong na lang po ako kay Jarvis na mag-isip ng name na itatawag ko sa 'yo para hindi siya magalit," sambit niya.

Napangiti ako sa dahil sa sinabi niya at marahan na lamang na tumango bilang tugon. Alam ko namang mabait si Jarvis at papayag siya dahil kahit na hindi man niya sabihin sa akin, alam ko rin naman na gusto niyang maging kapatid si Chantal-hindi man sa dugo pero alam kong mahalaga rin sa kaniya ito kaya't hindi niya magagawang magalit.

"Here's your water, babe."

Nag-angat ako ng tingin matapos marinig ang boses ni Preston. Masiyado akong abala sa pag-iisip kaya't hindi ko na napansin ang presensiya niya. Kung hindi pa siya nagsalita, hindi ko siya mapapansin. Iniabot niya sa akin ang baso ng tubig na hawak na agad ko rin namang tinanggap.

"Thank you," mahinang pasasalamat ko sa kaniya bago ko sinimulang inumin ang ibinigay niya.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Napalunok naman ako nang mapansing nakatingin sa amin si Chantal. "Are you feeling better now?" tanong ni Preston sa akin.

Malakas akong bumuntong hininga at marahang tumango. "Kinausap naman ako ni Chantal kaya medyo ayos na ako." Tumingin ako sa gawi ni Chantal at tipid siyang nginitian. Mukhang napansin naman ni Chantal ang pagtingin ko nang suklian niya ako ng malapad na ngiti.

"That's good to hear," sambit ni Preston at nag-angat din ng tingin sa anak. "Chantal?"

"Yes po, Daddy?"

"Puwede bang samahan mo muna rito si Yaya Lyana mo? I'll just go upstairs and talk to Jarvis. May kailangan kaming pag-usapang dalawa," utos niya.

"Po? But Daddy, I want to talk to Jarvis din po. Can I come with you?" giit ni Chantal kaya't napatingin sa akin si Preston at parang hinihingi ang opinyon ko.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Mas mabuti ngang isama mo si Chantal. Marupok sa kaniya si Jarvis, pagbubuksan niya kayo ng pinto," pagpayag ko.

Agad na nagtagpo ang dalawang kilay ni Preston at pinanliitan ako ng mga mata. "Are you sure?" tanong niya.

"Oo nga. Ayos lang ako rito. Susunod nalang ako sa inyo mayamaya kapag pakiramdam ko, ayos na. May tiwala naman ako sa inyong dalawa ni Chantal... hindi niyo naman ako bibiguin, 'di ba?"

He groaned. "Babe, you're putting so much pressure on me "

"Yes na yes po! You can trust us, Mama Lyana." Pinutol ni Chantal ang dapat na sasabihin ng ama kaya't mas lalo akong napangiti. Nag-thumbs up pa siya sa akin at kumindat na para bang siguradong-sigurado na mapapaamo niya si Jarvis. "What did you just call Lyana, Chantal?" Gulat na tanong ni Preston ngunit hindi na siya sinagot ni Chantal dahil hinila na nito ang kaniyang kamay para pumunta sa second floor. Napailing na lamang ako at hinayaan na siyang dalawa sa kung ano man ang gagawin nila para mapaamo nila ang anak ko.

May tiwala naman ako sa kanila. Sigurado ako roon. Saka hindi naman bato ang puso ni Jarvis para hindi sila nito pakinggan. Kilala ko ang anak ko... alam kong mabait siyang tao.

Nang maiwan ako ng dalawa ay saka ko isinandal ang aking likod sa sofa upang kahit papaano ay makapagpahinga. Napakaraming nangyari ngayong araw na siya namang hindi ko inaaasahang mangyari. Ayos lamang kami kaninang umaga tapos ngayon, biglang nagulo ang lahat.

Hindi ko naman sinisisi ang dating asawa ni Preston sa lahat ng nangyari dahil lahat naman kami ay may kanya-kanya ring pagkakamaling nagawa. Kung magsisisihan pa, mas lalo lamang lalaki ang gulo sa pagitan ng lahat sa amin. Malakas akong bumuntong hininga at ipinikit ang aking mga mata. Sa dami ng nangyari, kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin ako dahil sa wakas ay nasabi na namin ni Preston ang mga bagay na hindi namin masabi-sabi sa lahat. Hindi ko nga lamang alam kung paano ko ipapaliwanag kina Manang Lerma pero bahala na. Saka ko na lamang iisipin iyon.

Umusal ako ng mahinang dasal habang nakapikit ang aking mga mata at hiniling na sana ay maipaintindi nina Preston at Chantal ang lahat kay Jarvis. Alam kong hindi magiging madali dahil bata pa si Jarvis at mahihirapan pa siyang intindihin ang lahat pero wala pa rin akong ibang dasal kung hindi sana ay huwag nang matagal ang galit niya dahil hindi ko kayang matulog nang alam kong galit sa akin ang mismong anak na katabi ko.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report