HABANG kumakain sila sa loob ng restaurant ay ipinahayag ni Harry ang isa pa niyang pakay ng pagpunta niya ng Pilipinas.

"Pa, I have something to discuss with you," halos pabulong niyang sabi sa manugang.

"Sure!" Nagpatuloy siya sa pagnguya ng kinakain ngunit hindi nagtagal ay tinapos niya ang pagkain at tinanguan niya si Harry. Nagpatiuna ang magbiyenan sa parking area para makapag-usap sila nang masinsinan.

"Is it too heavy for you to handle so you've decided to bring my daughter here?"

Huminga nang malalim si Harry. Saglit na nilimi kung aaminin ba niya sa biyenan na naapektuhan pati ang pagtatalik nilang mag-asawa dahil sa sobrang stress na pinagdadaanan niya ngayon. "I became a lousy husband to your daughter. I don't like the way I am right now. We're going the wrong way in our relationship."

Si Allan naman ang huminga nang malalim sa tinuran ng manugang. "I don't want to think that you treat your wife as a burden to what you want to achieve."

"No-"

"Is it because you don't want any failure to haunt you in your old age?" Mataman niyang pinagmasdan ang manugang na kasalukuyang bagsak ang mga balikat. "You were always strong, no matter what situation you've been dealing with. I was there in the sidelights, I knew that you would become successful. I've witnessed your strength, Harry."

Napatingin naman si Harry sa mata ng kausap. Hinahanap niya sa mga mata nito ang sagot sa kinikimkim niyang katanungan.

"Is your family involved?"

Nagtiim ang bagang ni Harry sa itinanong ng biyenan.

"Your family is your only weakness, Harry. So I guess it involves your mother?"

"And you, Sir." Hindi matanggap ng puso niya ang mga binigkas niyang salita.

Nabaghan si Allan sa narinig, pero sandali lang iyon. Agad siyang nakabawi sa pagtataka niya. "Your rivals are amazingly idiots!"

"Yeah, but they're gaining scores. They could surpass ours in a blink of an eye."

"Because of a rumor?" Kumunot ang noo ng matanda. Sandali siyang nag-isip. Tiningnan niya sa mata si Harry, "I hope you did not break your mother's heart because of that crap."

Napatungo si Harry. Ni hindi man lang niya kinausap ang kaniyang ina matapos niyang mag walk out.

Allan sighed. "Good grief! She collected all the bad luck, don't you think? Poor her."

"I want to know the truth before I see my mother."

Sandaling nanahimik si Allan.

"I can't get it from Father!" Halos sabunutan na niya ang sarili out of frustration.

Lumunok ng laway si Allan nang marinig ang frustration ng kaharap. "You already know the truth... We were schoolmates back then. My wife and your mother were best of friends, while your father was my best buddy."

"But was there an unpleasant twist in your relationship?" Malakas man ang pagkabog ng kaniyang dibdib ay pinanindigan na ni Harry ang naging tanong niya.

"Unpleasant, you say?" Naningkit ang kaniyang mga mata. All these years, hindi niya akalaing lilitaw pa ang issue na kinasangkutan nila noon. "To say if it was unpleasant would depend on your judgment."

Nanahimik si Harry. Hinintay niyang magpatuloy sa pagsasalita ang kaniyang biyenan. Kailangan niya itong marinig.

"Your father became a successful entrepreneur at a young age, while I experienced some wins and losses herexand there. He was like you back then, a strong businessman whose weakness was the woman he loved. He was so in love with Benita, and a very jealous one."

Habang nakikinig sa biyenan ay inaapuhap ni Harry sa sarili kung paano silang naging magkatulad ng kaniyang ama. Oo, mahina siya ngayon, iyon ay dahil sa iniwang problema ng kaniyang ama. Kailanman ay hindi niya naging kahinaan ang pagseselos. Saka niya naalala ang pinsang si Chester.

"Back then, he became too workaholic, that was the reason that your mother began to feel unimportant and suffocated."

Napatingin si Harry sa kausap. Nagtagpo ang dalawa niyang kilay. Gusto niyang marinig ang totoo, pero ayaw niyang marinig ang pangit na bagay na sasabihin nito. Hindi niya yata kakayanin na mukhaan nitong ipagtatapat sa kaniya ang bagay na umaasa siyang sana ay hindi nangyari noon.

"Benita loved your father so much even when it was painful for her to see him. I was the only man your father has trusted, so Benita called me that day."

"Did you..." hindi niya maituloy ang itatanong.

Mariin ang tinging ipinukol ni Alkan sa manugang. Hindi siya komportable sa gusto nitong tumbuking usapin, even then.

"It would not do you good to think ill of your mother."

"This is not about me." Gusto niyang i-save ang kumpanya sa kahihiyang maaari nitong kasadlakan because of the actions of its main persons back then. "Good. For once, lend me your ears."

SAMANTALA, napansin ni Zorayda na malalim ang iniisip ng anak na babae habang tila pinaglalaruan nito ng tinidor ang mga natirang hibla ng spaghetti sa plato nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Don't worry, anak, things will be fine," bulong niya rito habang inaakbayan ito at hinahaplos ang shoulder blade ng anak.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Jemima sa ina. Ayaw niyang umiyak in public. Ayaw niyang maging laman ng video ng kung sino mang makakita sa kaniya. Nadala na siya sa past experirnce niya.

"We'll pray for your husband's safety and hope for his success, okay?" Sinikap niyang pasiglahin ang boses habang kausap ang anak na konti na lang ay maiiyak na. Her daughter just don't have an idea how much it hurts her mother to see her hurting.

"Yeah," halos hindi ito namutawi sa bibig ni Jemima dahil sa pinipigilang emosyon.

"Tita, magpa- picture tayo," pagyayaya naman ni Melinda sa kanila. Game namang nagpa-picture ang mag-ina habang may kausap sa cellphone si Ismael.

TILA sasabog ang dibdib ni Harry matapos na marinig ang mga ikinuwento sa kaniya ng biyenan. Mabuti na lang at nakaupo siya sa isang bench dahil baka mawalan siya ng balanse sa overwhelming na sagot sa kaniyang tanong. All the while pala ay maraming bagay siyang hindi nalalaman sa kaniyang mga magulang. Umiling-iling siya. Halos hindi siya makapaniwala sa mga natuklasan.

"Why did father sue you if you did nothing to hurt him?"

"I did." Naalala niya ang mukha ni Samuel Sy noon na pulang-pula sa galit. "I was with her. Samuel felt betrayed." Bumuntunghininga siya. "I guess he was too hurt at first because it was his most beloved person who'd hurt him, and I, his most trusted pal was there for her."

Habang binubuhay niya sa kaniyang isipan ang mga pangyayari noon ay magkahalong awa at pagkainis ang naramdaman niya para sa ama. Hindi niya tiyak kung gugustuhin pa niyang magmahal kung matutulad lang din siya kay Samuel Sy. "Why did father forgive you so easily while he hates mother so much until now?"

Napatingin sa ulap si Allan. "Sometimes a man so in love can be irrational. But his indifference to your mother is not hatred anymore. It's a burning flame, waiting for a right time."

Napangiwi siya sa narinig. Nagagalit na siya sa kaniyang ama. "He wasted too much time. It was too painful for Mother."

"Yes. I could only wish for her happiness now. But your father deserve a second chance. He was blinded by too much love when we were young. He was stubborn, yes. But it was his way."

"Too much to isolate her for many years!"

"Maybe he did it because whenever he see your mother, he would remember how much he has hurt her, and he cannot take it. That's how he loved your mother."

'Is love really like this? What if I would end up to be just like my father?'

Naawa si Allan nang malalim ang naging pag-iisip ng manugang. Tinapik niya ito sa balikat. "Don't be too hard on yourself, Harry. We don't want you to end up like your father, a wealthy man but broken."

"So my old man knew his mistakes, huh! And yet he don't admit anything."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"You can leave his ego to his old age. Move forward to where you should be."

Tama. May dapat pa siyang isulong na kumpanya. Itatama niya ang lahat nang mga haka-haka. Tumayo siya. Bubuo siya ng matinding plano para sa tagumpay. Pero kakayanin ba niyang mag-isa? Paniniwalaan ba siya ng mga tao? "We're here!" Malakas na binati ni Zorayda ang nag-uusap na magbiyenan. "Are we disturbing you?"

"No, Ma." Nginitian niya ang babaeng biyenan.

"Good to know." Nilingon niya ang anak na tahimik na nakatayo sa kaniyang likuran. Pinalapit niya ito sa kaniya. Pinangakuan niya ito, at gagawin niya ang ipinangako niya. "Let's watch a movie, guys. It's been a month since my last movie here."

Hindi man niya inaasahan ang naturang imbitasyon ng manugang ay maagap siyang nagpaalam dito. "I'm sorry, Ma. I have to go now. I can't cancel my flight."

"What? You're going already?"

"Yes, Ma."

Niyakap niya at hinalikan sa pisngi ang dismayadong biyenan. "Sorry, Ma."

"It' alright." Nginitian niya ito. Pero deep inside ay nabu-broken heart siya para sa kaniyang anak. Wala na pala itong chance para magkasama sila. Tinuruan pa naman niya ito kung ano ang gagawin para ma-miss ito ng todo ni Harry. Pinaasa lang pala niya ang kaniyang anak na may magagawa pa ito. Gusto niyang umiyak. Pero baka hindi siya mapatawad ng kaniyang anak kung magmamakaawa siya kay Harry para huwag nitong iwan si Jemima. Napansin niyang halos hindi kumikilos si Jemima habang binigyan ito ng yajap at halik ng asawa nito. Tila may pumiga sa puso niya habang tinitingnan ang anak.

Nang papalayo na ang manugang ay hindi niya napigilan ang sariling tawagin ito. Halos pumiyok pa siya. "Harry!"

Lumingon naman ang tinawag.

"Don't you forget something?"

Kinapa naman ni Harry ang dalang coat. Nang matiyak niyang nasa bulsa nito ang passport at pitaka niya ay ngumiti ito. "It's all here, Ma!" Isinuot na niya ang coat.

'Me!'Pero hindi na kayang magsalita pa ni Jemima. Tila may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Kung puwede lang ay hindi na siya titingin pa sa asawa. Pero baka huling pagkakataon na niya ito. Baka hindi na sila magkita pang muli.

Bago sumakay sa kotse ni Ismael ay kumaway muna si Harry. Halos hindi niya maikaway ang kamay. Nakatitig siya sa mukha ng asawa. Pakiramdam niya ay mahihilo siya sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report