The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 33
Habang nasa elevator ay pinagmamasdan ni Harry ang balisang asawa. Ginagap niya ito sa kamay.
Bahagyang nagulat si Jemima sa paghawak sa kaniya ni Harry. Nanatili siyang tahimik, ayaw niyang makatawag ng pansin sa mga kasabay nila sa elevator.
Muli siyang nagulat nang hinagkan siya ng asawa sa noo. Nakalabas na kasi sila ng elevator at maghihiwalay na sila patungo sa kani-kanilang opisina. Nakahakbang na si Jemima nang hinawakan siya sa bisig ni Harry. "Is there something wrong, hon?"
Napasinghap si Jemima.
"What's wrong, honey? What's bothering you?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha ng asawa. "Did I do something bad to you?"
Tila lumukso ang puso ni Jemima kasunod ay tila pagkurot ng karayom dito nang marinig niya ang huling tinanong ng asawa. 'It's me who did something awful, Harry.' Pero hindi niya ito kayang aminin sa asawa.
Niyakap ni Harry ang asawa. Inisip niyang baka dulot na naman ng hormones dahil sa pagbubuntis nito ang ginagawi ng asawa. "Whatever you want, I'm just one call away." Napansin niyang sininok ito kaya hinaplos niya ang likod ng asawa. "Don't hesitate to tell me, honey."
Tumango naman si Jemima. Gusto pa sana niyang humiligvsa dibdib ng asawa at kumuha ng lakas dito pero oras na ng trabaho.
"So, the lovebirds are here," masayang pagbati sa kanila ni Chester. "Good morning!"
"Good morning!" sabay nilang bati kay Chester. Sumenyas lang ito sa kanila na aalis na ito.
Hinagkan ni Harry ang asawa sa noo at pinisil ang baba nito. "Don't forget to eat your lunch. I know that you've been workaholic, hmm..."
Sinikap ni Jemima ang ngumiti sa asawa bago siya humakbang palayo dito.
Panay ang pagbubuntung hininga niya habang nagtatrabaho.
May kumatok sa kaniyang pinto.
"Come in." Napamaang siya nang makitang si Chester Singh ang bisita niya.
"Hello, my beautiful pregnant friend, I've come to bring you lunch," masaya nitong bungad sa kaniya.
"Hi, is it lunch yet?"
"It's almost lunch time, Jemima," sagot ni Chester habang pinabubuksan sa babae ang dala niyang pagkain. "You know what, I am so grateful that you talked to me. I admit, I lacked confidence and determination. But because of you, I've opened my eyes to reach even the unimaginable."
Natigilan si Jemima. Lumakas ang pagtambol ng dibdib niya.
"This is called tingkat. I'll give you their number so you can order when you feel like it." Nang mapansin niyang natitigilan ang kaharap ay ibinigay niya dito ang dalang chopsticks. "Don't worry, it's healthy."
Kinuha naman ni Jemima ang chopsticks kay Chester.
"I've heard that they will get recommendations or votes from the officers. Harry told me that his vote is for me. He said that he's not aiming for presidency so he's giving it to me. And I know that your vote is for me, too, so-" natigil si Chester ng pagsasalita nang nabitiwan ni Jemima ang chopsticks.
Agad na pinulot ni Jemima ang nahulog na chopsticks. Itinago niya ang nanginginig niyang kamay. Pagtayo niya ay halos hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Chester.
Nagtiim ng bagang si Chester.
Tila nahahapong umupo si Jemima.
"Are you switching sides now? Whose side? Harry isn't even interested to be president, for Pete's sake!"
Inaapuhap ni Jemima ang sasabihin. Tila ayaw lumabas sa bibig niya ang mga salita.
Chester didn't hide his anger and dismay. "You don't need to lie to me. I knew it from the beginning."
"No, Chester, you don't understand!"
"It's obvious, you just wanted to give me hope, but you never believed in me. I was so naïve to have believed in your sweet talk."
Nakita ni Jemima ang pait na nararamdaman ng kaharap. "I don't want to hurt you but--"
"Hurt? I'm not just hurt, I'm insulted. You're belittling me! What's worse is that, even though it's very obvious, you still choose to lie to my face! What do you think of me? I got no eyes to see what's going on? You think I got no brain to figure it out? I get it that you're now okay with your husband, and you now want him to be the next president. And if by that, you're backing out from our supposedly true friendship, by all means, you can. I've never hold anyone who wanted to leave. At least be honest."
Kasabay ng pagpula ng ilong ni Jemima ay ang pagtulo ng luha niya. "I'm sorry!"
"I won't give you what you want this time." Humakbang na siyang palayo nang mapansin niyang tinatakpan ni Jemima ang pagkain.
"You should eat that. Not for you, for the little one there," tinutukoy niya ay ang nasa sinapupunan ng babae.
Nang makaalis si Chester ay napatingin siya sa kaniyang tiyan. Natatawa siyang naiiyak. Naisip niyang kung hindi sa ipinagbubuntis niya ay baka kung ano pa ang ginawa ni Chester sa kaniya. Nakita niya kasi kanina ang matinding sama ng loob mukha ng binata.
Sumagi sa isip niya si Harry. Paano kaya tatanggapin ni Harry ang lahat oras na malaman nito ang ginawa niya?
Hindi na maitago ni Jemima ang nararamdamang bigat sa dibdib. Umiyak siya sa loob ng kuwarto habang nanonood ng telebisyon si Harry sa salas.
"Hey, what's wrong?"
Napaigtad si Jemima. Hindi niya inaasahang nasa maya pintuan na ang asawa niya. Agad siyang nagpunas ng luha.
Tinangka ni Harry na yakapin ang asawa ngunit tinabig siya nito. "Honey," nagtangka na naman siyang yumakap ngunit muli siyang tinabig ng asawa. "Don't touch me, Harry!"
Natigilan si Harry. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng asawa ngunit agad itong napalitan ng galit.
"Are you mad at me?" Umupo siya sa tabi nito.
"Go out. I want to be alone!" sinisikap niyang magmukhang galit dito. Hindi niya kayang aminin sa asawa ang totoo.
Nang tumayo ang asawa ay lalo niya itong ipinagtabuyan. "I don't like this situation! I want to get out of this!"
Gusto niyang aluin ang asawa sa pagdanguyngoy nito pero hindi siya nito pinapalapit. "Let's talk about it. We can figure out what to do together."
"No, Harry! I want you out. I don't wanna live with you anymore!" Tinakpan niya ang mga mata. Ayaw niyang ipagkanulo siya ng mga mata niya sa asawa. "Leave me, Harry!"
Bumuntunghininga si Harry. Hindi na niya alam ang gagawin.
Nakita ni Jemima ang matinding disappointment sa mga mata ng asawa. Mabigat ang katawan itong nag-empake at umalis.
Humagulgol siya nang humagulgol nang mawala na sa kaniyang paningin si Harry.
Hindi makapaniwala si Harry na balik na naman siya sa secret place niya. Halos sabunutan niya ang sarili sa sobrang pagkainis.
Lumabas siya ng bahay. Pumunta siya ng dalampasigan. Hindi nakatulong ang mabining hangin para ma-relax siya. Naglakad-lakad siya. Napatingin siya sa alon. Sinipa niya ito. Pinaghandaan niya ang pagdating ng sunod na alon. Sinipa niya ito ng malakas. Ibinuhos niya rito ang sama ng loob na nararamdaman. Huminto lang siya nang hiningal na siya.
Dahil ayaw siyang dalawin ng antok at hindi pa rin gumagaan ang kaniyang pakiramdam, tinungo niya ang isang bar. Nilunod niya ang sarili sa alak.
"You're a terrorist. You keep torturing me. You're the biggest bully in my life." Matapos niyang magsalita sa hangin ay nakatulog siya sa kalasingan.
Kinabukasan. Ipinatawag si Jemima sa opisina ni Samuel Sy. Habang papalapit siya sa opisina ng biyenan ay naulinigan niya ang pag-uusap ng biyenan at ni Chester Singh.
"So, I guess you're ready for my announcement tomorrow. You're the best candidate. Even Harry is rooting for you."
Napahinto sa paglalakad si Jemima sa narinig na sinabi ng kaniyang biyenan.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"I am looking forward to it, sir. It has been my dream to excel and be recognized by you. I am grateful for your support." Ito ang narinig niyang sagot ni Chester kay Samuel Sy.
Napasapo siya sa dibdib. Naisip niya ang magiging kaawa-awang kalagayan ng asawa. Sigurado siyang hindi nito matatanggap na ang pagkatalo niya sa presidency ang dahilan na hindi nito makikita ang kaniyang ina. Pinagpawisan siya ng malapot.
Mabigat ang mga hakbang na lumayo siya sa opisina ng biyenan. Nakaramdam siya ng pagkahilo.
Nagulat ang isang empleyado nang makita ang pagbagsak ni Jemima sa sahig. Tumili ito.
Agad nitong nilapitan si Jemima. "Ma'am,... ma'am!... Help!"
Mabilis na sumaklolo si Chester. Agad niya itong binuhat at itinakbo sa ospital.
Tahimik na nakaupo si Chester sa labas ng emergency room kung saan ipinasok si Jemima. Ginagawa ngayon ng doktor ang final observation sa babae. Katabi niya si Samuel Sy sa bench. Kapuwa malalim ang iniisip nilang dalawa. Agad silang tumayo paglabas ng doktor na tumingin kay Jemima. Agad nila itong nilapitan.
"She is fine."
"How about the baby, doc?" halos hindi iyon nanulas sa bibig ni Samuel Sy. Tila may bikig sa lalamunan ang pagkakabigkas niya.
Nakaramdam naman ng kaba si Chester sa isasagot ng doktor.
Inilabas ng mga nurse si Jemima. Sakay ito ng wheel chair.
"Jemima..." agad niyang sinundan ang babae. Hinayaan na niya si Samuel Sy sa pakikipag-usap nito sa manggagamot.
Rumaragasa ang kotseng dina-drive ni Harry patungong ospital. Hindi na nito nai-park ng maayos ang sasakyan. Nagmamadali niyang tinungo ang ward kung saan naroroon si Jemima.
Nahinto siya sa pagpasok sa ward ng asawa nang makita niya si Chester Singh sa loob nito. Pinagmasdan niya ang nakapikit na asawa. Pinagmasdan naman siya ni Chester.
Nagdesisyon si Chester na lumabas ng ward. Bago tuluyang pumasok si Harry ay kinausap muna siya nito.
"Why are you here?"
Nakita ni Chester na hindi maganda ang timpla ng mukha ng pinsan. "Maybe because you're not here."
Hindi nakahuma si Harry sa tinuran ng pinsan. Para siyang kinurot ng katotohanan.
"Where have you been?"
Hindi maapuhap ni Harry ang isasagot.
Napansin ni Chester na hindi maayos ang pagkakasuot ni Harry ng damit at mukhang hindi ito nakapagsuklay. "You look like a mess."
Nasa loob na ng ward ni Jemima ay halos tigagal pa rin si Harry. 'My life is a mess.'
Nakatayo pa rin siya habang pinagmamasdan ang tulog na asawa sa hospital bed nito. Nararamdaman niya ang pagkaawa sa asawa, pero mas malakas ang pagkabog ng dibdib niya.
Lumapit siya dito. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng asawa. Mugto ang mga mata nito. Nanlupaypay siya. Sinisisi niya ang sarili na iniwan niya ang asawa.
Dumako ang kaniyang paningin sa tiyan ni Jemima. Nag-aalala siya sa kalagayan ng anak. Pinagpawisan siya sa nerbiyos. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung may nangyaring masama sa kaniyang anak. "He's fine," mahinang sambit ni Jemima. Nakita niya kasi ang pagkatigagal ng asawa habang nakatingin ito sa kaniyang tiyan.
"W-what?" pakiramdam niya ay nabingi sita. Gusto niyang makasigurado kung tama ang narinig niya.
"Phoenix is fine."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Phoenix?... Is that our baby's name?"
Mahinang pagtango at matipid na ngiti ang nakita niyang naging tugon ng asawa.
Agad siyang umupo sa tabi nito. Tiningnan niya ang kamay ng babae. Gusto niya itong hawakan. Gusto niyang magsalita. Nagtiim-bagang siya. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Hindi niya sigurado kung tama ang salitang bibigkasin niya. Ramdam ni Jemima ang paghihirap ng kalooban ng asawa. Alam niyang naguguluhan ito sa kanilang sitwasyon.
Ginagap niya ang palad ni Harry. Nagulat ito sa ginawa niya, sumunod ang pagtulo ng luha nito.
Hinayaan nila ang mga luhang mamalisbis sa kanilang mga pisngi. Ngumiti si Harry. Pinisil-pisil ang kamay ng asawa. "Wipe out your tears, Harry. My baby's dad is not a crying baby."
Sinabi lang niya iyon dahil natatakot siyang baka 'di na niya kayanin ang nakikita niyang pag-iyak ng asawa.
Dahil walang dalang panyo, kumot ni Jemima ang ipinampahid niya ng mga luha. Pinahiran niya rin ang luha ng asawa. Sobrang na-touch sa ginawi ng asawa, lalong naiyak ang babae. Umubo siya para mahinto ang pag-iyak niya. "You're coughing, are you sick?"
"No."
Sinipat ni Harry ang ilalim ng ilong ng asawa. "Maybe your nose is clogged."
Nagpakita ng pagkaasar si Jemima sa asawa, bagay na ikinatawa nito. Niyakap siya nito. "Thank God, you're fine!" Hinigpitan niya ang yakap sa asawa. Pakiramdam niya ay kaytagal niya itong hindi nayayakap.
Muling bumuhos ang mga luha ni Jemima. Gumanti siya ng yakap sa asawa. Mahigpit ang yakap nila sa isa't isa.
"Please don't drive me away from you again," anas ni Harry sa kaniya. "I can't bear it."
"I'm sorry, Harry!" Ibinuhos niya sa iyak ang paghingi ng tawad sa asawa. "I'm sorry!"
Dahil dumadanguyngoy na ang asawa, nag-alala si Harry na makakasama ito sa pagbubuntis nito. "Ssshhh! Don't worry, if you'll drive me away next time, I'll just go to Malaysia."
"You will go to Malaysia without me?" Naningkit ang mga mata nito kahit hilam pa ito sa luha.
"Well, if Ivana's around, I can stay here." Sa loob-loob niya ay para siyang kinikiliti sa biglang pagbabago ng mood ng asawa. Kanina lang ay para itong namatayan sa kaiiyak, ngayon naman ay tila isa itong galit na buffalo. "You can't see another woman, Harry!"
"Yes, but I can close my eyes."
"Don't you dare!" Alam niyang nagbibiro lang ang asawa pero hindi pa rin niya mapigilan ang magselos. Sinusuntok niya sa dibdib ang asawa.
Tumayo si Harry para makaiwas sa suntok.
Napansin ni Jemima ang itsura ng asawa. Napuno ito ng selos at pagdududa. "Where have you been?"
"I... I"
Sumulak ang dugo sa ulo ni Jemima. Ibinalibag niya ang unan ngunit nakailag ang asawa. Tiyempong bumukas ang pinto. Ang pumasok na doktor ang tinamaan ng unan.
"I-I guess the patient can now be discharged."
"No, she can't. I might be hospitalized."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report