Skyler's Pov

Masayang masaya kami ni prince Alex sa pagtulong kay manang sa pagtinda ng mga gulay niya.

Ako ang nakatoka sa pakikipag-usap sa mga taong bumibili habang si prince Alex naman ang naglalagay sa supot ng mga binibili nila at si manang naman siyempre ang naghahawak ng mga benta namin ngayong araw. "Miss bumili ka na ng mga gulay na binebenta namin sariwang sariwa pa ito" sabi ni prince Alex sa isang babae at binigyan niya ito ng isang ngiti.

Hindi naman maitago sa mukha ng babae na kinilig ito, nainis naman ako bigla dito sa lalaking to bakit niya pa kailangang magpa-cute sa babaeng to?

"Ahm masarap ba talaga ang mga gulay na tinda niyo?" Malanding tanong nung babae kay Alex

"Oo naman miss tingnan mo oh ang gaganda ng mga kulay kasing ganda mo" nakangiting saad ni Alex sa kaniya

"Talaga ba? Sige na nga bibilhin ko to" sabi niya at abot ng gulay doon kay Alex, nakita ko pang sadyang hinawakan ng babae yong kamay ni Alex at parang wala lang ito sa kaniya.

Inilagay ni prince Alex iyon sa supot bago binigay sa babaeng nasa harap namin na sobra sobra na ang ngiti.

"Thankyou miss beautiful" pasasalamat ni Alex dun sa babaeng iyon at umalis na ito.

Tumingin naman sa akin si Alex pero inirapan ko lang ito.

"Nay eto po yung bayad niya oh" inabot ni Alex ang bayad kay manang

"Naku Iho ang daming babaeng nagpupunta rito dahil sa kagwapuhan mo❞ sambit ni manang kay Alex

"Wala iyon Nay para na rin makarami kayo ng benta ngayong araw" saad ng prinsipe.

Tiningnan muli ako nito at nginitian ako na tila ba nang aasar.

"Bakit nakakunot ang noo mo Sky? Nagseselos ka ba?" asar na tanong nito sa akin

"Kapal mo naman bakit ako magseselos?" inis na sagot ko rito

"Huwag ka na mag selos Sky ginagawa ko lang yon para makatulong kay nanay Editha" patuloy pa rin ang pang-aasar nito sa akin

"Baliw ka na!" yan lang ang naging sagot ko at pinagpatuloy na namin ang pagtitinda.

Mabilis na lumipas ang oras at mga alas dose pa lang ng tanghali ay naubos na agad ang mga panindang gulay ni manang dahil na rin sa tulong ni prince Alex.

"Naku mga iho maraming salamat sa inyo hindi ako makapaniwalang mauubos agad sa mabilis na oras ang mga paninda ko❞ masayang saad ni manang sa amin. "Masaya po kami para sa inyo manang" wika ni prince Alex

"Mabuti pa manang ay umuwi na tayo at sigurado akong matutuwa rin sila Andoy at Denden sa magandang balitang hatid niyo" sabi ko sa kaniya

"Tama ka diyan iho kaya tara na at magligpit na tayo" sambit ni manang at tinulungan naman namin siyang magligpit.

"Aalis ka na agad Editha?" biglang salita ng isang lalaki sa likod namin

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Nilingon namin ito at nakita namin ang isang lalaki na naka uniporme pa na parang isang mataas na kawal ng palasyo, may kasama itong dalawang malalaking lalaki at ang tatapang ng mga itsura nito. "A-amos?" utal na saad ni manang ng makita ito

"Ako nga Editha kaya bago ka umalis ay ibigay mo na ang kailangan ko" matapang na saad nito

"At ano naman ang kailangan niyo kay Nay Editha?" tanong ni prince Alex sa kaniya

"Ang bayad niya sa kaniyang pwesto!" sagot ng lalaking nag ngangalang Amos.

"Sa pagkakaalam ko ay binanggit ng hari na libre ang mga pwesto ng mga tao rito sa bayan" wika ni prince Alex

"Ngunit nasaan ang hari? Diba wala? naroon siya sa kaniyang palasyo at nagpapakasarap❞ kita kong nainis si prince Alex dahil sa sinabi ni Amos

"Sapat bang dahilan iyan para abusuhin mo ang mga nagtitinda rito sa bayan?" tanong ko sa kaniya.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan sa harap ko! Baka gusto mong makatikim sa mga alagad ko❞ Matapang na saad nito sa akin

"Ah-eto na Amos ang bayad ko sa pwesto rito wag mo lang sasaktan ang mga bata" wika ni manang sa kaniya at agad naman itong kinuha ni Amos

"Magbabayad ka rin pala pinatagal mo pa at pagsabihan mo nga yang mga batang yan hindi ata nila kilala kung sino ako" sambit nito sa amin at umalis na.

"Naku mga iho ayos lang ba kayo? Nag-aalalang tanong sa amin ni manang

"Nay Editha ayos lang po kami, bakit niyo naman po hinayaang singilin kayo nung Amos na iyon para sa pwesto niyo eh libre po ito" sabi ko sa kaniya

"Hayaan niyo na yon mga iho at isa pa matagal niya ng ginagawa iyon" sagot ni manang

"Sino po ba yon Nay? Bakit ang lakas ng loob niyang takutin kayo?" tanong ko pa sa kaniya

"Siya ang itinalaga ng hari na mamuno rito, naaalala ko pa siya pero hindi niya ako nakilala dahil bata pa ako nung pumunta siya sa palasyo" seryosong sagot ni prince Alex "Tama ka iho pero anong sinabi mong palasyo? Doon ka ba nakatira?" pareho kaming natigilan sa sinabi ni manang

"Ah wala po iyon Nay Editha wag niyo na lamang isipin, kayo ho ayos lang ba kayo?" sagot ni prince Alex

"Oo iho ayos lang ako mabuti pa siguro ay umuwi na tayo para makapag pahinga na rin kayong dalawa" sabi ni manang

"Mabuti pa nga po iyan nay" wika ko.

Hindi ako makapaniwalang ang tagapamahala pa mismo rito sa bayan ang nang aabuso sa mga nagtitinda rito na dapat siya ang takbuhan ng mga tindera kapag sila ay may mga problema.

Mabuti ay nalaman agad namin ni prince Alex kung sino ang taong nang aabuso rito sa bayan kaya madali na lamang sa amin na tapusin ang pang-aabuso dito.

Mahalaga para sa amin ni prince Alex na matulungan ang mga tao rito lalo na kay Alex dahil malapit na siyang maging ganap na prinsipe at tutulong na siya sa pagtataguyod ng kaayusan dito sa loob ng kaharian. Iniligpit na namin ang mga ginamit namin at kahit na may nangyaring di maganda ay pinilit pa rin naming maging masaya sa pag-uwi.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report