"I'll just follow you later, all right? Mauna ka na sa pagsundo kina Jarvis at Chantal tapos susunod nalang ako."

Nag-angat ako ng tingin kay Preston nang halikan niya ang pisngi ko. Humarap ako at napansing hindi pa rin ayos ang neck tie niya kaya naman umayos ako ng tayo upang ayusin iyon. Hindi kasi siya masiyadong magaling sa pag-aayos ng necktie niya kaya parang naging trabaho ko na rin iyon.

Marahan akong tumango. "Okay. Basta sumunod ka, ha? Wala akong pera, baka magpalibre na naman 'yong mga 'yon sa akin," sambit ko.

Natawa siya kaya't tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, come on, babe. Sa akin lang naman nagpapalibre ang dalawang iyon lalo na si Jarvis. Alam niyang marami akong pera kaya ayan, nakahanap na naman ng panibagong dahilan para inisin ako," umiiling na reklamo niyo.

"Talaga? Gumagana naman ba? Naiinis ka?"

Malakas siyang bumuntong hininga at muling umiling. "Nah. I kind of like it actually. Mas mabuti at maganda na nga na iniinis niya ako dahil mas lalo lang kaming npapalapit sa isa't-isa. I prefer this one than before. At least alam kong gusto niya akong kausapin kahit na gusto niya lang naman akong inisin."

"He's just clingy. Saka ganiyan talaga 'yan, ngayon lang nagkaroon ng itinuturing na tatay, e. 'Yong kapatid ko naman kasing lalaki, may sakit saka si Jarvis pa ang nag-aalaga. Kaya ayan nga at mukha siyang tatay kung kumilos. Ngayon niya lang naranasan 'yong ganito kaya medyo naninibago rin."

"Just like Chantal?"

Napalabi ako at marahang umiling. "Si Chantal? Mukhang naranasan na naman niya kung paano magkaroon ng Mommy. Sadyang noong naghiwalay lang kayo ng asawa mo, saka siya nag-crave ng kalinga ng ina. Gusto niya ulit maranasan 'yong ganiyong pakiramdam kaya madali kaming nagkasundo."

"Mukhang mahihirapan nga lang ako dahil lalaki si Jarvis. He's not easy to tame, Babe."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Preston. Ganoon nga naman talaga si Jarvis. Mabait naman siya pero mahirap talagang maka-close lalo na at ang first impression niya sa 'yo ay masamang tao--- at higit sa lahat, nananakit ng babae.

"Si Jarvis, kahit na wala ka namang gawin, ayos lang sa kaniya. Mahirap siyang maka-close, oo. Pero once naman na makuha mo na nag loob niya, ayos na lahat. Huwag ka nga lang gagawa nang masama na talagang ikakagalit niya dahil hindi siya madaling magpatawad. Kailangan mo ulit bumalik sa umpisa para makuha ulit ang loob niya-mas mahirap nga lang."

Kumunot ang noo ni Preston dahil sa sinabi ko kaya't tumingin ako sa kaniya. "What do you mean? Ano ba ang mga ayaw ni Jarvis? Sabihin mo na kaagad sa akin para naman alam ko na ang mga bagay na hindi at kailangan kong gawin para magustuhan niya ako. I want to get close with him, you know? Tulad mo kay Chantal," tanong niya.

Kaswal akong nagkibit balikat. "Hindi naman mapili si Jarvis sa mga pagkain o kahit na ano. Isa lang naman ang ayaw niya..."

"And that is?"

"Kapag nanakit ka ng babae."

Ilang beses na napakurap si Preston nang marinig ang sinabi ko na animo'y nagtataka kung bakit iyon ang pinakaayaw ni Jarvis sa lahat. Alam kong iniisip ni Preston na masiyado pang bata si Jarvis para maging ganoon ka-mature kung mag- isip.

Malakas akong bumuntong hininga habang inaayos ang suot niyang necktie. "Noon kasi, naka-close niya rin 'yong isa kong boss. Palagi kaming dinadalhan ng pagkain sa bahay saka binibigyan ng laruan si Jarvis kaya inisip ni Jarvis na mabuting tao 'yong boss ko. Kaso 'yon, hindi ko naman alam na may gusto pala sa akin kaya niya ginagawa 'yong mga bagay na 'yon. Kaya noong sinabi ko sa kaniyang hindi ko siya gusto..." "Did he hurt you?"

Tumango ako. "Tapos nakita ni Jarvis kaya ayon, natakot na si Jarvis. Hindi na siya kaagad nagtitiwala nang ganoong kadali. Kahit bigyan mo siya ng pagkain, laruan, o pera, tanggapin niya man at magpasalamat, hindi mo naman siguro kung magtitiwala na siya sa 'yo. Mahirap kunin ang tiwala ni Jarvis pero madali lang ding mawala."

Dahil mas maliit ako kay Preston at nakaangat ang ulo ko para makita siya, hindi nakatakas sa aking mga mata ang pag-igting ng panga niya. Mukhang galit siya nang malaman na sinaktan ako ng dati kong amo.

Nang matapos kong ayusin ang necktie niya ay agad kong sinapo ang dalawang pisngi niya. Malapad ko siyang nginitian at saglit na dinampian ng halik ang kaniyang mga labi. "Alam ko naman na hindi mo ako sasaktan at si Chantal kaya huwag mo nang isipin 'yon, huh? Ang isipin mo nalang, kung paano mo makukuha ang tiwala ni Jarvis dahil sigurado naman ako na hindi na iyon mawawala pa. Mabait ka, Preston. Alam ko 'yon." Malakas siyang bumuntong hininga at muli na lamang akong hinalikan. "I'll try my best, babe. I'll try, huh?"

Tumango na lamang ako at humiwalay na sa kaniya. "Sige na, umalis ka na. Baka mahuli ka na naman sa trabaho mo. Magpapahinga lang ako nang kaunti tapos uuna na ako sa school para sunduin sina Chantal at Jarvis. Sasamahan ko muna sila sa playground para maglaro habang hinihintay ka. Ayos lang naman sa 'yo 'yon, hindi ba?"

"That's fine with me. As long as kasama ka, alam ko naman na walang mangyayaring masama. I trust you, babe."

Napangiti na lamang ako dahil sa sinabi niya at marahang tumango. Muli akong hinalikan ni Preston bago siya nagpaalam na aalis na at didiretso na sa trabaho.

Nang makaalis si Preston ay nagtungo ako sa kuwarto ni Chantal para ayusin ang mga laruan niyang nilaro kagabi at kanina. Para kasi payagan ako ni Jarvis na matulog sa kuwarto ni Preston ay kailangan naming makipaglaro sa kanila hanggang sa mapagod na sila ni Chantal at makatulog.

Medyo naaawa nga ako kay Preston dahil kahit pagod na pagod na siya sa trabaho ay nakikipaglaro pa rin siya sa dalawa para lang payagan ako ng mga ito na matulog sa tabi niya. Minsan nga ay sinasabi mong ayos lang at papakiusapan ko na lamang si Jarvis dahil pagod siya pero siya naman ang namimilit. Unfair daw kasi at sinabi niya na kahit na anong gusto ni Jarvis ay susundin niya.

Tingin ko naman ay may tiwala na si Javris kay Preston, hindi niya lang sinasabi dahil nahihiya siya. NNgunit kahit na hindi niya sabihin, ramdam ko naman. Kilala ko ang anak ko at tuwing nakikita ko siyang nakatingin kay Preston, hindi maitatago ang kislap ng mga mata niya habang nakatingin.

Nagpahinga lamang ako nang kaunti pagkatapos ayusin ang mga laruang nakakalat sa kuwarto ni Chantal at kapagkuwan ay naligo na rin para sunduin ang dalawa sa school. Ayaw ko kasi nang nahuhuli ako dahil baka may masama pang mangyari sa dalawa. Mas mabuti na ang maaga kaysa huli para kahit papaano ay nakasisiguro ako na ligtas sila ni Jarvis dahil kasama nila ako.

"Oh, Lyana? Ang aga mo yata?" bungad na tanong ni Manang Lerma sa akin nang makababa ako ng hagdan.

Tipid ko siyang nginitian. "Susunduin ko lang po sina Jarvis at Chantal sa school. Medyo mala-late daw po si Preston mamaya dahil late ang lunch niya, e."

"Ah, ganoon ba? Ikaw? Nakakain ka na ba? Hindi ka ba muna kakain bago umalis?"

"Nakakain na naman po ako kaninang almusal saka kakain po kasi kami sa labas mamayang tanghalian dahil nag-request si Chantal. Ayos na ho ako. Mamaya nalang po," sagot ko at nginitian lamang siya.

Gumanti naman ng ngiti sa akin si Manang Lerma at marahang tumango. Kapagkuwan ay lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat. "Alam mo, Lyana 'neng, masaya ako dahil hindi ka katulad ng ibang babae. Saka napakabait mo dahil itinuturing mo na ring anak si Ma'am Chantal. Isa pa, napapasaya mo rin si Sir Preston at hindi na rin sila palaging galit at malungkot. Mabuti na lamang talaga at ikaw ang ni-refer sa akin ni Jasrylle. Kung hindi ikaw, baka katulad pa rin ng dati ang mag-ama."

Agad na tumaas ang gilid ng labi ko nang marinig ang sinabi ni Manang Lerma. "Kailangan ko rin hong magpasalamat sa inyo, Manang Lerma saka sa mga iba pa nating kasama sa bahay. Salamat ho kasi hindi niyo ako hinusgahan kaagad kahit na nagkagusto ako kay Sir Preston. Salamat din ho dahil sinuportahan niyo ako at hindi niyo inisip na pera lang ang habol ko sa dalawa."

"Hindi naman kasi mukhang pera lang ang habol mo sa kanila. Mabait ka na sa amin noon pa man saka halata naman na mabait ka talagang tao. Noong unang dating mo naman dito, inisip man namin na pera lang ang habol mo dahil palagi namang ganoon ang habol ng ibang mga naging yaya ni Chantal, pero noong nagtagal ka na rito at palagi na naming nakikita kung sino ka talaga, nawala na rin naman sa isip namin na pera lang ang habol mo. Mabuti ka talagang tao at alam kong malinis ang intensiyon mo kina Sir Preston at Ma'am Chantal."

Muli akong napangiti. "Salamat ho ulit, Manang. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makikilala sina Chantal at Preston. Kayo ho ang dahilan kung bakit ko sila nakilala," pasasalamat ko pa.

"Oh siya, oh siya. Tama na ang drama at marami pa akong gagawin. Mamaya na lamang tayo ulit mag-usap, ayos ba? Kung may gusto kang itanong, pumunta ka lamang sa kuwarto ko o kaya ay sa kusina."

Tumango ako at nginitian na lamang siya bago nagpaalam na dahil kailangan ko nang umalis para sunduin sina Chantal at Jarvis. Pumayag naman siya at nagtungo na sa kusina kaya't dumiretso na ako palabas para magpahatid sa eskwelahan. "Ma'am, aga ho yata natin ngayon?" bati ng driver ni Preston nang makasakay na ako sa sasakyan.

Nginitian ko siya. "Gusto ko kasing doon muna ako sa labas at maghihintay para kapag lumabas sina Chantal at Jarvis, naroon na ako," sagot ko.

"Ah, sige ho, Ma---"

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Manong, Lyana nalang po. Hindi mo po ako Ma'am kasi Yaya po ako ni Chantal," pagtutol ko sa kaniya at tipid siyang nginitian.

"Ha? Pero 'di ba girlfriend ka ni Sir Preston? E 'di Ma'am na rin kita."

Umiling ako at sumandal na sa upuan ng sasakyan. "Katulad niyo lang ho ako, Manong. Kaya Lyana nalang po ang itawag niyo sa akin. Hindi po kasi ako sanay saka hindi po ako kumportable kaya huwag na pong Ma'am ang itawag niyo." Sa huli, walang nagawa si Manong kung hindi ang pabayaan ako at sumang-ayon na lamang sa sinabi ko. Naging tahimik at mabilis lamang ang biyahe namin patungo sa eskwelahan nina Chantal at Jarvis dahil hindi naman traffic.

Sa sobrang aga namin, thirty minutes pa yata bago ang labasan ay naroon na ako sa may tapat ng gate at naghihintay na kaagad kina Jarvis at Chantal. Binati pa ako ng guard at maging siya ay tinanong kung bakit daw napakaaga ko. Ngumiti na lamang ako at nagsinungaling na mali ang orasan ko kahit na sinadya ko naman talagang maagang pumunta.

Hindi pa man ako nagtatagal sa paghihintay nang may tumawag sa pangalan ko.

"You're Lyana Dela Merced, right?"

Natigilan ako matapos marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Naguguluhan at medyo kinakabahan man ay tumingin pa rin ako kung kanino galing ang boses na iyon kahit na kilala ko na naman kung sino. "Ikaw..."

Maloko siyang ngumiti sa akin at ipinagkrus ang kaniyang dalawang braso. "Can I talk to you for a minute?" mataray na tanong niya kaya't hindi kaagad ako nakasagot.

Taka ko siyang tiningnan kaya't mukhang naintindihan niya na wala akong planong sumama sa kaniya. "It's about Preston and Chantal," dagdag niya pa.

"Kung ano man ang sasabihin mo, wala na akong pakialam. Alam ko naman na sisiraan mo lang sila sa akin para umalis na ako sa buhay nila pero pasensiya ka na dahil hindi ako ganoong kababaw na tao. Mahal ko silang dalawa at wala akong pakialam sa kung ano man ang sasabihin mong paninira sa kanila," seryosong sambit ko.

Malakas siyang bumuntong hininga at umiling. "Hindi naman paninira ang pagsasabi ng totoo, hindi ba?"

"Ha?"

"Hindi mo man lang ba gustong malaman kung bakit ako nakipaghiwalay kay Preston? Ang rason ko kung bakit ko sila iniwan ni Chantal?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report