"Ano? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sa banyo kaya papasukin na sana kita."

Pinunasan ko ang labi ko gamit ang aking palad at nag-angat ng tingin kay Dalia-at oo, Dalia ang totoong pangalan ni Doctora Vallero. Habang narito ako sa bahay niya, nagrequest siya sa akin na pangalan niya na ang itawag ko sa kaniya dahil hindi na siya kumportable na Doctora Vallero ang itawag ko sa kaniya.

Marahan akong tumango. "Nagsuka lang. Ayos na naman ako," kaswal na sagot ko at nagtungo na sa drawer ko para kumuha ng pamalit na damit.

Ipinadala ni Preston ang mga gamit ko rito kinabukasan noong nag-away kami kaya't alam kong desidido na talaga siyang huwag akong pabalikin sa bahay niya. Hindi ko mapigilang bumuntong hininga nang maalala iyon. Wala namang mangyayari kung iiyakan ko lang siya.

"Lyana, ano kaya kung... ano uhmm.. tawagan na natin si Kuya Preston? Para alam mo 'yon, masamahan ka niya."

Humarap ako kay Dalia at pinanliitan siya ng mata. "Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?"

"Hindi naman sa ganoon!" She waved her hand dismissively and smiled at me. "Siyempre, ayos lang naman sa akin na narito ka habang nagpapahinga ka. It's just that 'di ba kapag buntis, kailangan mo ang asawa or tatay ng anak mo kaya..." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at nag-focus na lamang sa pamimili ng damit. "Pangatlong beses ko na 'tong nagbubuntis nang mag-isa, Dalia. Ngayon pa ba ako maninibago?"

"Pero iba naman kasi 'yang ngayon, Lyana. You and Kuya Preston were inlove with each other when you made that child. That child is the fruit of your love so-"

"Bunga-bunga ka riyan. Anak ko lang 'to, hindi niya 'to anak," inis na sambit ko at kumuha na ng pamalit na tshirt. Nang makapili na ng isusuot na damit ay saka ako muling humarap kay Dalia at pinanliitan siya ng mga mata. "Umamin ka nga sa akin. Sinabi mo na kay Preston na buntis ako, ano?"

Nanlaki ang mga mata niya at kapagkuwan ay mabilis na umiling. "Hindi, ah! Marunong naman akong magtago ng sikreto-alam mo naman 'yon, 'di ba? Proven and tested mo na na hindi ako nagkakalat ng sikreto. 'Yang mga ganiyan, ikaw lang ang may karapatang magsabi ng ganiyan kay Kuya Preston kasi anak niyo naman ang batang 'yan at hindi naman akin," agad na tanggi niya.

"Paano kapag sinabi kong ayaw kong sabihin kay Preston ang totoo?"

Tulad ng inaasahan ko, agad siyang natigilan at natulos sa kinatatayuan. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin na animo'y ineexpect na sabihin kong nagjojoke lang ako. Malakas akong bumuntong hininga at nag-iwas na ng tingin sa kaniya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalakad papasok sa banyo nang agad na siyang tumakbo palapit sa akin hanggang sa pag-angat ko ng ulo ko ay katapat ko na siya. "A-Anong sabi mo? Ayaw mong sabihin kay Kuya Preston na... magkakaanak na ulit kayong dalawa? B-Bakit naman? Oo at nag-away kayo pero anak niyo 'yan kaya... Lyana naman, oh."

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi bago nagbaba ng tingin upang iwasan ang kaniyang mga mata. Agad ko namang narinig ang malakas niyang pagbuntong hininga matapos makita ang ginawa ko.

Hinawakan niya ang aking kamay kaya't muli akong tumingin sa kaniya. Pinagsiklop niya ang dalawa kong kamay habang hawak iyon. "Hindi mo ba naisip na mas lalo lang magagalit si Kuya Preston sa 'yo kapag nalaman niya na itinago mo na naman sa kaniya ang totoo? Itinago mo na sa kaniya si Jarvis noon, pati ba naman 'yang sunod niyong anak?" dagdag niya.

"Hindi mo rin kasi ako naiintindihan. Dalia."

"Then make me understand," agad na segunda niya at malakas na bumuntong hininga. "Kapag naintindihan kita, alam mo naman na tutulungan pa kita, 'di ba? Tulad ng ginawa ko noon... n-noong itinakas mo si Jarvis."

Mas lalo kong kinagat ang aking ibabang labi at humugot ng malalim na buntong hininga.

"Ayaw na ni Preston ng isa pang anak mula sa akin."

"What?"

Bumuntong hininga akong muli. "Sinabi niya ngang pagkakamali... failure-sina Chantal at Jarvis, e. Hindi niya matanggap na ako ang naging nanay ng kambal at hindi ang asawa niya kaya sila naghiwalay. Kinakamuhian na niya ako ngayon, Dalia," mahinahong sagot ko.

"But Kuya Preston loves you..."

"Siguro noong ginagawa namin 'tong bata at hindi nya pa alam ang ginawa ko noon, baka oo. Pero ngayon na alam na niya ang lahat?" Mapait akong tumawa at marahang umiling. "Mukhang hindi na."

"Paano mo naman nasisiguro na hindi na? Hindi pa naman kayo nakakapag-usap dalawa kaya huwag ka kaagad mag-assume na ayaw na niya sa 'yo. Baka nag-iisip-isip lang siya tulad mo. Just give him some time, okay? Huwag ka munang magdesisyon nang padalos-dalos sa mga bagay na ganiyan. This is a serious matter, Lyana. May batang involved... may buhay na nakataya sa mga desisyong gagawin niyong dalawa."

"Nag-iisip-isip?" Muli akong pekeng tumawa habang umiiling dahil hindi ko talaga makuha ang ibig niyang sabihin. "Hindi ganoon 'yon, Dalia. Hindi siiya nag-iisip-isip lang. Mataas ang pride ni Preston... at sa sobrang taas, mukhang hindi ko na kaya pang abutin kailanman. Tinanggap ko na, okay?"

Sa huli, wala siyang nagawa kung hindi ang malakas na bumuntong hininga at pabayaan akong tuluyan nang pumasok sa loob ng banyo para magpalit ng damit. Pupunta kasi kaming dalawa ngayon sa OB-GYNE para magpatingin at para masigurong ayos ang baby ko.

Kahit naman magkaaway kaming dalawa ni Preston, kahit kailan ay hindi ko naisip na ipalaglag ang bata. Kung paano ko 'to papalakihin nang mag-isa... bahala na.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi nang mapansing umiiyak na naman ako kahit na matagal ko nang sinabi na ayaw ko nang umiyak pa. Kasi naman... gaano ba akong kamalas sa buhay? Gaano ako kamalas at lahat ng mga nagiging anak ko, walang tatay?

Ilang minuto akong nakatingin sa salamin habang ikinakalma ang aking sarili dahil baka mapasama pa sa anak ko kapag maya't-maya akong umiiyak. Nang sa wakas ay kalmado na ako, saka ako dali-daling nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili dahil baka kanina pa ako hinihintay ni Dalia.

"Ayos ka lang ba? Nagsuka ka na naman?" Bungad niyang tanong sa akin tulad kanina nang lumabas ako.

Umiling ako at tipid siyang nginitian. "Wala lang talaga akong ganang gumalaw nang gumalaw kaya nagtagal ako sa pagpapalit ng damit," pagsisinungaling ko.

Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na kaya ang tagal ko ay dahil umiyak pa ako, ano. Baka mamaya, talagang hindi na siya makapagtimpi pa at sabihin na talaga sa pinsan niya ang totoo.

"Ano? Tara na?” dagdag ko pa na siya namang sinagot niya ng marahang pagtango at tipid na ngiti na siya namang ikinapagpasalamat ko.

Mabuti na lamang at hindi na siya nagtanong pa tungkol sa akin.

Matapos ang usapan naming iyon ay tuluyan na kaming umalis ng bahay sakay ng kotse niya. "Dalia?"

"Hmm?" tanong niya habang nagddrive at naka-pokus ang mga mata sa daan.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at tipid na ngumiti. "Salamat dahil sa lahat ng pagbubuntis ko, hindi mo ako pinabayaan. H-Hindi ko alam kung kakayanin ko nang mag-isa kung hindi mo ako tinutulungan sa lahat ng dapat kong gawin," mahinang sambit ko.

"Ano ka ba naman, wala 'yon. Ako nga ang dapat na magpasalamat sa 'yo kasi hindi ka nagalit sa akin noong..." Malakas siyang bumuntong hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Mabuti na lamang at kahit na nagkamali kami noon sa ginawa namin, hindi ka nagalit sa akin kahit na sinabi kong hindi kita pababayaan basta magtiwala ka lang sa akin."

"Bakit naman ako magagalit?"

Muli siyang napailing kasabay ng sunod-sunod niyang pagbuntong hininga, "Because all of the sudden, you became a mother again? Hindi kita inihanda sa responsibilidad tapos iniwan pa kita..."

"Di ba nga dapat pa akong magpasalamat sa 'yo kasi ginawa mo ako ulit na ina?" tanong ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. "Mula nang mamatay ang anak ko noon, akala ko hindi na ako ulit magiging nanay kasi wala na naman akong balak pang magmahal ng ibang lalaki. Pero dahil sa 'yo, naranasan ko ulit na maging isang ina."

Hindi siya sumagot kaya't wala sa sarili akong napangiti. Alam kong natuwa siya matapos marinig ang sinabi ko kaya't kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko.

"Dalia, may tanong nga pala ako sa 'yo," panimula ko matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Saglit siyang lumingon sa akin ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa daan. "What is it?"

"Bakit bigla ka na lamang nawala pagkatapos mag-birthday ni Jarvis? Sabi mo noon, tutulungan mo akong palakihin si Jarvis kaso bigla ka namang nawala kaya akala ko..." Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at itinikom na lamang ang aking bibig habang naghihintay ng sunod niyang isasagot sa akin.

Bumuntong hininga siya. "Nagsimula na kasing magtaka noon si Margaux na hindi niya anak si Chantal kaya umalis muna ako ng bansa para magtago at hindi niya ako pagsuspetsahan. Hindi ko nakuha ang number mo dahil biglaan ang pag- alis ko. Noong bumalik naman ako, wala ka na sa dati mong tinitirhan tapos sabi ng mga kapitbahay mo, hindi nila alam kung saan ka lumipat. Gusto ko sanang ipagtanong ka sa pulis kaso baka malaman ni Kuya Preston kaya ayun, hindi na kita nahanap. Pasensiya na, huh?"

"Ibig mo bang sabihin, akala talaga ni Margaux ay anak nila ni Preston si Chantal?" tanong ko na sinagot naman ni Dalia ng marahang pagtango. "Kung ganoon, kailan nila nalaman na hindi talaga niya anak si Chantal?"

"When Chantal turned four. Pumunta kasi ang tatay ni Kuya Preston noon para bumisita tapos sabi niya, hindi raw anak ni Margaux si Chantal."

Agad na nagsalubong ang kilay ko at takang tumingin sa kaniya. "Ganon-ganon lang?"

"Tito is hella smart. Medyo matanda na siya pero kakaiba talaga siya. Nagalit si Kuya Preston sa Dad niya buut Tito challenged him. Nagpa-DNA silang tatlo at ang resulta... alam mo na kung ano iyon," sagot niya na siyang ikinanganga ko. "Tapos umalis na si Margaux?"

Marahang umiling si Dalia kaya't muling nagtagpo ang aking mga kilay. "Hindi pa. Nanatili pa rin siya sa bahay kahit na ilang beses nang nabalitaan ng pamilya namin na nagc-cheat siya kay Kuya Preston."

"At ayos lang kay Preston 'yon?"

"Pakiramdam ni Kuya Preston ay siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon ang asawa niya kaya sinubukan niyang tiisin at ayusin ang kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa."

"Pero hindi niya naayos...." Mahinang sambit ko at nag-iwas ng tingin. "Kailan noong hindi na nakaya ni Preston ang lahat at hinayaan na niyang umalis si Margaux?"

Hindi kaagad sumagot sa tanong ko si Dalia kaya't ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa labis na pagtataka. Kapagkuwan ay malakas siyang bumuntong hininga.. "Margaux tried to..."

"Anong ginawa niya?"

"S-Sinubukan niya kasing iligaw si Chantal sa mall k-kaya nagalit si Kuya Preston-"

"Eh gaga pala siya!" Malakas na sigaw ko at hindi na nakapagtimpi. "Paano niya nagawa sa anak ko... tangina niya, kapag nakita ko siya, makakatikim sa akin ang babaeng 'yan. Kung makasisi kay Preston tapos mas masahol naman siya." Bumuntong hininga muli si Dalia, "Kumalma ka nga. Baka mamaya, may mangyari pang masama sa baby mo dahil sa akin. Sisisihin ako ni Kuya Preston dahil sinabi ko pa sa 'yo," umiiling na suway niya. Napalabi ako at kaswal na nagkibit balikat. "Hindi niya naman malalaman na buntis ako kaya huwag kang mag-alala."

"Sigurado ka na "

"Oo nga," agad kong pagputol sa sasabihin niya. "Saka sigurado naman akong hindi niya malalaman... depende nalang kung sasabihin mo sa kaniya. Kapag sinabi mo, magagalit na talaga ako sa 'yo."

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Mahina siya tumawa at umiling kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang mapalabi at ihilig ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

**

"Saan mo gustong kumain? Sabi ng doctor, kailangan mo raw kumain nang kumain para maging healthy 'yang baby mo."

"Pero alam mo na naman na hindi ko na dapat pang problemahin pa 'yan dahil..."

"Matakaw ka na naman," dugtong niya sa sasabihin ko kaya't mahina akong tumawa at marahang tumango. "Sabihin mo lang sa akin kung saan tayo kakain." "Sa mumurahin na lang="

"Hindi," agad na pagtutol niya. "You can use my card. Pambawi man lamang sa ilang taon kong hindi pagpapakita sa 'yo."

Muli akong napalabi at pinanliitan siya ng mga mata. "Talaga ba?" Hindi naniniwalang tanong ko.

"Oo na nga. Oh, dali na, sabihin mo na sa akin kung saan mo gustong kumain-h-hoy, ano ba. Magdahan-dahan ka nga. Kapag may nangyaring masama diyan sa baby mo, huwag kang iiyak sa akin, ha," suway niya nang patakbo kong ikinawit ang braso ko sa braso niya.

Tumawa ako. "Hindi 'yan. Malakas kaya 'tong baby ko kasi mana sa akin, duh. So ano na? Tara na? Bibilhin mo lahat ng gusto kong pagkain, ha?" Excited na tanong ko.

Napailing naman siya ngunit sa huli ay walang nagawa kung hindi tumango at bumuntong hininga. "Kapag nagkaayos kayo ni Kuya Preston, sisingilin ko talaga 'yon."

Abot-tainga ang ngiti ko nang makarating kami sa napili kong kainan na restaurant. Dito kami kumakain noon ni Chantal kapag gusto niyang sa restaurant kami kumain. Medyo matagal-tagal na rin mula nang huli akong nakakain dito dahil nagkatampuhan kami ni Preston noon na ngayon ay naging away na kaya namin na-miss ko ang mga pagkain dito.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang aiserve na sa table namin angmga pagkaing in-order ko. Pinagsiklop ko ang aking dalawang palad at ilang beses na lumunok dahil sa labis na pagkatakam.

"Mukhang gagawin mo akong pulubi, ah," sabi ni Dalia kaya't hindi ko napigilang tumawa.

"Sumunod lang naman ako sa 'yo, ikaw naman ang nag-offer."

Napailing na lamamg siya dahil sa sinabi ko habang mahinang tumatawa. "Oh siya, kumain ka na. Mauna ka ng kumain, pupunta lang ako ng banyo. Saglit lang ako, okay? Huwag kang aalis dito." Tumayo siya at kinuha ang dalang shoulder bag.

"Paano naman ako aalis dito nang hindi ka kasama? Wala akong pera, huy," natatawang sambit ko at nagsimula nang kumain samantalang tuluyan na naman siyang umalis at nagtungo sa restroom.

Hindi ko pa man nakakalahati ang pasta na in-order ko nang mapansin ang presensiya ng kung sino mang nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Hindi naman ako nag-alinlangan na magtaas ng tingin upang tingnan kung sino iyon.

Wala sa sarili akong napanganga kasabay ng panginginig ng kamay ko at ng pagkahulog ng hawak kong tinidor sa lapag.

"So you're here," panimula niya at ngumisi sa akin.

Napalunok ako dahil sa kaba. "Gab?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report