"Gusto ko lang na malaman mong sumama ako sa 'yo rito hindi para mabrainwash mo ako na hiwalayan si Preston at umalis sa bahay. Sumama ako dahil hindi naman ako bastos para hindi ka pansinin at hindi pakinggan ang side mo," mahinahong sambit ko matapos naming umupo sa upuan.

Malakas na bumuntong hininga si Margaux dahil sa sinabi ko ngunit taas noo ko lamang siyang tiningnan. Tumingin ako sa suot kong relo bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Kung ano man ang sasabihin mo, kung puwede sana ay pakibilisan. Mayamaya na lamang ay lalabas na sa school sina Chantal kaya kailangan ko silang sunduin."

"Mahaba ang ikukuwento ko kaya huwag mo akong madaliin."

"E 'di paikliin mo," pamimilosopo ko pa at tinaasan siya ng kilay.

Mula nang pumunta siya sa bahay ay hindi na siya muli pang bumalik na siya namang ikinalungkot ko-oo, ikinalungkot. Medyo nagsisi kasi ako dahil hindi ko siya nilabanan kaagad noon at nanatili akong takot kahit na wala naman pala akong dapat pang ikatakot.

Hiwalay na sila ni Preston-divorced to be exact. Sa mata ng tao, ng batas, at ng Diyos, hindi na sila mag-asawa pa kaya kanino ako matatakot? Saka alam ko naman sa sarili ko na mahal ako ni Preston at mahal din ako ni Chantal. May tiwala ako sa kanila kaya kahit na nandito si Margaux, hindi ko na kailangan pang matakot.

"Aren't you nervous at all?"

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang marinig ang tanong niya. Kaswal akong nagkibit balikat. "Bakit naman ako kakabahan?" takang tanong ko sa kaniya.

"Dahil baka magulat ka sa sasabihin ko at mag-iba na ang tingin mo kay Preston. Dapat nga ay kabahan ka dahil baka ito na ang huling beses na matitingnan mo siya nang maayos sa mata nang hindi naiinis o nandidiri." Umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya ngunit pinanatili ko pa ring kalmado ang sarili ko. Kapagkuwan ay marahan akong umiling. "Mahal ko si Preston at hindi ganoong kababaw ang pagmamahal ko sa kaniya para agad na magalit dahil lang sa sasabihin mo. Tatanggapin ko lahat ng mga imperfections niya dahil alam kong tatanggapin niya rin ang akin. Hindi mababaw ang pagmamahal namin sa isa't-isa at sana huwag mo iyong kalimutan dahil hindi mo kami masisira." "Well, sinasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa alam kung ano ang sasabihin ko. Kapag nalaman mo-"

"Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina na narito ako para pakinggan ang side mo, hindi ang i-judge si Preston. Gusto kong malaman kung bakit nagloko sa kaniya... hindi ang mga pagkukulang o kamalian niya. Side mo ang gusto kong pakinggan dahil ayaw ko na sobrang sama ng image mo sa utak ko. Nanay ka pa rin ni Chantal at kahit papaano, kailangan pa rin kitang igalang kahit na sinaktan mo sila noon.:

Napailing siya dahil sa sinabi ko bago inilibot ang kaniyang paningin sa paligid. "Ayaw mo man lamang bang um-order ng maiinom? You know, baka ma-highblood ka kapag nalaman m—"

"Sinabi ko na sa 'yo na bilisan mo at sabihin mo na sa akin kung ano ang dapat mong sabihin, hindi ba? Hindi ako sumama sa 'yo para makipagchikahan dahil wala naman akong balak na kaibiganin ka," prangkang pagputol ko sa sasabihin niya.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya't awtomatikong tumaas din ang aking isang kilay para hindi niya ako matalo. Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang mapailing at bumuntong hininga kaya't taas-noo akong umayos ng upo. Anong akala niya, magpapatalo ako sa kaniya?

Kung mataray siya, mataray din ako. Kung masama siya sa akin, masama rin ako sa kaniya. Ganoon lang 'yong kadali.

"All right, fine. Gusto ko sanang makipag-usap sa 'yo nang maayos pero mukhang ayaw mo—"

"Nag-uusap na tayo nang maayos kaya huwag ka nang maarte riyan at magsalita ka na. Sabihin mo na kung ano ang dapat mong sabihin dahil naiinip na akong makipagtitigan sa 'yo," pagputol ko sa sasabihin niya.

Umismid siya. "Anong maayos? Kanina ka pa irap nang irap-"

"Ano bang gusto mo? Ngitian kita at umaktong magkaibigan tayo?" Natatawang tanong ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo na ang unang ginawa mo sa akin nang una tayong magkita ay ang sabunutan ako? Hindi ako plastic na ngingiti sa 'yo at aaktong walang nangyari."

"Can't you just forget about that?"

"Kapag sinabunutan kita rito at sinabi kong kalimutan mo nalang, papayag ka ba?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko kaya't malakas akong bumuntong hininga at napailing. "See? Kaya huwag mo akong angasan diyan na para bang wala kang ginawang masama sa akin dahil alam ko naman na hindi ako ang nanguna sa ating dalawa. Ngayon, kung ayaw mong sabihin sa akin ang gusto mong sabihin, mukhang sinasayang mo lang ang oras ko. Nagsisisi na tuloy ako na sumama sa 'yo rito imbis na sunduin sina Jarvis at Chantal. Sayang ka sa oras, alam mo ba 'yon?"

Akmang tatayo na ako upang umalis at iwanan siya nang tumayo rin siya kaya't napatigil ako. "W-Wait! I really need to tell you this one. Ayaw ko rin namang makipag-usap o makipagkaibigan sa 'yo. I just want you to know my side so you'll look at Preston differently-"

"At wala akong planong gawin 'yan," pinutol ko ang dapat ay sasabihin niya bago ako muling humarap sa gawi niya. "Alam ko naman na gusto mong sirain si Preston sa akin kaya pasensiya na pero hindi mo 'yon magagawa. Mahal ko si Preston at hindi mababago ang pagmamahal ko sa kaniya dahil lang sa kung ano mang sasabihin mong paninira tungkol sa boyfriend ko."

"Boyfriend, huh? Do you trust him?"

"Siyempre "

"So do you know that Chantal is not my daughter?"

Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi nasagot ang kaniyang tanong. Si Chantal... hindi niya anak si Chantal? Ano? Paanong hindi? Gulat akong tumingin sa kaniya ngunit seryoso niya rin lamang akong tiningnan at ipinagkrus muli ang kaniyang dalawang braso.

Ngumisi siya. "Boyfriend, huh? May ganoon palang boyfriend, ano? Walang tiwala sa sariling girlfriend. Well, I can't blame him though. Sino pa nga ba namang tatanggap at magmamahal sa kaniya kapag nalaman ang lahat? He must be so scared that you'll leave him... o baka naman wala siyang tiwala sa 'yo kaya hindi niya sinabi?"

"A-Anong ibig mong sabihin? P-Paanong hindi mo anak si Chantal? Tinatawag ka niyang Mommy tapos... t-tapos ex wife ka ni Preston kaya... impossible. H-Hindi totoo 'yang sinasabi mo," umiiling na sambit ko.

"Sit." Utos niya at itinuro ang upuan kung saan ako nakaupo kanina. "Kaya nga kita inaya rito para malaman mo, hindi ba? Medyo naaawa na kasi akong makita kang walang kaalam-alam sa lahat ng bagay at sa mga nangyayari sa paligid mo." "K-Kung sinasabi mo lang 'to para siraan si Preston-"

"Hindi nga. I know that secrets can ruin relationships. I can attest to that since that same secret ruined our perfect marriage."

Mapait siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin kaya't wala sa sarili akong napalunok dahil sa kaba. Parte ba 'yon ng pag-arte niya para paniwalain ako sa paninirang sasabihin niya? Anak niya si Chantal... hindi puwedeng hindi.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Kinagat ko ang aking ibabang labi bago tuluyang sumunod sa utos niya. Bumalik ako sa pagkakaupo at tumingin sa baba. Ilang ulit akong humugot ng malalim na buntong hininga bago tuluyang nag-angat ng tingin para salubungin ang mga mata niya. "Paanong hindi mo anak si Chantal?"

Kaswal siyang nagkibit balikat at muling nag-iwas ng tingin sa akin. "Isn't that obvious? Of course, he got another woman pregnant. Si Chantal, hindi siya sa akin."

"H-Hindi 'yan magagawa ni Preston." Umiling ako at nagtiim ang bagang dahil sa isinagot niya sa akin. "Hindi magagawang mag-cheat ni Preston. Mabait siya saka "

"Tingin mo rin ba, iiwan ko si Chantal dahil lang nag-away kami ng tatay niya? Kung anak ko talaga si Chantal, hindi ko siya iiwan noong nag-away kami ni Preston. Kahit na anong mangyari, isasama ko siya... kung anak ko siya. I know that you know what I'm talking about since you're a mother, Lyana. Noong naghiwalay kayo ng tatay ng anak mo, hindi mo kayang iwan ang anak mo, 'di ba? Kasi anak mo talaga siya."

Nanatili akong tahimik habang pinoproseso ang mga sinasabi niya. Kaya ba ganoon na lamang niya kadaling iniwan si Chantal nang sumama siya sa ibang lalaki? Kasi... hindi naman niya talaga anak si Chantal?

"Preston and I had the perfect marriage back then. Sa sobrang perpekto, calling it perfect would be an understatement. We both love and care for each other... anak na nga lang ang kulang. I loved him so much that I never thought that I'll be betrayed like that. Dahil sa batang 'yon, nasira ang relasyon namin ni Preston. Kung hindi sana siya dumating, baka ayos pa rin kami ngayon. Kasalanan ni Chantal ang lahat-"“

"Hindi totoo 'yan," pagputol ko sa sasabihin niya bago muling nag-angat ng tingin at marahang umiling. "Walang kasalanan si Chantal. Bunga siya ng pagkakamali, oo. Pero hindi naman siya ang nagkamali kaya bakit siya ang sinisisi mo? Sige, naiintindihan ko na galit ka kay Preston dahil sa ginawa niya pero ang magalit at saktan mo 'yong inosenteng bata na itinuring at minahal ka bilang ina? 'Yon ang hindi ko mapapalampas."

"And what? Do you really expect me to hug and kiss that child? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, magagalit ka rin kaya huwag kang feeling santa. Mahal na mahal ko ang asawa ko kaya mas lalong masakit na tuwing nakikita ko 'yong batang 'yon, naaalala ko kung gaano ako kawalang kuwentang asawa dahil hindi ko siya mabigyan ng anak. Just by looking at that child's face, it makes me feel the most worthless woman in the world... ganoong kasakit."

Hindi ko siya sinagot at tumingin na lamang sa baba dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Naiintindihan kong nasaktan siya kaya't hindi ko magawang sumagot o magalit sa kaniya. Samantalang si Preston... Talaga bang nagloko siya sa asawa niya? Siya ba talaga ang unang nagkaroon ng kabit?

"I know that I was wrong. I admit it."

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya nang muli siyang nagsalita. Nanatili naman akong tahimik at hinintay na lamang ang sunod niyang sasabihin sa akin.

"Alam kong mali ako pero masisisi mo ba ako kung nagawa kong humanap ng pagmamahal sa ibang lalaki? He was too focused to that child--- sa batang hindi ko naman anak. Anong gusto mong gawin ko? Welcome them with open arms? Of course, I won't do that," dagdag niya.

"Si Chantal..." Kinagat ko ang aking ibabang labi matapos bumuntong hininga. "Alam niya bang hindi ikaw ang totoo niyang nanay?"

Tumango siya kaya't bahagyang umawang ang bibig ko. "Tingin mo rin ba, kung totoo niya akong nanay, ipagpapalit niya kaagad ako nang ganoong kadali? Of course not. Alam ng batang 'yon na hindi ako ang nanay niya kaya hindi na siya nagpumilit pa sa akin. I hate her guts and she knows it... wala na akong pakialam."

"Kung wala ka ng pakialam, bakit bumalik ka sa mansion? Bakit mo ipinagpipilitan ang sarili mo sa kanila?" tanong ko pa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Nagkibit balikat siya. "Maybe because I was too lost and I don't know where to go back? But I'm enlightened now. Hindi ko na pala kaya... ayaw ko na pala. Maybe that time, I want to them to take me back because I was insecure that they found you. I was too insecure that they found someone who would love them even though they wronged me. Tapos ako... wala. Iniwan na naman It just hurts, you know?"

Tulad kanina, hindi na naman ako nagsalita at tumingin lamang sa kaniya. Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga at napailing. "I know that you're doubting me because I hurt you. Pero gusto ko lang malaman mo kung anong klaseng tao si Preston Tejada."

"At paano ko naman masisiguro na 'yan lang ang balak mo? Paano ako makasisiguro na hindi mo lang 'yan sinasabi para guluhin kami?"

Umiling siya at may kinuhang kung ano sa bag na dala. Mayamaya pa ay may ibinigay siya sa aking isang papel. "Here," sambit niya matapos iabot sa akin iyon.

Kunot noo ko naman iyong tiningnan at agad na umawang ang mga labi ko nang makita ko kung ano iyon. Gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit muli lamang siyang nag-iwas ng tingin sa akin at tumingin sa labas. "Aalis ka?"

Tumango siya. "I'm leaving two days from now. Babalik na ako sa America dahil wala rin naman pala akong mapapala rito. I just want to warn you about him. Minsan na rin niya akong sinaktan, paano pa kaya ikaw? He's a bad man... and I won't just sit here and let him have a happy ending."

"So sinasabi mo na ginagawa mo 'to para siraan siya?"

"Hindi paninira ang pagsasabi ng totoo. Nasa 'yo na nga lang kung paniniwalaan mo ang sinasabi ko o magbubulag-bulagan ka dahil mahal mo," tanging sambit niya at tumayo na. Kinuha niya ang dalang shoulder bag at isinukbit iyon. Kapagkuwan ay kinuha na niya rin sa akin ang ticket sa eroplano at muli akong tiningnan. "Hindi ako tanga... sana ikaw rin."

Tinalikuran na niya ako kaya't naiwan na akong mag-isa sa puwesto namin. Hindi ako kumilos at umalis upang sumugod sa bahay at tanungin si Preston kung totoo nga ang sinabi ni Margaux. Ang nasa isip ko lang, kung sakali mang totoo nga iyon...

Bakit niya nagawa? Mabuti ba talaga siyang tao o nagpapanggap lang na mabuti?

Malakas akong bumuntong hininga nang makapagpahinga ng ilang minuto at saka napagdesisyunang tumayo na at umuwi sa bahay. Tumingin ako sa suot kong wrist watch at nakitang lampas na lampas na ang oras sa labasan nina Jarvis at Chantal. Baka nga nasundo na sila ni Preston, e.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay dahil masiyadong tuliro ang isipan ko sa buong biyahe. Tuluyan lamang akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Preston mula sa kaniyang opisina na may kausap sa kaniyang telepono.

"I don't want to know about Chantal's mother anymore, Rhea. Kung nahanap mo man siya, wala na akong pakialam. Chantal is now happy with her new mother... hindi na namin kailangan 'yong totoo. I also don't want her to know about Chantal's real mother. Nagkagulo na kami noon ni Margaux, hindi na ako papayag na maulit na naman iyon just because of that thing. I am not interested anymore when it comes to finding Chantal's real mother."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa likod niya. Nang matapos ang tawag nila ay saka ako tuluyang nagsalita.

"Ibig sabihin, totoo nga?"

Gulat na lumingon sa akin si Preston ngunit malamig ko lamang siyang tiningnan.

"Hindi nga totoong anak ni Margaux si Chantal? Nagkaroon ka ng anak sa ibang babae, ganoon ba?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report