The Billionaire's Baby Maker (TAGALOG) -
CHAPTER Fifty Five
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Mas lalo siyang napangisi nang marinig ang tanong ko kaya't mas lalo lamang akong sinalakay ng kaba. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita dahil nakulong siya noon at nang makalaya naman siya ay hindi na nagtagpo ang landas namin kaya't akala ko ay hindi na kami muling magkikita pa.
Kung alam ko lang sana na magtatagpo pa ang landas naming dalawa, sana naihanda ko ang sarili ko dahil sa pagkakataong ito, para akong binabangungot habang tinitingnan niya ako.
"I just got here with my girlfriend. Hindi ko naman alam na dito pa pala kita makikita and oh..." Dumako ang mga mata niya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa kaya't muli akong napalunok dahil sa kaba. "Mukhang nakahanap ka na naman ng mayamang lalaking peperahan, ha? Who is he? Ipakilala mo naman ako."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at hindi nakasagot sa tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid at nang makumpirmang kakaunti ang tao ay saka siya umupo sa upuang inuupuan ni Dalia kanina. Nahigit ko naman kaagad ang aking hininga nang mapagtanto kung gaano siya kalapit sa akin.
Pinaglaruan ko ang kamay ko sa ilalim ng lamesa habang pilit na pinapakalma ang aking sarili at nang mawala ang takot ko. Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso sa oras na mas lalo pa siyang lumapit sa akin.
"Come on. Why do you look so stiff? Hindi ba't matapang ka dati? What happened?"
Sumandal siya sa kinauupuan niya kaya't kahit papaano ay mas napalayo siya sa akin. Lumunok akong muli at nagbaba ng tingin bilang tanda na ayaw kong makipag-usap sa kaniya. But knowing him, he won't accept rejection-ibang-iba siya kay Preston.
"Why are you avoiding me? Bakit? Natatakot ka bang sabihin ko sa lalaki mo ang mga pinagsamahan natin noon, ha?"
Nangilid ang luha ko at mas lalo pang tumungo nang magtaas siya ng boses at pagbantaan ako. Ganito naman talaga siya noon pa man, bakit hindi pa ako nasanay? Gusto kong takpan ang aking tainga para huwag marinig ang mga sinasabi niya ngunit hindi ko magawa dahil sa oras na ipakita ko sa kaniya na hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kaniya, mas lalo niya lamang akong pagtataasan ng boses.
"Huwag mo akong inisin, Lyana. Kinakausap kita," dagdag niya at hindi tulad kanina ay mas seryoso na ang boses niya at may kahalong pagbabanta banta na kapag hindi ko sinunod, alam kong mas lalaki lamang ang gulo. Natatakot man ay pinilit ko pa ring mag-angat ng tingin sa kaniya dahil baka mas lalo pang lumala ang lahat. "Ano bang gusto mong malaman mula sa akin?" pilit kong pinalamig ang boses ko upang hindi ako magmukhang natatakot sa kaniya kahit na sa ilalim ng mesa ay nanginginig na ang aking mga kamay dahil sa labis na takot.
"Just you know... I want to catch up with you. Ang tagal na rin nating hindi nagkita-"
"Wala namang ibang mahalagang nangyari sa akin nitong mga nakakaraang taon kaya puwede mo na akong iwan," pagputol ko sa sasabihin niya.
Mukhang hindi niya naman nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya nang bumalik siya sa puwesto niya kanina at inalis ang pagkakasandal ng likod niya sa upuan. Sa pagkakataong iyon naman ay ako na ang pilit na lumayo at sumandal sa aking kinauupuan para magkaroon ng kahit na kaunting distansya sa pagitan naming dalawa.
"Wala?" Mapaglaro siyang tumawa at tinaasan ako ng kilay. "Balita ko, may anak ka na raw? Ilang taon nga 'yon... six? Apat na taon pagkatapos mong patayin ang anak nat―"
"Huwag kang magsalita nang ganiyan na parang kasalanan ko ang lahat," agad na pagputol ko sa sasabihin niya at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Anak ko lang hindi natin, naiintindihan mo ba, ha?"
Ngumisi siya at ipinagkrus ang dalawang braso. "Yan! Ganiyan dapat, Lyana. Gustong-gusto ko kapag lumalaban ka sa akin hindi 'yong mukha kang basang sisiw diyan."
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nangingilid ang luhang tumingin sa kaniya. Ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang namatay kong anak para mapansin ko siya... eh tangina niya pala.
Malakas akong bumuntong hininga. "Umalis ka na habang hindi pa dumarating ang kasama ko at ang kasama mo. Ano na lamang ang iisipin ng girlfriend mo kapag nakita niyang nakaupo ka at may kasamang ibang babae?" tanong ko at pilit na ikinalma ang aking sarili.
"Ang sabihin mo, natatakot kang makita ako ng lalaki mo. Bakit? Ayaw mo man lamang ba akong ipakilala sa bago mo? You know, we spent some pretty..." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at ngumisi. "... hot nights together."
Dahil sa gulat ay hindi ko kaagad naiwaksi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at sa halip ay ang luha ko ang nag-unahang tumulo dahil sa takot. Nang makabawi ay agad kong iwinaksi ang kamay niya at mabilis na tumayo mula sa aking kinauupuan.
Saktong pagtalikod ko upang umalis ay agad din akong napatigil nang muntik na akong mabangga sa taong mukhang kanina pang nakatayo sa likod ko at nakikinig sa usapan naming dalawa ni Gab. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.
"P-Preston..."
Hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagdilim ang ekspresyon sa mukha niya at ibinaling ang tingin kay Gab na ngayon ay nakangisi na at animo'y nag-eenjoy sa ginawa niyang gulo. Nagtiim ang bagang ko nang magtagpo ang aming mga mata ngunit mapaglarong ngumisi lamang siya sa akin.
"Oh. So you're the new guy," sambit ni Gab kay Preston kaya't agad kong nahigit ang aking hininga.
"Why are youo bothering her? Who are you?"
Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang boses ni Preston. Halatang-halata na galit siya ngunit ramdam ko na hindi lamang para kay Gab ang galit na iyon ngunit maging para sa akin. Iniisip niya bang kami ni Gab... "You know, just some guy..." Muling tumingin sa akin si Gab kaya't wala sa sarili akong napaatras. "In yor girlfriend's life. I'm not that important, don't worry."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Malakas na bumuntong hininga si Preston. "Why don't you just leave?" tanong niya kay Gab.
Akala ko ay hindi susunod sa kay Preston si Gab ngunit laking gulat ko nang agad itong tumayo at inayos ang suot na leather jacket na animo'y naghahanda nang umalis dahil lang sa pinaalis siya ni Preston. Gusto ko sanang huminga nang maluwag dahil alam kong aalis na siya pero kaakibat niyon ang pangamba na baka may kung ano siyang gawin na mas lalo kong ikasira sa mga mata ni Preston.
Agad namang nakumpirma ang hinala ko nang muli siyang ngumisi sa akin. "Just send my greetings to our son, huh? Pakisabi, I was too busy to even visit him," sambit niya na siyang ikinapanglaki ng aking mga mata. Ngumiti lamang siya kay Preston bago tuluyang pumunta sa hindi kalayuang upuan. Kaswal niyang hinubad ang suot na jacket at muling sumulyap sa gawi namin ni Preston. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya at masama siyang tiningnan. habang nakakuyom ang aking kamao dahil sa galit.
Anong karapatan niyang idamay ang anak ko na namatay nang dahil sa kapabayaan niya bilang ama? Ang kapal ng mukha niya. Kung hindi lang ako buntis ngayon at kung hindi ako nag-aalala na baka may mangyaring masama sa anak ko, baka sinugod ko na siya ngayon din dahil sa labis na galit at poot sa kaniya.
Galit ako kay Preston dahil hindi niya ako pinakinggan pero masasabi ko naman na kahit papaano, mas mabuti siya kaysa kay Gab dahil alam kong hindi niya gagamitin laban sa masasamang bagay ang mga anak naming dalawa. Ramdam kong maging si Preston ay naestatwa rin sa kaniyang kinatatayuan matapos marinig ang sinabi ni Gab kaya't wala sa sarili akong napaatras palayo sa kaniya dahil baka mamaya ay magalit na naman siya sa akin at gawin ang ginawa niya noon.
Mas lalo ko namang diniinan ang pagkakagat ko sa aking ibabang labi nang tumingin sa gawi ko si Preston. Muli naman akong napaatras nang magtagpo ang aming mga mata. Ramdam ko ang intensidad mula sa mga iyon kaya't sunod- sunod akong lumunok upang ihanda ang aking sarili sa kung ano mang maaari niyang gawin.
Malakas siyang bumuntong hininga at mariing ipinikit ang mga mata na animo'y ikinakalma ang kaniyang sarili kaya't hindi ko maiwasang magtaka sa inasal niya. Hindi niya ba ako sisigawan? Hindi ba siya magagalit dahil sa sinabi ni Gab? Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin?
Iminulat niya ang kaniyang mga mata matapos ang ilang segundo kaya't muling nagtagpo ang aming mga mata. "Follow me," mariing utos niya sa akin at tumalikod na upang maglakad palayo.
Hindi kaagad ako nakasunod sa kaniya at sa halip ay naestatwa lamang sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Pinapasunod niya ako sa kaniya? Bakit?
Abala ako sa pag-iisip ng mga maaari niyang dahilan kung bakit niya ako pinapalapit sa kaniya nang mapansing tumigil na pala siya sa paglalakad at nilingon na ako. Tumaas ang kilay niya na animo'y naiinis dahil hindi ako sumunod sa kaniya kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali nang naglakad upang sumunod sa kaniya palabas ng restaurant.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Todo lingon pa ako sa paligid dahil baka lumabas na si Dalia mula sa restroom pero hanggang sa makalabas na ako ay wala pa rin siya kaya't hindi na ako umasa na susundan niya ako.
Mabibigat ang bawat hakbang ko habang nakasunod kay Preston sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kaya't hindi ko mapigilang maghabol ng hininga dahil sa labis na kaba. Natatakot ako na may kung ano siyang gawin na maaaring ikapahamak ng baby namin.
Hindi niya alam na buntis ako kaya baka...
Tumigil ako sa paglalakad nang mapansing nasa tapat na ako ng kotse niya. Binuksan niya ang pintuan katabi ng driver's seat kaya't muli akong napalunok dahil magiging malapit kami sa isa't-isa kapag doon ako naupo. "S-Sa likod nalang ako uupo," mahinang sambit ko ngunit hindi pa man ako nakakahakbang upang buksan ang pintuan sa likuran ay nagsalita na siyang muli. "Papasok ka nang mag-isa o ako pa mismo ang magpapasok sa 'yo sa loob?"
Hindi na ako tumanggi pa at agad nang sumunod sa utos niya nang marinig ang tanong niya sa akin. Nang makasakay ako sa kotse niya ay mabilis niya ring isinarado ang pinto at umikot upang umupo sa driver's seat. Alam kong gusto niyang itanong sa akin ang sinabi sa kaniya ni Gab pero hindi ko naman inaasahan na pagkaupong-pagkaupo niya sa driver's seat at pagkasarado sa pinto ay magsasalita na siya kaagad. "Who the fuck is that man?" seryosong tanong niya.
Napalunok ako dahil sa kaba at nanginginig ang kamay na tumingin sa gawi niya. "S-Si Gab. W-Wala lang siya kaya---"
"Is that true?" pagputol niya sa sasabihin ko kaya't bahagyang kumunot ang aking noo at taka siyang tiningnan.
"A-Anong..."
Malakas siyang bumuntong hininga. "Are you making me a fool, huh? I thought Jarvis is my son? Anong sinasabi ng lalaki mo na anak niya si Jarvis?"
Ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. "A-Ano bang sinasabi mo? Anak mo si Jarvis! Kambal sila ni Chantal kaya paanong..."
"I am asking you, Lyana. Who the fuck is that guy and why is he claiming my son as his child?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report