The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 34
MATAPOS niyang tulungang humiga sa kama nila ang asawa, hinagkan niya ito sa noo. Lumabas siya ng kuwarto. Hinarap niya sa salas ang ama. "No more flying pillow?"
Nangingiting umiling-iling si Harry sa ama. "Her mood can easily change. Are all pregnant women like that?"
"Maybe. Maybe not." Sinenyasan niya si Harry na umupo paharap sa kaniya.
"What is it that you'd like to talk about, Dad?"
Kinuha ni Samuel ang isang sobre mula sa kaniyang bag. Iniabot niya ito sa anak, na tinanggap naman nito.
Tiningnan niya sa mata ang nagtatakang anak. "Now that you got your two billion, I think you will not be upset if you won't be chosen as president of the company tomorrow."
Namilog ang mga mata ni Harry. "This is it?" Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ama. Napangiti siya sa kasiyahan. "Are you sure, Dad?" Tiningnan niya ang laman ng sobre. "Oh, these checks are awesome!" Sa tuwa ay niyakap niya ang ama. "Thank you, Dad!"
Excited na pinuntahan ni Harry ang asawa sa loob ng kuwarto.
"Honey, I got it already!"
Napahawak sa dibdib si Jemima nang makita ang tsekeng hawak ng asawa. Lumakas ang pagtambol ng puso niya. Sinikap niyang ngumiti nang maluwang sa harap ng asawa. "Finally, I can look for Mom!"
"Y-yes. You can." Hindi niya gustong magsinungaling sa asawa pero nanonood sa kanila ang kaniyang biyenan.
Niyakap niya ang asawa sa tuwa. "This is the moment I've been waiting for, hon." Masaya niyang tiningnan ang mukha ng asawa. "I'm so happy!"
Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti sa asawa at tumango dito. Hinawakan niya ang mukha nito. "I'm glad that you're happy now."
Tumingin siya sa kaniyang biyenan kaya tinungo ni Harry ang ama.
"Dad, thank you very much for this!"
Bahagyang nag-isip si Samuel bago ito sumagot. "I see that you're not worried about the presidency."
Biglang natahimik si Harry. Nag-aalala siya sa damdamin ng ama.
"Well,--"
"Dad,..."
"I understand. You got your priorities. Now, you got what you wanted."
"Dad, it doesn't mean that I'm backing out."
Umiling ang matanda. "You can't serve two masters very well at the same time. Time will come that you need to choose one, and you will not choose the company."
"No, Dad. I can make it. I was just not into myself lately. But give me time."
"Tell me the truth. If you'd be the president, will you stop looking for your mother? Searching for her would require lots of time and effort."
Nalungkot si Harry sa itinanong ng ama. Alam nito ang talagang goal niya. "I will choose our family, Dad."
"I thought so." Tinapik nito ang anak, "thank you," humakbang na ito paalis. "But my vote is not for you."
Tango lang ang naisagot niya sa ama.
Mixed emotions ang naramdaman niya nang makaalis ang ama. Nalulungkot siya para sa kaniyang ama. Nakita niya kasi ang kalungkutan sa mga mata nito. Alam niya kung gaano kahalaga sa kaniyang ama ang kumpanya nito.
Nang magkasarilinan ang mag-asawa ay gustong magtapat ni Jemima kay Harry. Pero lumakas ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya mailabas sa bibig ang gusto niyang sabihin. Lumunok siya ng laway. "Are you thirsty?"
Napatango si Jemima sa asawa.
Matapos niyang uminom ay hindi pa rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na umamin kay Harry.
"Take a rest."
Hihiga na sana siya uli pero hindi siya mapakali.
"Harry,..."
"Yes?..."
"You better aim for the presidency. It's not too late. They know what you're capable of."
"It's fine. They can have it."
"No. I want you to be the president, Harry. Please grab your chance."
Nagitla si Harry sa narinig sa asawa. Ngayon pang tinanggap na niya na hindi para sa kaniya ang naturang posisyon, ngayon pang nakatuon na sana ang kaisipan niya sa paghahanap sa ina niya, ngayon naman siya pinu-push ng asawa para sa presidency. Paano pa niya makukumbinsi ang kaniyang ama ngayon?
"Call them, Harry. Tell them to vote for you."
Bahagyang umawang ang bibig ni Harry sa sinabi ng asawa. "I can't do that. I can't swallow that piece."
Nasapo ni Jemima ang noo nang lumabas ng kuwarto ang asawa. Kinakabahan siya sa mangyayaring botohan sa kumpanya bukas.
Sa salas naman ay halos sabunutan ni Harry ang sarili. Minabuti niyang uminom ng tubig.
Huminga muna siya ng malalim bago bumalik sa kanilang kuwarto. Nakapikit na si Jemima pagpasok niya. Hinagkan niya ang asawa sa noo bago siya humiga.
Dahil hindi siya mapakali, kinabig niya ang asawa. "Let's hope for the best."
Tumango si Jemima. Ito na nga lang yata ang magagawa nila, ang umasa.
HINDI pumasok si Jemima ngayon. Masakit ang ulo ang ginawa niyang alibi sa asawa. Ang totoo ay hindi niya kayang tingnan ang magiging reaction ni Harry sa botohan. Nalulungkot siya para sa asawa.
Kung papasok siya ay kasama siya sa mga boboto. Ni-require kasi silang lahat na pinuno ng departments at committees na makilahok sa botohan para sa magiging successor ni Samuel Sy.
Inihanda ni Harry ang sarili sa magiging resulta sa botohan. Kailan lang ay ipinahayag niyang para kay Chester Singh ang boto niya. Wala siyang balak na bawiin ito.
Sa kasagsagan ng botohan ay lumapit si Chester kay Samuel Sy. Lumabas ang dalawa para mag-usap.
Matapos ang botohan ay tiningnan muna ni Samuel Sy ang resulta nito bago siya nagsalita.
"I am glad that you're all here. You all did your part. I, too, did my part. You all know that my son, Harry, was my best choice to be my successor. But for some reasons,- personal reasons, I gave my vote to Chester. Up to this moment, I still believe that Chester Singh deserved my vote..."
Ngumiti si Harry kay Chester, tanda ng pagsang-ayon sa isiniwalat ng kaniyang ama.
"Both of them deserve your votes." Tinapunan niya ng tingin si Harry. "Before I announce my successor, I would like to say my appreciation to Chester Singh,-- who strived hard to excel in this company, and succeeded." Hinarap niya si Chester. "I respect your decision as much as you respect mine."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tumango naman si Chester sa matanda.
Sumunod ay nagsalita si Samuel Sy ng mabilis at parang walang gana. "Let's welcome our new president, Harry Sy."
Nagpalakpakan ang lahat. Nanlaki ang mga mata ni Harry sa kabiglaanan. Inakala niyang pangalan ni Chester ang ia-announce ng ama.
Habang nag-i- speech ay halos hindi pa rin nagsi- sink in kay Harry ang pangyayari. Nakatingin siya sa mga kasama niya pero pabalik-balik ang mga mata niya kay Chester. Nanatili namang naka poker face si Chester hanggang matapos ang speech ni Harry. Pumalakpak din siya nang matapos ito. Isa siya sa mga unang lumabas ng conference room. PINUNTAHAN ni Harry si Chester sa opisina nito. Umaasa siyang maaabutan pa niya ang pinsan matapos niyang malaman ang ginawa nito.
"Chester!"
"You didn't even bother to knock," sabi niya habang nagliligpit ng gamit niya.
"What happened? Why all of a sudden?"
"Well," he paused, "I guess, sometimes change is inevitable."
"But, why? You're happy here. You were close to presidency. You almost have tasted it!"
"How can you tell that I'm happy? Are we that close?"
Hindi agad nakakibo si Harry, tinitimbang ang sasabihin.
"I was open to you and your family. But it seems that I cannot trust anybody."
Nabaghan si Harry sa narinig sa pinsan. "What are you talking about?"
Binitbit na ni Chester ang mga gamit niya. Bago siya lumabas ng opisina niya ay hinarap niya si Harry. "Play well your cards, Harry. I might be your close rival soon. It would be a shame if I'd pull you to the ground on my new endeavor." Naiwan si Harry na nililimi ang mga huling katagang binitiwan ni Chester.
Ngayong siya na ang presidente ng kumpanya, lalong bumigat ang mga responsibilities niya. Gumawa siya ng personal na timetable tungkol sa ilalaan niyang oras para sa paghahanap sa ina at para sa bonding nilang mag-asawa. Nag-email siya sa The Billionaires' Club. Humingi siya ng schedule para makipag-usap ng personal.
Sumagot ang The Billionaires' Club. "Sorry. We don't give audience to non-member."
Nag-email uli siya. "Please check my status."
Kampante siyang positibo ang isasagot nito sa kaniya. Nakalagay na kasi sa assets niya ang two billion dollars na ibinigay sa kaniya ng ama.
Hindi naman nagtagal, sumagot din itong muli.
"Sorry. The Billionaires' Club has new rule. We don't cater billionaires who don't hold top office."
Napaisip si Harry. Hindi man lang niya ito nalaman. Mabuti na lang pala at nag-resign si Chester Singh, dahil kung hindi ay baka nawala sa kaniya ang pagkakataong makuha ang minimithi niyang influence. Kailangan niya ito sa paghahanap sa kaniyang ina.
Sinagot niya ang naturang email. Hindi nagtagal ay sinagot din siya nito.
"Welcome to The Billionaires' Club!"
Isa pang email ang dumating, at natuwa siya sa laman nito.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
KINAKABAHAN si Jemima. Gabi na, ngunit wala pa si Harry. Hindi naman niya ito magawang tawagan, takot siyang masampal ng katotohanan.
Lumakas ang pagkabog ng dibdib niya nang makita niyang pumipihit ang seradura ng pinto. Tila naging tuod siya nang makita niya si Harry. Halata niya ang pagkapagod sa mukha nito. Medyo hinihingal pa ito.
Nagtataka naman si Harry sa nakikitang reaction ng asawa pagdating niya. "Hi, is there something wrong?"
"N-nothing. I just... I want... to know--"
"I'm sorry for letting you wait," hinagkan niya sa noo si Jemima. "I had a meeting after work."
"U- uhuh!"
Pinagmasdan ni Harry ang mukha ng asawa. Tinatantiya niya ang sasabihin dito. "Do you have something to say to me?"
Lalong kinabahan si Jemima sa tanong ng asawa. Pakiramdam niya'y masusukol na siya nito. "Did Chester... did you...," lumunok siya ng laway, "what happened? Did you succeed?" halos hindi na marinig ang huli niyang sinabi.
Tila huminto ang paghinga niya nang tinitigan siya ng asawa sa mata. Ngumiti ito sa kaniya. "My wife, you are now looking at the new president of the Good Era Tire and Rubber Company!" Dumiretso sa pagtulo ang mga luha niya nang marinig ang sinabi ni Harry.
He stretched his arms to welcome her embrace, pero sinuntok-suntok siya nito sa dibdib. Niyakap niya ang asawa. "Surprised?" Hinalikan niya ito sa ulo.
"Don't do it again. You don't know how I felt. I nearly fainted!" sabi nito habang patuloy na umiiyak.
"Ssshh!" Hinaplos niya ang likod ng asawa. "You can say 'congratulations!', or say the magic words. Either way is fine, but I prefer the latter."
Ipinampunas ni Jemima ng luha niya ang necktie ni Harry. Ngumiti lang ito sa kaniya. Nanulis ang nguso niya.
'Cute." "I can't hear you!"
Tinalikuran ni Jemima ang asawa. Nagpunta siya sa kusina para uminom ng tubig. "Humanap ka ng kausap mo."
"What?" Natatawa siya sa inaasta ng asawa.
"I could have cooked a special meal for you, but I spent my time with my heart beats deafening me. I don't care anymore" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil lumapit sa kaniya si Harry at niyakap siya.
"I'm sorry." Hinigpitan pa ni Harry ang pagyakap sa asawa kaya muli itong umiyak. Pinahid naman niya ang luha nito.
Paluhod na inilapit ni Harry ang mukha sa tiyan ng asawa. Hinimas niya ito bago nagsalita, "Baby, your dad is now the company president! You're my lucky charm, aren't you? Now, I can find your grandma. So keep up the good work there and I'll do mine here, okay?"
Tila hinahaplos ang puso ni Jemima sa ginagawa ng asawa, lalo na nang hinagkan pa nito ang tiyan niya.
"Harry,..." dumadaloy na naman ang mga luha niya.
Hinarap ni Harry ang asawa. "You're crying again." Sinilip nito ang mga butas sa ilong ng asawa. "How can I kiss you if you got runny nose?"
Natigil sa pag-iyak si Jemima. Kinurot niya ang nakangiting si Harry. Sumimangot siya. "Don't kiss me."
Natatawang pinisil ni Harry ang mga pisngi ng babae. "You're so cute, my wife." Niyapos niya ito. "How can I not kiss you? Your lips are inviting." Ipinasok ni Jemima ang mga labi niya. Ipinasok din ni Harry ang mga labi niya at idinikit ito sa bibig ni Jemima. Ikiniskis niya ito.
"Mmph!"
Because of that sound, her sound, nagtitigan silang dalawa. Mata sa mata. Sumunod ay ang labi sa labi.
Susulitin niya ang ipinaghintay sa kaniya ni Jemima. Ihahatid niya ito ngayon sa kaluwalhatian.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report