The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Fifty Three
"Jarvis! Chantal!"
Muntik na akong mahulog sa kama nang biglaan akong bumangon dahil sa bangungot. Pilit akong naghabol ng hininga habang sapo ang aking dibdib upang ikalma ang aking sarili. Nang makakalma ay saka ko naisipang ilibot ang paningin ko sa paligid.
Hindi pamilyar.
Hindi ito isa sa kuwarto ng bahay ni Preston o ang kuwarto sa bahay ni Tiyang... nasaan ako? Anong nangyari? Bakit ako narito?
Akmang aalis na sana ako sa kama nang bumukas ang pinto at iniluwa si Doctora Vallero. Naka-suot na siya ng pajama at animo'y titingnan lamang kung tulog pa rin ako nang pumunta siya rito. Wala sa sarili akong napalunok nang magtama ang aming mga mata.
"N-Nasaan ako?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Malakas siyang bumuntong hininga. "Nasa bahay ko. Hindi ko kasi alam ang bahay niyo dahil sabi sa akin ni Manang Lerma ay wala na raw kayong ibang matutuluyan ni Jarvis. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang bahay ng Tita mo kaya dito kita dinala."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagbaba ng tingin. "B-Bakit? A-Ano bang nangyari?"
"Hinimatay ka kanina noong..." Hindi niya itinuloy ang dapat na sasabihin at sa halip ay nagpakawala na lamang ng malakas na buntong hininga. "Dito ka muna sa bahay ko hangga't hindi pa ayos ang lahat o hanggang sa makahanap ka ng bago mong matutuluyan---"
"Paano ang mga anak ko?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naluluha siyang tiningnan. "N-Na kay Preston pa rin ba?"
Marahan siyang tumango at muling bumuntong hininga. "I'm sure Kuya Preston is having a hard time to calm them down but at least, they're safe. Sa ngayon, alagaan mo muna ang sarili mo dahil hindi ka ayos ngayon. Kapag ayos ka na, saka mo na lamang ulit kausapin si Kuya Preston kahit na..."
"Kahit na ayaw na niya akong makausap," mahinang dugtong ko at pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"Lyana, I'm sorry that I put you through this. H-Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari kaya p-pasensiya na."
Umiling ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Kasalanan ko rin naman. Parehas lang tayong may kasalanan. Dahil tuloy sa akin, mukhang mas lalo pang magagalit sa 'yo si Preston," mahinang sambit ko.
"Alam ko naman na mali ang ginawa natin pero kasi, noong mga panahon na iyon, iyon ang tama. Anak mo rin ang mga bata at may karapatan ka sa kanila "
"Kahit na itinakas ko si Jarvis?" Pagputol ko sa sasabihin niya.
Bahagya siyang natigilan nang marinig ang sinabi ko ngunit kapagkuwan ay wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga. "I already expected it. Noong nalaman kong kambal ang ipinagbubuntis mo, naisip ko na na baka kunin mo ang isa. Anak mo rin ang mga bata kaya hindi na nakakapagtaka na ginawa mo 'yon."
"Kahit na..." Kinagat ko ang aking ibabang labi at muling nagbaba ng tingin upang iwasan ang kaniyang mga mata dahil sa hiya. "Kahit na iniwan ko si Chantal at si Jarvis lang ang isinama ko?"
Hindi siya kaagad nakasagot kaya't kinuha ko na ang pagkakataon na iyon upang punasan ang aking luha. Mayamaya pa ay napansin kong humilig siya sa may pinto. Nag-angat ako ng tingin at napansing nakatingin siya sa akin na animo'y malalim ang iniisip.
"Doctora Vallero?" tawag kong muli.
"Alam mo, kung parehas mong isinama ang dalawa, baka mas lalo lang magkakagulo. Alam ko ang pinakarason mo kung bakit hindi mo isinama si Chantal. Kahit na hindi mo sabihin sa akin, alam kong iyon ang rason mo. Pero kahit papaano, nagpapasalamat ako dahil hindi mo isinama si Chantal sa 'yo. Wala kaong ibibigay na bata kay Kuya Preston... tapos hindi niya man lang maaalagaan ang sariling anak niya. Mali ang ginawa mo pero may may mabuti namang naidulot." Tahimik akong humikbi at marahang tumango bilang sagot.
"But Lyana, the end doesn't justify the means,” dagdag niya kaya't muli ko siyang tiningnan. "Hindi natin masisisi si Kuya Preston kung sakali mang ganoon ang naging reaksiyon niya. He was hurt just like you. Parehas lang kayo na may kasalanan no, I mean, pare-parehas lang tayo na may kasalanan."
Nanatili akong tahimik dahil unti-unting bumalik sa isip ko kung anong ginawa ni Preston sa akin kanina. Akala ko noon, hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na iyon pero mali pala ako. Kapag nagalit ang isang tao, lalabas at lalabas ang totoo nitong ugali.
Nagtiim ang bagang ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao dahil sa inis. Akala ko ba girlfriend niya ako? Akala ko, mahal niya ako? Bakit hindi niya man lamang ako pinakinggan?
"Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin?"
"H-Huh?" tanong ni Doctora Vallero kaya't tumingin akong muli sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at pinunasan ang aking luha. "Kahit papaano rin naman, may pinagsamahan kaming dalawa, B-Bakit ganoon na lamang kadali para sa kaniya na paalisin ako sa buhay niya na para bang hindi siya ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko?"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Lyana, we can't blame Kuya Preston that he acted like that. His marriage with Margaux failed because of you-"
"Pero ako na ang girlfriend niya ngayon," pagputol ko sa sasabihin niya at mapait na ngumiti habang pinupunasan ang aking pisngi. "B-Bakit ganoon pa ring kalaki ang galit niya na naghiwalay sila ng asawa niya nang dahil sa akin? Bakit? Sinabi ko bang maghiwalay sila? Hindi naman, ah. Noong pumasok ako sa buhay niya, hindi ko alam na siya ang pinsan mo. W-Wala akong alam kaya bakit parang kasalanan ko na naghiwalay sila?" "Lyana..."
Malakas akong humikbi at umiling. "Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nga hindi niya talaga ako minahal... na baka hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa dati niyang asawa at kailangan niya lang ng kalandian." "Lyana, you shouldn't think like tha—"
"Kasi kung mahal niya talaga ako, hindi niya gagawin sa akin ang bagay na 'yon. Alam kong hindi ako mayaman at wala akong natapos pero hindi rin naman ako tanga, Doctora Vallero. Alam ko ang halaga ko bilang babae kaya hindi ako magpapakatanga sa kaniya. Mahal ko siya pero hindi ako tanga," mariing sambit ko at malakas na bumuntong hininga.
Masiyado na akong nagpakatanga noon kay Gab at mas lalo lang din akong nasaktan. Siguro sinasabi na talaga sa akin ng Diyos na wala talagang lalaki na para sa akin. Kung si Preston nga, nagawa akong saktan, e. 'Yong iba pa kaya? "Pero 'yong mga bata..."
"Sa akin sila sasama. Kukunin ko sila kay Preston kahit na anong mangyari."
"Lyana, you don't know Kuya Preston. Hindi siya papayag na kunin moa ng mga bata dahil anak niya rin naman ang mga 'yon."
"Anak ko rin naman." Taas noo akong nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit bumuntong hininga lamanng siya nang magtagpo ang mga mata namin. "At may tiwala ako sa mga bata-lalo na kay Jarvis. Mahal ako ng anak ko at alam kong hindi rin siya papayag na magkahiwalay kaming dalawa nang dahil lang sa tatay nila."
"Why don't you just settle everything with Kuya Preston? You love him, don't you?"
Walang pag-aalinlangan akong tumango. "I do. Pero hindi ibig sabihin noon, hahayaan ko na lamang ang ginawa niya. Ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. Alam ko ang halaga ko bilang babae, Doctora Vallero. Hindi porque mahal ko siya, magpapakatanga na ako sa kaniya."
"B-But what if he loves you, too..."
Pinili kong huwag na lamang sumagot at sa halip ay magbaba na lamang ng tingin dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot ko. Itinatak ko na sa isipan ko na hindi ako mahal ni Preston dahil kung mahal niya ako, hindi niya gagawin ang mga ginawa niya sa akin kanina.
"Lyana, please. W-Why don't you give him another chance?" tanong muli ni Doctora Vallero.
Malakas akong bumuntong hininga at umiling. "Pinagsabihan niya ako ng mga masasamang salita kanina, Doctora Vallero. Hinila niya ako sa ulanan para palayasin sa bahay niya. Inilayo niya ako sa mga anak ko. Pinabayaan niya ako. K-Kaya sabihin mo sa akin... i-iyon ba ang pagmamahal niya? Kasi kung ganoon siya magmahal, mas mabuti pang huwag niya na lamang akong mahalin dahil hindi ko kailangan ng pagmamahal niya," mapait na sagot ko. "Pero Lyana "
"Bakit ba pilit mo kaming pinag-aayos? Hindi ba't ikaw na mismo ang nagsabi sa akin kanina na umalis na lamang ako at lumayo kay Preston para wala ng gulo? Pinsan mo siya kaya hindi na nakakapagtaka na kampihan mo siya. Ang sa akin lang, respetuhin mo nalang ang desisyon ko."
"How about the baby?"
Nagkibit balikat ako at nag-iwas ng tingin. "Babawiin ko sa kaniya sina Chantal at Jarvis, Doctora Vallero. Sigurado akong sasama sa akin ang mga anak ko."
"N-No. I mean, t-the baby..."
Taka akong tumingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin? Sabi mo kanina, kasama ni Preston sina Chantal at Jarvis, 'di ba?"
"So you don't knpw?"
Hindi kaagad ako nakasagot at sa halip ay ilang beses na kumurap habang naguguluhang nakatingin sa gawi niya. Mahina naman siyang nagmura ngunit sapat na upang marinig ko. Mas lalong sinalakay ng takot ang dibdib ko nang makita ang ekspresyon sa mukha niya na para bang labis siyang nababahala.
"Ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo sa akin kanina?" tanong kong muli.
"You're not aware that you're pregnant?"
---
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report