The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Forty Five
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay saka ko lamang napagdesisyunang tumayo at sundan sina Preston at Chantal sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan kahit na may tiwala naman sa dalawa-sadyang ganito lang siguro talaga kapag nanay ka.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa second floor. Mabibigat ang hakbang ko para bumagal ang paglakad ko. Hindi ko kasi alam kung anong madaratnan ko pagdating ko roon. Nang makatungtong ako sa second floor ay muli akong bumuntong hininga at tumigil sa paglalakad upang ikalma muna ang aking sarili. Natatakot ako-hindi. Kulang pa ang salitang takot para i-describe kung ano ang nararamdaman ko. Matapos kong maikalma ang aking sarili ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa hallway sina Preston at Chantal kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pinapasok sila ni Jarvis. Tulad ng sinabi ko kanina, alam kong hindi matigas ang puso ni Jarvis at hindi siya nakakatiis lalo pa't mahalaga sa kaniya ang isang tao.
Naglakad ako patungo sa silid namin at sakto namang naka-awang ang pinto kaya't kahit papaano ay may paraan ako para makita sila. Umawang ang labi ko nang makitang nakaupo sa kama si Preston at sa kabilang bahagi naman ay naroon si Chantal. Nakaupo sa gitna ng kama si Jarvis at nakatalukbong ng kumot ang kaniyang katawan, tanging ulo lamang ang kita.
Mukha siyang pagong. Iyon ang una kong naisip matapos makita ang katatayuan niya.
"Jarvis, huwag ka na kasing galit kay Daddy ko. 'Di naman siya bad, ah?" Rinig kong sabi ni Chantal.
Tumingin si Jarvis kay Preston at kapagkuwan ay umismid. "Sabi mo kaya sa akin dati, bad siya. Tapos sabi mo pa nga, galit ikaw sa Daddy mo kasi pinapagalitan ikaw palagi. Bakit 'di na ngayon? Binigyan ka na naman ng candy?" reklamo niya at sinamaan ng tingin si Preston.
Napailing ako. May point nga naman siya sa sinabi niya. Noon naman talaga ay galit si Chantal kay Jarvis at ilang beses niyang sinabi sa amin na bad ang Daddy niya dahil palagi siyang pinapagalitan kapag may nagawa siyang mali.
Ilang ulit ko rin namang sinabi sa kanila na hindi masama si Preston at ginagawa niya lang iyon dahil gusto niyang itama ang mga maling nagawa ni Chantal-mukhang naintindihan na iyon ni Chantal pero hindi pa rin naiintindihan ni Jarvis. "Hindi naman kasi talaga siya bad sabi ni Mam-I mean, ni Yaya Lyana. Look nga, oh. Do you really think na Yaya Lyana will love him if he's bad? Hindi, right?"
Natahimik si Jarvis dahil sa sinabi ni Chantal ngunit mayamaya ay muli na namang napailing. "Lahat naman love ng Mama ko kahit hindi good. Mabait kasi ang Mama ko," sambit niya at nagbaba ng tingin.
Agad na umangat ang isang sulok ng labi ko nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Tinawag niya pa rin akong mabait kahit na nagtatampo siya sa akin. Hay. Ang anak ko talaga...
"Mabait din naman ang Daddy ko, ah?" giit ni Chantal at tumingin kay Preston. "Daddy naman kasi, you told me that you'll talk to Jarvis, 'di ba? Why don't you talk to him na kaya?"
Ibinaling ko ang paningin ko kay Preston na nakatingin din kay Jarvis. Matiim niyang pinagmamasdan ang anak ko kaya't hindi ko mapigilang magtaka. Ayaw niya bang magsalita?
Malakas na bumuntong hininga si Preston at sa wakas ay napagdesisyunan na ring magsalita at kausapin ang anak ko. "Are you still mad?" tanong niya rito.
"Hindi ba halata... po?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil kahit na galit, sinubukan pa ring igalang ni Jarvis si Preston. Napangiti ako dahil halatang gusto na niyang mag-iwas ng tingin ngunit bilang paggalang ay tiningnan niya pa rin ito. "Bakit ka galit?"
Hindi sumagot si Jarvis at sa halip ay isinubsob na lamang ang kaniyang mukha sa tuhod upang mag-iwas ng tingin kay Preston. Napalabi naman ako. Hindi ko alam kung ayaw niya lang sabihin ang sagot dahil nahihiya siyang sabihin o dahil hindi niya masagot dahil hindi niya rin naman alam kung ano ang dapat na isagot.
Malakas na bumuntong hininga si Preston. "Is it because you don't want me for your mother? Ayaw mo sa akin?" dagdag na tanong niya.
Katulad kanina, hindi pa rin sumagot sa kaniya si Jarvis kaya't muling napailing si Preston. "Paano kapag ibang lalaki na ang boyfriend ng Mama mo? Ayaw mo pa rin? O gusto mo na?"
"Hindi naman kayo ang Papa ko po," mahina ngunit sapat na upang marinig na sagot ni Jarvis kay Preston.
Napalunok ako. Hindi ako sanay na binabanggit ni Jarvis ang tungkol sa tatay niya dahil hindi naman siya nagtatanong noon at hindi siya interesado. Isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit hindi ko naisip na hindi papayag sa amin si Jarvis- dahil akala ko noon, wala na talaga siyang pakialam sa totoo niyang ama.
Ang hindi ko alam, mayroon pa rin pala.
Marahang tumango si Preston at seryoso pa ring nakatingin sa anak ko. "I am not your Papa but I can be your Daddy if you want to..."
Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Preston. Is he going to welcome Jarvis as his son now? Tulad ko kay Chantal, ganoon ba? Hindi niya sinabi sa akin iyon noon kaya't hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon kay Jarvis ngayon. Totoo ba iyon?
"Pero ikaw po kaya si Boss. Saka Daddy ka po ni Chantal, hindi Daddy ko po."
"Puwede mo rin naman akong maging Daddy kung gusto mo. Just like how Chantal wants your Mama to be her Mama, too. Hindi ko naman ipagpapalit si Chantal sa 'yo at hindi ka rin naman ipagpapalit ng Mama mo kay Chantal. Let's just say, hati kayo... sa Mama at Daddy," mahinahong sagot ni Preston.
Muling umawang ang labi ko habang pinagmamasdan siyang kausapin ang anak ko. Mahinahon siya kung magsalita tulad ng pagsasalita niya tuwing kasama ako. Nakakapanibago na ganoon din ang way ng pagsasalita niya sa anak ko. "Love ni Mama si Chanty pero ikaw..."
Natahimik si Preston dahil sa sinabi ni Jarvis at kapagkuwan ay bumuntong hininga. "Then I can love you, too. Just like how your Mama loves my Chantal," sambit niya.
Muli kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang sarili ko sa pagngiti dahil sa sinabi ni Preston. Hindi tulad namin ni Chantal, bihira lamang na mag-usap sina Jarvis at Preston- kadalasan ay bangayan pa. Sa sinabi ni Preston, alam kong kailangan niya ring mag-effort para maging ka-close niya si Jarvis at alam kong hindi rin iyon magiging madali sa kaniya.
Hindi pa nga sila sobrang close ni Chantal na mismong anak niya tapos ngayon, kailangan niya ang dagdagan ang mga ginagawa niyang effort dahil kailangan niya ring makasundo ang anak ko. Napailing ako habang nakatingin sa kaniya. Siguro ako na ang magiging pinakamasaya sa mundo kapag nagkasundo-sundo na sila. Tulad ng hiling ni Chantal, mukha mang imposible at mataas na pangarap, pero gusto ko... kung maaari... na sana maging isang pamilya kami. Siguro masiyadong makapal ang mukha ko para hilingin iyon pero masisisi ba ako kung hihilingin ko ang bagay na iyon?
Lahat naman kami, gusto namin ng pamilya. Si Preston at ako, parehas kaming galing sa masalimuot na nakaraan. Sina Jarvis at Chantal, parehas lumaki na kulang ang magulang. Kung magkakaayos-ayos sila, baka... kahit impossible... baka maging isang pamilya kaming apat.
"Pero ang Papa ko po..."
Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Jarvis nang muli siyang magsalita. Nag-angat siya ng tingin kay Preston at sumimangot. "Paano na po ang Papa ko?" dagdag niya pa.
Napatango si Preston na animo'y nag-iisip. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na ianticipate ang maaari niyang isagot kay Jarvis dahil iyon din ang gusto kong itanong sa kaniya. Hindi siya nagtatanong tungkol sa tatay ni Jarvis kahit na tanong na ako nang tanong tungkol sa mommy ni Chantal noon kaya naman naisip ko na baka hindi siya interesado.
"I haven't met your Papa and your Mama doesn't want to talk about it. I respected her decision so I don't know anything about him. I don't know what kind of person he is, who is he, where does he came from, why did he left you... I don't know. But one thing is for sure..."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ilang beses akong napakurap habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin. Bumuntong hininga siya.
"One thing's for sure, I don't care about him. Kahit na iniwan niya kayo o kung ano mang ginawa niya noon-wala akong pakialam. Ang pakialam ko lang, tatay mo siya. Kung iniwan niya man kayo, then I am here to take care of you and your mother. Kung tumakbo siya sa responsibilidad, e 'di ako ang sasalo sa responsibilidad na iniwan niya. I'll do the same thing that your Mama did to me and Chantal,” dagdag niya.
Agad na nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha matapos marinig ang sinabi niya. Naging madali sa akin na saluhin ang responsibilidad ng nanay ni Chantal dahil mabilis na napalapit ang loob ko sa kaniya. Pero magkaiba kami ni Preston. Si Preston, tulad ng alam ng ibang tao, cold siya at mahirap makasabay sa trip. Palagi siyang seryoso sa buhay pero kahit papaano ay malambot pa rin naman ang puso niya-alam koi yon dahil nasaksihan ko iyon. Mahirap para sa kaniya na mapalapit sa mga bata kaya naman alam kong magiging challenge sa kaniya na maging kasundo si Jarvis.
"Ayoko pa rin."
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi nang muling magsalita si Jarvis. Nakatingin siya kay Preston na animo'y nagulat din sa sinabi ng anak ko.
"Lalaki ka... sasaktan mo lang din ang Mama ko..."
Sinapo ko ang aking mukha at tahimik na humikbi dahil sa katagang idinagdag niya. Ang anak ko...
"What? N-No. I won't do that "
"Sinasabi mo lang 'yan. Ang Papa ko nga, iniwan kami ni Mama, e. Ikaw pa kaya? Papaiyakin mo lang din Mama ko kasi pinaiyak mo noon si Chanty," pagputol ni Jarvis sa sasabihin dapat ni Preston.
Natahimik si Preston, marahil ay dahil hindi niya alam kung ano nag isasagot sa anak ko. Noong una kaming pumunta rito, sinisigawan ni Preston si Chantal kaya tumatak na iyon sa isip ni Jarvis. Nag-aalala siya sa akin kahit na nagtatampo siya. Hindi niya pa rin ako kayang tiisin.
Mas lalo akong napaiyak habang iniisip kung gaano ako kamahal ng anak ko. Iniisip niya pa rin kung anong makakabuti sa akin kahit na nasaktan ko ang damdamin niya kanina. Hindi ko alam kung deserve ko bang magkaanak ng batang kasing bait na katulad niya.
"Nagbago na naman ang Daddy ko, Jarvis." Sa pagkakataong iyon ay nagsalita na rin si Chantal upang ipagtanggol ang ama. "Siguro noon, sinisigawan niya ako kapag may nagagawa akong mali. Pero now, hindi na naman, 'di ba? You're always with me, right, Jarvis? Hindi mo ba nakita na my Daddy already changed?"
Hini kaagad nakasagot si Jarvis at sa halip ay napalabi na lamang. "Kahit na.." mahinang sambit niya matapos ang ilang segundong katahimikan.
"Kasi Jarvis, my Daddy was once bad-okay, alam na namin natin 'yon, right? Even me. Kahit naman ako, bad girl din ako bago kayo dumating ni Yaya Lyana. Pero I changed na naman, right, Jarvis?"
Tumango si Jarvis at unti-unting inalis ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan.
"Exactly. My Daddy is just like me. He changed, too. I changed because of you and Yaya Lyana-I want you to be proud of me. I want to be like you, Jarvis. Kasi mabait ikaw saka kapag mabait, maraming nagmamahal. Ang Daddy ko, ganoon din siya. Noong bumait na siya dahil kay Yaya Lyana, she loves him, to," dagdag pa ni Chantal.
"Mama ko..." Tumingin si Jarvis kay Preston at ilang beses na kumurap. "Love po ikaw ng Mama ko?"
Hindi sumagot si Preston at ngumiti lamang sa anak ko. Napalunok naman ako dahil hindi ko pa nga pala tuluyang inaamin sa kaniya na mahal ko siya. Nasabi ko na sa kaniya noon na gusto ko siya pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya na mahal ko siya.
Ang totoo niyan, hindi ko pa naman talaga alam na mahal ko siya-kanina ko lang din talaga nakumpirma noong sinugod ako ng dati niyang asawa.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Of course, Yaya Lyana loves my Daddy, Jarvis. Hindi mo ba nakita kanina? 'Di ba, we saw them? They're smiling, laughing, and hugging. Isn't that an enough proof that your Mama loves my Daddy?"
Natahimik si Jarvis at animo'y napaisip dahil sa sinabi ni Chantal. Mukhang napagtanto niya na may point nga ito. At saka isa pa, nakita nila kami kanina? Hugging and laughing... ibig sabihin, bago pa dumating ang totoong nanay ni Chantal, nakita na nila kami ni Preston? Pero nakaupo ako sa kandungan ni Preston kanina! Nakakahiya!
"Sige na nga..."
Agad akong nag-angat muli ng tingin nang muling magsalita si Jarvis. Ilang beses akong napakurap dahil baka namali lamang ako ng rinig ngunit nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Preston, nakumpirma kong tama ang narinig ko. "Really?" mahinahong tanong ni Preston kay Jarvis.
Nag-angat ng tingin si Jarvis at marahang tumango. "B-Basta kapag nisaktan mo po ang Mama ko, alis na kami dito, 'di na kami babalik... promise po 'yan." "Daddy," mabilis na segunda ni Chantal.
Agad namang tumango si Preston bilang sagot. "Hindi mo na dapat iniisip 'yan kasi hindi ko naman sasaktan ang Mama mo. Promise ko rin 'yon," sambit niya. Muling may tumulong luha sa aking mga mata ngunit sa pagkakataong iyon, alam kong tears of joy na iyon at hindi dahil sa takot at lungkot. Salamat naman. Humakbang ako palayo at akmang aalis na para bigyan sila ng alone time ngunit agad din akong tumigil nang marinig ang boses ni Chantal mula sa loob ng kuwarto. "Huh? Mama Lyana!" malakas na tawag niya. Humarap ako sa gawi nila at nakitang nakatingin sila sa aking tatlo. Pinaypayan ako ni Chantal at sinenyasang pumasok sa loob. Napangiti naman ako at napagdesisyunan ng pumasok sa loob ng kuwarto namin.
"Chanty? Anong tinawag mo sa Mama ko?" tanong ni Jarvis nang makalapit ako sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Preston at agad niya namang hinawakan ang aking kamay. Napatingin sa amin ang dalawang bata ngunit ipinagsawalang bahala na lamang nila ang nakita nilang dalawa.
Tumingin si Chantal kay Jarvis at napakamot sa kaniyang ulo. "Ay, I forgot. Ayaw mo ba na tawagin ko si Yaya Lyana ng Mama? If you don't want, just help me think of what I should call her "
"Hindi, ayos lang." Pinutol ni Jarvis ang dapat na sasabihin ni Chantal bago siya nag-angat ng tingin sa akin. "Love naman ako ng Mama ko kahit na gusto mo na rin siyang maging mama." Napangiti ako dahil sa sinabi niya at marahang tumango bilang pagsang-ayon. "I love you," mahinang usal ko kaya't ngumiti lamang siya sa akin pabalik.
"Okay! Thank you, Jarvis!" Niyakap ni Chantal si Jarvis samantalang napailing na lamang si Jarvis dahil sa ginawa nito. "Dahil diyan, you can call my Daddy, your Daddy, too. Hati na rin tayo kay Daddy kasi hinatian mo naman ako sa Mama mo." Humaba ang nguso ni Jarvis bago ibinaling ang tingin kay Preston. Nang tumingin din ako kay Preston ay mukhang inaanticipate niya rin na tawagin siyang Daddy ni Jarvis. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti nang mapansing kahit hindi niya sabihin, gusto niyang tawagin din siyang Daddy ni Jarvis.
"Dali na, Jarvis. Para matchy-matchy tayong dalawa ng tawag, please?"
"Parang 'di naman bagay ang Daddy, e. Pang-maarte at saka pang-mayaman," komento ni Jarvis at sumimangot. "Di po ba puwedeng 'Tay nalang?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report