The Billionaire's Prize Wife -
Chapter 50
HABANG pimagmamasdan ni Jemima ang kaniyang kabuuan sa harap ng salamin ay napahaplos siya sa umbok ng kaniyang tiyan.
"I can't wait to see you, baby." May bumahid na lungkot sa kaniyang damdamin. "But your father's not with us," anas niya habang tinitingnan ang kaniyang tiyan. Naupo siya sa kama at nag-isip ng malalim.
Ilang sandali lang ay nagulat si Zorayda sa pagtunog ng telepono. Agad niya itong sinagot. "Hello!" "Ma!"
"Jemima! Napatawag ka?"
Bumuntunghininga muna si Jemima bago muling nagsalita. "Ma, I was thinking... what if I'd resign?"
"What? Why?" Agad niyang nahinuha na nasasaktan pa rin ang anak sa naging kalagayan nito. "No, don't do that, anak. Huwag kang padalos-dalos nang pagdedesisyon."
"But, ma!..." naiiyak na siya sa naiisip niyanv baka hindi na siya balikan ng asawa niya.
Malumanay ang boses niyang kinausap ang anak. "Ano ba ang gusto mong buhay, anak? Gusto mo bang maging plain housewife? Hindi naman iyan masama, pero I know you, may pagka workaholic ka."
Sandaling natahimik ang anak, tinatantiya kung paano niyang ipapaliwanag sa ina ang mga bagay na pumapasok sa isipan niya.
"Nahihirapan ka na ba sa trabaho, anak? You can file a vacation leave then follow it with a maternal leave. Puwede iyan, malaki na naman ang tiyan mo." Idiniin niyang mabuti ang tenga niya sa telepono para wala siyang ma-miss sa mga sasabihin ng anak.
"I-it's not about work, ma..." she gathered her strength not to cry, sininok naman siya.
"Anak,..." Hindi niya tiyak kung paanong paglubagin ang kalooban ng anak. Hindi niya ito mayayakap para aluin. "I suggest that you talk to your husband. Pag-usapan n'yong mabuti iyan, anak."
"But I don't want to talk to him," aniya na gumaralgal ang boses. "I don't want him anymore!" Tuluyan nang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Jemima. "I don't care if he comes back or not! Bahala na siya sa buhay niya, ma!" "Anak, you are hurt. Let your tears fall. Butcas soon as it dries, think about what you really want, and what you want for your child. Also, think about what your child might want. Mahirap ang magdesisyon na nasasaktan ka. Think it over." "Ano pa ba ang dapat kong isipin, ma? Iniwan ako ng asawa ako. Isinoli niya ako sa inyo na parang panis na pagkain! Wala na namang natitirang choice kundi ang tanggapin ko na sooner or later ay magiging single mother ako! Kaya dapat ko nang paghandaan."
"No. Anak, cool it down. Nag-o-overthink ka lang. Baka hormones mo iyan kaya nagiging emotional ka. You love each other, 'di ba? Hold on to it."
Sa narinig ay saglit na napaisip si Jemima. "Love? I don't know, ma... we're not like you and papa. We're not any of the couple I know."
Napabuntunghininga naman ang ginang sa narinig sa anak. "You don't compare relationships, anak. Ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa kaniya? What kind of love are you looking for?" Naaawa man si Zorayda sa anak pero hindi niya ito puwedeng panigan sa iniisip nito. Ayaw niyang sabayan ang pagbuhos ng emosyon ng anak.
Pagsisisihan ba nilang magkaibigan ang ginawa nilang kasunduan? Dahil sa pamomroblema sa anak ay tuluyan na siyang dinala ng isipan sa nakaraan.
Nakatayo silang dalawang magkaibigan sa may arch ng Nanyang University habang hinihintay sina Samuel Sy at Allan Te. Wala silang pasok kaya napagkasunduan nilang mamasyal.
"You should promise, then," ani Benita kay Zorayda.
"Okay." Itinaas niya ang kanang kamay para mangako pero agad na kinuha ni Benita ang kaniyang kamay. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila.
"This is the way we swear."
"Alright."
Sa ganoong tagpo sila naabutan nina Samuel at Allan.
"What are we missing, ladies?"
Agad na nilapitan ni Zorayda ang boyfriend niyang si Allan. "We have a deal."
"A deal? What is it?"
"Is it a million dollar deal?" pagbibiro naman ni Samuel habang inilahad ang kamay kay Benita, at magkahawak-kamay silang naglakad.
"We've just arranged the marriage of our first born son and daughter," malambing namang sagot ni Benita kay Samuel.
"Really!" Nagkatinginan ang dalawang lalaki na parang hindi makapaniwala sa narinig nila. "What if they're all boys?"
"Then we have to make more children, I guess," pagbibiro naman ni Allan.
"Oh, you both are making it hard for us." Nakangiting umiling-iling si Benita kay Zorayda, at tiningnan sa mukha ang katipan. "It is fixed, so you better cooperate," pinanlakihan pa niya ito ng mga mata saka pinapungay ito, at nginitian ang nobyo.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"As you wish, Your Highness," malambing namang sabi ni Samuel sa nobya.
Nakarating na sila sa harap ng waterfall ng Yunnan Garden ay ang tungkol pa rin sa arranged marriage ng kanilang mga magiging anak ang usapan nila.
Ngingiti-ngiting nagbiro si Allan sa dalawang babae, "so, once they quarrel, you would quarrel, too?"
"Yeah,--"
"No!" agad na pagtanggi ni Benita sa isinagot ng nobyo.
"They fight, we fix," sabay na pahayag ng mga babae.
"Oh, amazing!" inakbayan pa ni Allan ang nobya, "but I don't know if it would be right to fix everything for them."
"Oh, honey!..."
Hinapit naman ni Samuel ang bewang ng nobya. "I believe in this plan."
"You do?"
Nakita niyang namituin ang mga mata ni Benita dahil sa sinabi niya. "Yes. And I'm willing to produce as many children as we can, so their children could choose whom to marry from our family." Ngumiti naman ng hilaw si Benita sa nobyo. "Sounds fun, huh!" Umaray naman si Samuel dahil kinurot niya ito sa tagiliran.
"Oh, I support this plan, too," natatawa namang sabi ni Allan.
Tinitigan naman ni Zorayda sa mata ang nobyo.
"What?..." hinagkan niya sa noo ang babae. "You're the boss, honey." Pinanghawakan naman ni Zorayda ang sinabing iyon ni Allan.
Mula noon, tila naging tagapagpaalala na nila ang Nanyang University at ang buong Yunnan Garden sa kanilang naging kasunduan. Hindi ito nawawala sa kanilang topic sa tuwing magkasama silang namamasyal dito. Sa isip ni Zorayda ay namalagi ang kasunduang iyon hanggang sa dinala sila ng panahon sa kani-kanilang situwasyon. Natupad ang lumang kasunduan, na pinatungan naman ng kasunduan sa negosyo nina Samuel Sy at ni Allan Te.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
...
Buo na ang desisyon ni Jemima. Hahanap siya ng sariling kapalaran. Sisikapin niyang makagawa ng sariling marka sa lipunan na hindi umaasa sa anino ng kaniyang mga magulang, lalo na sa ilalim ng anino ng kaniyang asawa. Nagbago man siya ng apelyido, siya pa rin ang Jemima na matapang at malakas na humaharap sa mga hamon ng buhay.
Natagpuan niya ang sarili sa isang mall, particularly sa pregnant section ng mga damit. Abala siya sa pamimili ng mga damit na bibilhin. Gusto niya ay isang maternal dress na bagay isuot sa opisina. Balak niya kasing mag-resign sa kumpanya at maghanap ng ibang papasukan.
Kinuha niya ang isang blue dress na kumportable at pormal tingnan. Sinipat niya itong maigi.
"Bagay iyan sa iyo, Ma'am."
Nilingon ni Jemima ang pinanggalingan ng boses. Nakangiting lumapit sa kaniya ang guwapong lalaking nakasuot ng dark blue na V-neck shirt at ini-offer nito ang kamay sa kaniya for a handshake. "I'm Vince Schuck, owner of this shop." Nakipagkamay naman si Jemima sa lalaking kaharap. "Jemima Te... Sy." Tila kinurot ang puso niya sa tila ginawa niyang paglimot sa apelyido ng asawa.
"Nice meeting you, Miss Sy,--"
"Misis," agad niyang pagtama sa lalaki.
"Oh, I see," ngumiti ito na may pagpapaumanhin. "I'm also the senior designer here, Mrs. Sy."
"No wonder your name rang a bell!" Tila naman nakakita ng iniidolong sikat na personality na nginitian niya ng matamis ang kausap. "Oh, wow! It's an honor to meet you!"
"It's my pleasure!" Iginiya niya si Jemima sa isang sulok kung saan may stool. "Have a seat." "Thank you!"
Pinagmasdan niyang mabuti si Jemima from head to toe, at saka nakangiting tumango-tango. "You know, I could give you that dress, and more, if you will work for me. I could even support you the cutest baby dresses in town." Tiningnan niya si Jemima sa mata, sinuri kung nakumbinsi ba niya ang babae sa mga sinabi niya.
Natigagal naman ng saglit si Jemima. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi siya agad nakapagsalita, pero sa loob-loob niya ay tuwang-tuwa siya. Hindi naman siya after sa damit. At kaya naman niyang bumili ng anumang damit na magustuhan niya. Pero iyong alukin siya ng trabaho ng kaharap ay hindi niya inasahang mangyayari. Parang isang wish come true na agad ibinigay sa kaniya. Kay bilis naman siyang pinagbigyan ng langit!
"Please consider it," nagpa-cute pa ng mga mata ang lalaki with his convincing tone. "As you can see, bagay sa iyo ang most of the dresses here. And you see, I rarely visit this branch. Kaya baka pinagtagpo tayo ng mga ninuno natin dito to start a new journey together." Saglit siyang napaisip, "oh, well, 'wag na nating idamay pa ang mga ninuno natin. Maybe it's the sun, the moon, the stars, or whatever. In short, here we are." Tila nagsusumamo kay Jemima ang itsura niya, "so, are you in?"
"What work?"
Napatda naman si Vince ng saglit. Sa dami ng sinabi niya sa babae ay hindi pa pala niya nasabi ang detalye ng job offer niya rito. Napangiti siya ng abot tenga. "This is a good day, isn't it?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report