ORAS na para umuwi ng probinsiya ang mga magulang ni Jemima. Tumingin-tingin si Jemima sa loob ng condo unit.

"Make sure, guys, na wala kayong maiiwan dito," aniya sa pinasiglang tono.

Sa kaniya naman nakatingin ang mga magulang niya habang naghuhuntahan sina Ismael at Melinda papalabas ng pinto.

"Mag-iingat ka, anak." Nagyakap ng mahigpit ang mag-ina.

"Kayo rin, ma. Ingat po kayo."

Hinaplos ng ina ang mukha ng naiiyak na niyang anak.

Si Allan naman ang yumakap kay Jemima.

"Pa!..."

Nginitian ng ama ang anak. Alam niyang itinatago nito ang nararamdamang kalungkutan.

"Don't worry too much. He will be fine. Bigyan mo siya ng time, anak. Masyado lang siyang na-overwhelm sa bigat ng responsibilities niya ngayon."

Tumango si Jemima sa ama, sabay pahid sa tumulong luha. "Anak,..."

Lalapitan pa sana ni Zorayda ang anak pero niyaya na siya ng asawa papalabas ng pinto. "Don't cry too much, anak," bilin niya habang papalabas ng pinto ng condo unit ni Jemima. Nakita niyang tumango ang anak habang lumuluha. Inihatid sila ni Melinda sa lobby ng building.

Natigil sa paghakbang palabas ng building si Zorayda, pero hinawakan siya sa kamay ng asawa.

"She will be fine," bulong niya kay Zorayda. "We will be back in no time."

"Ingat po kayo," bilin ni Melinda sa kanila.

"Ingat din kayo rito. Tumawag kayo agad kapag kailangan," bilin ni Allan sa pamangkin bago sila muling humakbang papalabas ng building.

Samantala, tila pinanawan ng lakas ang mga tuhod na naupo si Jemima sa sofa. Ipinagpatuloy niya ang pag-iyak. Wala nang dahilan para pigilan pa niya sa pagtulo ang mga luha. Hindi na masasaktan ang kaniyang ina habang nakatingin sa malungkot niyang mga mata. Hindi na rin niya makikitang bumubuntunghininga ang kaniyang ama habang nakatingin ito sa kaniya at inaakalang wala siyang malay na tinitingnan siya nito. Alam niyang nasasaktan ang kaniyang pamilya sa sinapit niya, nagpapakita lang ang mga iyon sa kaniya ng katatagan.

PAGMULAT niya ng mga mata ay hindi agad bumangon sa kama si Harry. Mabigat ang kaniyang pakiramdam. Bukod sa pagod ay may nararamdaman siyang kahungkagan. Inikot niya ang kaniyang paningin sa loob ng kuwarto, tila may hinahanap. Bigo siyang bumangon at tinungo ang bintana. Lumanghap siya ng sariwang hangin mula sa labas. Umaga na pero ayaw pa niyang kumilos. Hindi niya akalaing ganito pala kabigat ang mararamdaman niya kapag mawalay siya kay Jemima.

Pero kailangan na niyang kumilos, at magmadali. Babalikan pa niya ang asawa niya sa Pilipinas. Pero sa ngayon, itutuon niya muna ang kaniyang focus sa pagresolba sa mga issue na itinapon sa kanilang kumpanya at pamilya. Pagkatapos ay palalakasin niya ang sarili. Buo at malakas siyang babalik sa kaniyang asawa.

Kasama niya ang ama at trusted high ranking employees, nakipagkita sila sa mga bumubuo ng igagawad na People's Choice Award para sa mga negosyante ngayong taon.

Matapos nilang makipagkamay at makipagbatian sa mga organizer ng naturang award ay hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa.

"Gentlemen, we apologize for this urgent meeting, and we are grateful of your presence. It has come to our end that there is a malicious rumor that is going on, which, we believe that is intended to stain our reputation. The rumor is timing for the upcoming award, which is sad. I, myself, would like to clarify that I am a biological son of Samuel Sy, who is now sitting beside me. This is a copy of my DNA test results."

Kinuha naman ng lalaking binigyan ni Harry ng sobre ang papel na nilalaman nito at binasa niya. Isinasaad sa papel ang positive result ng DNA examination nina Harry Sy at Samuel Sy. Ipinakita rin niya ito sa mga kasama niya. "As for the friendship of my mother and my father-in-law, which was maliciously injected by some imaginative minds, I would like to attest that their friendship is true until this day, but it remained pure friendship." Nagtinginan naman ang mga organizer sa tinurang iyon ni Harry.

"But we have a record of your father's testimony," ang pahayag ng isa sa mga kaharap nila.

"You may have, Mr. Collins, but are you aware that an intoxicated man who was blinded by jealousy, anger, and insecurity could testify anything only to avenge his broken heart and pride?" Tiningnan ni Harry ang ama. Tahimik lang itong nakikinig sa kaniya. "It was also in the record that he tried to clear his best friend's name from his early accusations. In fact, Allan Te, who is now my father-in-law, was not convicted, neither did my mother." Tumango-tango ang ilan sa mga kausap nila. Nagsalita naman si Mr. Nielsen, ang head organizer.

"I knew about that lawsuit years ago. I don't treat it as something to be considered for the award. It has no weight."

Magandang sorpresa iyon sa pandinig ni Harry. Tila nawalan ng tinik sa dibdib si Harry sa narinig kay Mr. Nielsen. "Thank you, Mr. Nielsen. Your pronouncement really mean a lot to us."

"Is that all? I mean, I thought you were planning to bribe us," pagbibiro nito na ikinatawa ng lahat.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"He was too worried about a thing of the past. He thought that you, guys, would buy it," sagot naman ni Samuel Sy kay Mr. Nielsen.

"I assure you, this award giving body is not dealing on such clumsy issue," aniya kay Harry, kapagkuwa'y nginitian niya si Samuel. "It's not a prestigious award for nothing." Naramdaman ni Harry ang paglabas ng pawis sa kaniyang noo habang ninanamnam sa kaniyang pandin8g ang mga binitiwang salita ng Head Organizer. "Thank you very much, Sir!" "Maybe we can discuss about your so-called ten billion dollar goal. We are interested in how you were planning to earn that big in a short span of time, and remain unstoppable in the market." Nagkatinginan ang mag-ama. Tinanguan ni Harry ang mga kasama nila sa kumpanya. Hindi nila puwedeng palampasin ang pagkakataon na maiangat ang kanilang kumpanya.

MALAWAK ang ngiti nilang lahat pagbalik nila ng company building. Agad silang nag meeting kasama ang mga pinuno at sekretarya ng iba't ibang departamento. Ngayong nalaman nilang hindi naman pala balakid sa pagkuha nila ng award ang alingasngas na ginawa ng isa sa mga karibal nilang kumpanya ay matutuon na ang buong atensyon nila sa paggawa ng karagdagang strategy kung paano sila uunlad sa merkado kasabay ng muling pagbango ng pangalan ng Good Era Rubber and Tires Company.

Habang nagmi-meeting sila ay nagpasulyap-sulyap si Samuel Sy sa anak. Napansin niyang nagbago na ang aura ni Harry. Hindi na lukot ang noo nito. Hindi na ito mukhang pasan ang daigdig.

Sa nakita sa anak ay tinatanong niya ang sarili kung tama ba na hinayaan niya ang anak na mag-isa nitong pagdaanan ang lahat hanggang sa makakita ito ng sagot sa kaniyang mga tanong. Hindi nalingid sa kaniya ang naging paghihirap ng kalooban nito. Napatunayan niyang ang pamilya ang dahilan ng pagsusumikap ng anak para maresolba ang alingasngas na iyon. Hindi ito tuluyang kinain ng trabaho, hindi ito natulad sa kaniya. Napangiti siya, at kapagkuwa'y bumuntung hininga. Hindi niya hahayaan ang anak na matulad ito sa kaniya.

SAMANTALA, kasalukuyang nakikinig si Allan Te sa meeting na iyon online. Nakikita niya sa monitor si Harry habang nagsasalita ito. Napansin niyang maganda ang aura ngayon ni Harry habang ipinaliliwanag ang kaniyang plano. He's having high hopes na malapit nang matapos ang mga araw ng paghihintay ng kaniyang anak sa pagbabalik ng asawa nito.

Napansin niya sa monitor na naka-off ang camera ni Jemima. May gumuhit na lungkot sa puso ng ama. Ayaw sigurong magpakita ni Jemima sa monitor. 'Hindi kaya umiiyak siya ngayon?' Napabuntunghininga siya sa naisip.

Napansin naman ni Zorayda na natuon ang pansin ng asawa sa naka-off na camera ng anak. Humigit siya ng hininga, at niyakap mula sa likod ang asawa. "Don't worry too much. Our baby will be fine," bulong niya rito, at hinalikan niya ito sa likod ng ulo.

Tumango-tango naman si Allan sa asawa. Iniwan siya nito para ituloy ang ginagawa.

Hindi na namalayan ni Allan Te na napunta na ang kaniyang isipan sa alaala ng nakaraan.

"Benita!" Dinig nila ang malakas na pagsigaw ni Samuel noon habang umaakyat ito sa apartment na tinutuluyan ni Allan.

Naalarma si Benita sa narinig na boses ng asawa. "Please hide me, Allan!" Naiiyak ang babae na nakiusap kay Allan. "But he might still see you here!"

Planning your weekend reading? Ensure you're on

05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"No!" Agad na tinungo ni Benita ang closet ni Allan. Nang matantiya niyang hindi siya kakasya sa loob ay nag-panic siya.

"Benita!" muling pagtawag ni Samuel sa asawa.

Sa pagkataranta ay muntik pang ma-out balance si Benita. Iyon naman ang naging dahilan kung kaya nito naisip na magtago sa ilalim ng kama. Nang makapasok siya sa ilalim nito ay tiyempo namang kumatok ng malakas si Samuel sa may pinto. "Open the door!"

Sinadya ni Allan na iparinig kay Samuel ang pag-flush ng bowl sa C. R.

"Coming!" Pinagbuksan ni Allan ang kaibigan.

"I know she's here!" Matalim ang mga titig nito sa kaniya.

Napalunok siya ng laway. Hindi niya ito napaghandaan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan lalo at kabuntot nito ang batang si Harry. "S-she's "

"It's mommy's bag!" Agad na nilapitan ng bata ang nahulog na hand bag ng kaniyang ina. Pagdampot nito sa bag ay napasilip si Harry sa ilalim ng kama. "Mommy!"

Ang sumunod na eksena ay ang naging sagutan nina Samuel at Benita sa loob ng apartment unit ni Allan. Inilayo naman ni Allan doon ang bata upang hindi nito marinig ang bangayan ng mag-asawa.

"You left our house to covet my own best friend?!"

"No! You're ridiculous!" Umiiyak na tumatanggi si Benita. "I want out of your life, Samuel! You don't value me anymore!"

"What are you talking about? I've made my nights like days just to give you an extravagant life!"

"That kind of life is not what I've wanted!"

"And what do you want? Someone like Allan who is married to your best friend? You want to stay here because his family is not here?" "No!... no!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report