NASA harap siya ng telebisyon pero wala sa pinanonood ang iniisip ni Harry. Abala ang kaniyang isipan tungkol sa situwasyon nilang mag-asawa.

Lingid sa kaalaman ng asawa ay napansin niya ang naging reaksyon nito kanina. Nakita niya kung paanong iniurong ng asawa ang mga kamay na hahaplos sana sa kaniyang pisngi at sa kaniyang kamay na inihaplos niya sa tiyan nito, bagay na lagi nitong ginagawa sa tuwing idinidikit niya ang kaniyang tenga sa tiyan nito. Nakita rin niya ang kalungkutan ng asawa sa tuwing hindi sila magkatabi, tuwing inaakala nito na hindi niya ito nakikita. Malungkot nitong hinahaplos ang sariling tiyan at malalim ang iniisip. Alam ni Harry, may gumugulo sa isipan ng kaniyang asawa.

Sa loob naman ng kuwarto, habang nakahiga sa kama ay dinig ni Jemima ang malakas na buntunghininga ng asawa sa salas. Halatang-halata na may pinoproblema ito. Tumayo siya at sinilip ang asawa. Nakita niyang sapo ni Harry ang ulo. Gusto niya itong kausapin, pero nawalan siya ng lakas. Nanatili siya sa loob ng kuwarto. Nanlalambot ang kaniyang tuhod na tinungo ang kama.

"Jem..." pabulong niyang bigkas habang nakasandal sa couch. Malalim na ang gabi ay nasa sala pa rin si Harry. Iniisip niya ang posibilidad na iwanan siya ng asawa dahil sa nangyayari sa kanila. Hindi pa man ay nakaramdam siya ng lungkot sa naisip. He would definitely miss her! Pero nanghihina siya kapag ganito ang sitwasyon nilang mag-asawa.

Nakapagdesisyon na siya bago siya pumasok ng kuwarto. Desidido na siya sa kaniyang gagawin.

"Good morning!" Sinadya niyang bumangon ng maaga para may pagkakataon silang mag-asawa na mag-usap nang masinsinan. Ayaw niyang pumasok sa trabaho na may bagay na gumugulo sa isipan ng asawa.

"Morning," sagot nito na hindi lumilingon sa kaniya.

Nilapitan niya si Jemima habang naghahanda ito ng almusal nila. "Jem..."

'Jem? Not my wife? Not my queen?' Gusto niyang magtanong kay Harry pero para siyang itinulos sa kinatatayuan niya. Ni hindi niya magawang tingnan sa mukha ang asawa. Hindi niya tiyak kung bakit may namuong kaba sa dibdib niya. Humakbang pa si Harry palapit sa asawa. Hinawakan niya sa siko ang babae. "We have to talk." Inalalayan niya ito na maupo.

Nagpapakirandanan ang mag-asawa. Pareho silang may kaba sa dibdib. Minabuti ni Harry ang uminom muna ng tubig bago siya muling nagsalita.

Tinitigan niya sa mata ang babae. "This relationship is not healthy for you," then his gaze went to her tummy, "and for our baby," panimula niya. "This arrangement may not work anymore. I'm so drowned, I don't want it to affect you." Hindi umimik ang babae. Naghalo ang nararamdaman niyang emosyon kaya hindi niya maapuhap ang sasabihin sa asawa. Tanging ang malakas niyang paghinga ang naririnig ng lalaki.

"I think it would be safe for you and our baby if you would visit your parents,... until things are fine." Napabuntunghininga siya. Ni hindi siya makapagbigay sa asawa ng timeframe.

"Things won't be fine, Harry, until you decide that it is." Tumayo siya nang hindi tumitingin sa asawa. Iniwan niya itong minumuni-muni ang mga huling katagang sinabi niya sa lalaki.

Ayaw niyang iwanan siya ng asawa. Pero nagiging awkward na ang pagkilos nila sa harap ng isa't isa. Hindi na nila magawa ng maayos ang pagiging asawa sa isa't isa dahil sa kani-kaniya nilang nararamdaman. Susolusyunan niya muna ang problema niya sa kumpanya. Kapag nahanap na niya ang sagot sa mga tanong ay susunduin niya ang asawa.

INALALAYAN ni Harry ang asawa habang bumababa sila sa hagdan mula sa eroplano. Napagkasunduan nilang ihatid niya si Jemima sa Pilipinas.

"I'm fine," aniya at kumawala siya sa pagkakahawak ni Harry sa kaniyang kamay.

Nagtagis man ang bagang ni Harry dahil sa coldness ng asawa ay tumahimik na lang siya. Sinundan niya ito sa mabilis nitong paglakad palayo sa eroplano.

Masaya silang sinalubong ng pamilya ni Jemima.

"Jemima!"

"Ma!" Agad niyang niyakap ang ina na tuwang-tuwa pagkakita sa kaniya.

"My baby!" mangiyak-ngiyak si Zorayda sa tuwa habang yakap ng mahigpit ang anak.

"Pa!" Nagmano si Harry kay Allan. Tinapik naman niya sa balikat si Ismail at nag fist fight sila.

Sa isang condominium unit sila tumuloy. Pastel colors ang wallpaper ng unit.

"Cute naman ng motif. Kanino ito, Ma?"

"Dito ka muna habang buntis ka pa," ang sagot ng ama.

"Ayaw ng papa mo na pumunta ka sa bukid, baka raw masobrahan ka sa pagod."

Ngumiti si Jemima habang tumango-tango naman si Harry sa narinig.

Nakangiti ang babae kahit na tila may bumabara sa kaniyang lalamunan. Habang pinagmamasdan niya ang mga magulang ay nakahawak siya sa string ng kaniyang shoulder bag na tila ba kumakapit siya rito para siya manatiling nakatayo. "Come, we have something to show you," nakangiting imbitasyon sa kanila ni Zorayda.

Pinasok nila ang isang kuwarto. Light pink ang motif nito. Somehow ay naisip ni Jemima ay ito ang magiging kuwarto niya, pero may bahagi sa kuwarto na may nakasabit na balloons na dark green, blue, at pula ang kulay.

"Dito natin ilalagay ang kuna ng baby, para masanay ang mata niya sa dark colors," ani Melinda. "Dalawa lang ang kuwarto nitong unit at ito ang mas malaki, kaya dito kayo ng baby mo." Tiningnan niya si Jemima sa mukha, hinintay niya ang pagsang-ayon ng pinsan.

Napalakas ang paghinga ng buntis, at kapagkuwa'y ngumiti sa kaniyang mga magulang. "Salamat dito, Ma,... Pa!"

"Don't worry, anak. Sa kabilang room naman mag-i-stay si Melinda para may kasama ka rito," ani Zorayda habang hinahaplos ang pisngi ng anak. "You will be fine." Ngumiti naman si Jemima sa ina.

Bumalik sa salas ang lahat. Nakasentro sa negosyo ang usapan. Ipinaliwanag ni Harry kay Allan ang situwasyon ng kumpanya habang nakikinig lang ang iba. "The scores are alarming. We've heard that we could have a tie score with Jannatasm. We wouldn't let it happen."

"Of course!..." sagot ni Allan na tumango-tango, "...of course. There's too much at stake."

Habang nag-uusap ang lahat sa sala ay pumasok si Jemima sa inilaang kuwarto para sa kaniya. Hindi pa rin siya maka- move on sa sinabi ng kaniyang ina kanina. May gumuhit na kirot sa kaniyang dibdib nang ma-realize niyang puwede palang dito na siya manganak at wala ang asawa niya sa kaniyang tabi. Baka dito na rin lumaki ang anak nila, malayo sa kaniyang ama. Napahawak siya sa dibdib.

Nadatnan ni Zorayda na dinidiin ng anak ang kaniyang daliri sa dibdib. "Jemima,..."

Bahagyang nagulat si Jemima, agad na pumihit paharap sa kaniyang ina. "Ma!"

"Napagod ka ba sa biyahe?"

Bumukas ang kaniyang bibig pero tumikom din ito. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa ina na hindi ito masasaktan. Tumango na lang siya sa ina at tumungo.

Hindi batid ng kaniyang anak na marami siyang gustong itanong dito, pero pinili niyang manahimik. Pero nang naiyak ito nang ito ay niyakap niya ay hindi na siya nakapagpigil pa.

"What happened? Are you hurting?"

Nagpatuloy lang sa tahimik na pag-iyak ang anak. Her mother's embrace was very comforting for her. Ngayon niya higit na ipinagpapasalamat na nakakulong siya sa mga bisig nito ngayon.

Hinaplos ni Zorayda ang likod ng anak. "You can cry on me as long as you like, my baby," she whispered. Lalong napaiyak si Jemima sa narinig. Iniharap niya sa kaniya ang mukha ng anak. "You can tell your mother what's hurting you, if not everything." Dahil natahimik ang anak ay nagbitiw siya ng pangako rito, "I swear I will try my best not to harm him, if that's what's stopping you."

Nang maupo sila sa kama at nagsimulang maglahad ng sama ng loob ang anak ay parang pinipiga ang puso ni Zorayda habang nakikinig dito, lalo na nang may tumutulong luha sa bawat pangungusap ng anak. Kung puwede lang ay bawiin niya ang ipinangako niya sa anak at sugurin niya ng mga suntok ang asawa nito. Hindi niya inasahan na maghihirap ng ganito ang kalooban ni Jemima dahil ipinakasal nila ito sa anak ng kaibigan nila.

"Calm down now," aniya at pinahid ang mga luha ng anak. Pinisil niya ang mga palad nito. "We're here for you. We will stand by you. We will not forsake you."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ma!" agad niyang pinahid ang dumulas niyang luha.

"A mother is always strong for the sake of her child," aniya sa garalgal na boses habang nakatingin sa umbok ng tiyan ng kaniyang anak. Tiningnan niya sa mata si Jemima, kapuwa nila pinipigilan ang sarili na muling maiyak. Inayos niya ang lalamunan bago muling nagsalita, "you are strong, my child, always have been. This is the time that you must be stronger. You're a wife now, and a mother."

"Do I still have a future as his wife? I don't know how to be his wife anymore."

Ngumiti ng matipid ang ginang sa anak. "Your pure, blossoming love will guide you." Nginitian niya itong muli. "Don't be overwhelmed. You're carrying your angel."

"But she will miss her daddy." Lumatay na naman ang kalungkutan sa kaniyang mukha.

Ngumiti ang ina. "Smile. Let him take a good luck at you. Make him miss that smile so much that he would fly and fetch you."

Nangilid ang luha sa mga mata ni Jemima. "Ma!"

"Ssshhh!"

Ang hindi alam ni Jemima ay pinag-aralan ni Harry ang bawat sulok ng sala habang nakikipag-usap ito sa mga kasama sa sala. 'I hope that you will be happy here, my wife, my...' Natigilan siya sa lumatay na kirot sa kaniyang dibdib. Naninikip ba ang dibdib niya dahil sa sobrang pagod at stress? Hindi kaya ngayon pa lang ay nami-miss na niya ang asawa?

May panahon pa siya para mag-isip. Puwede pa niyang bawiin ang kaniyang desisyon.

Napatingin siya sa taong nag-oobserba sa kaniya, ang kaniyang biyenan. Ang mukha ni Allan ay tila nagtatanong.

"Is there something wrong?"

'Yes, there is.' Umiling siya. "None, Pa. I... I just thought of something."

"Guys, why don't we go get some lunch?" masayang bungad sa kanila ni Zorayda. Kasabay nitong na lumabas ng kuwarto si Jemima.

Napamaang si Harry nang makita ang asawa. Fresh at attractive itong tingnan sa dainty floral nitong sleeveless na bestida at light make-up. Ngumiti siya ng matamis sa asawa gaya ng bilin ng kaniyang ina."Let's go, my husband."

Biglang napatayo si Harry, ngiting-ngiti ito sa asawa.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report