The Possessive Prince -
CHAPTER 22
Skyler's Pov
Hindi man naging maganda ang araw namin kanina ay masaya pa rin kaming umuwi sa bahay nila manang.
Hindi rin halata kay manang na nalulungkot siya marahil ay sanay na ito sa mga nangyayari sa bayan.
Nang maka-uwi kami sa bahay nila manang ay sinalubong kami ng mga anak ni manang.
"Nay!" masayang sigaw ni Denden ng makita ang nanay niya.
"Oh anak ko naging mabait ka ba kay kuya Andoy mo?" tanong ni manang kay Denden
"Opo" sagot ni Denden
"Very Good ah! Dahil diyan may pasalubong ako sayo" wika ni manang at kinuha niya ang binili niyang tinapay kanina sa bayan
"Wow sarap!" wika ng bata at kinuha niya na ang tinapay kay manang
Naupo na kami sa may sala at doon namin pinagpatuloy ang aming kwentuhan.
"Nay bakit ang aga niyo po ata umuwi ngayon?" tanong ni Andoy
"Ay anak mabilis kasing naubos ang mga paninda ko dahil sa tulong nitong dalawa" sagot ni manang
"Ganon ho ba? Salamat Sky ha at tinulungan mo si nanay" nakangiting saad nito sa akin
"Si Sky lang ba ang pasasalamatan mo?" biglang tanong ni prince Alex kay Andoy
"Salamat pre" walang ganang sagot ni Andoy sa kaniya.
Nakit ko naman na nainis doon si prince Alex pero hinawakan ko ang kamay nito bilang pagpigil. "Siningil na naman ho ba kayo ni Amos sa pwesto niyo?" tanong ni Andoy kay manang
"Wala namang bago anak alam mo naman na yun" sagot ni manang
"Pero Nay dapat hindi kayo pumapayag na abusuhin kayo nung lalaking yun" wika ni Andoy
"Wala naman akong magagawa anak dahil makapangyarihan sila at kapag di ko sinunod ang gusto nila ay pwede nila akong tanggalin sa pwesto ko❞ sambit ni manang
"At hindi pwedeng mangyari iyon dahil ito na lamang ang pinagkakakitaan natin" dugtong pa nito
Nalungkot naman ako dahil sa sinabi ni manang at alam kong ganun din ang nararamdaman ni prince Alex pero wag kayong mag-alala nay kasi nandito kami para wakasan na ang pang-aabuso na nangyayari sa bayan. "Kasalanan ito ng hari eh!" matigas na saad ni Andoy
"Wag mong isisi sa hari ang lahat pre!" sagot ni prince Alex sa kaniya
"At bakit hindi? Kung pumupunta sana siya rito sa bayan edi sana makikita niya ang mga nagaganap sa bayan edi sana natulungan niya kami" litanya ni Andoy, damang dama ko sa kaniya ang galit niya para sa hari. "Hindi ginusto ng hari na mangyari ang lahat ng ito, nagtiwala lang siya masiyado sa Amos na yun at inakala niyang magiging maayos ang pamamahala niya dito sa bayan" banggit ni prince Alex "Bakit mo ba pinagtatanggol ang hari? Nakita mo na ba siyang tumulong dito?" napansin kong natigilan si prince Alex dahil sa sinabi ni Andoy.
"Naku mga bata kayo wag kayong mag-away dahil sa pangyayari kanina ayos lang iyon❞ sita sa kanila ni manang
"Tama si Nay Editha, naniniwala ako na walang may gusto sa nangyayari dito sa bayan" wika ko
"Oh siya sige magpahing muna kayong dalawa sa silid niyo at maghahanda muna ako ng hapunan natin, tatawagin ko na lamang kayo kapag handa na ang lahat" sabi ni manang sa amin "Tulungan ko na po kayong maghanda ng hapunan Nay Editha" alok ko rito
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Hindi na iho kaya ko na ito at isa pa labis na ang tinutulong niyo sa akin, magpahinga na lamang muna kayo saglit dahil alam kong maaga kayong nagising kanina" sabi ni manang "Sigurado po ba kayo Nay?" tanong ko
"Oo iho kaya pumasok na kayo sa silid niyo at si Andoy na lamang ang tutulong sa akin sa paghahanda ng hapunan" sambit ni manang.
Pumasok na kaming dalawa ni prince Alex sa silid namin at agad kami g nahiga sa kama, parehas kaming nakatingin sa bubong nitong silid.
Sinilip ko si prince Alex at nakita ko naman na seryoso itong nakatingala sa bubong at tila ba ang lalim ng iniisip.
"Alex may problema ba?" tanong ko rito at tumagilid ako paharap sa kaniya
"Iniisip ko lang ang sinabi ni Andoy, siguro nga ay kasalanan namin kung bakit nangyayari ito sa kanila ngayon" seryosong saad nito
"Alex wag mong isipin yan, nagtiwala lang talaga kayo sa Amos na iyon at hindi niyo naman ginusto na mangyari ang lahat ng ito" pagpapakalma ko sa kaniya
Tumagilid rin ito paharap sa akin at ngayon ay magkatitigan kaming dalawa.
"Salamat Sky lagi mong pinapagaan ang loob ko" sabi niya sa akin
"Ayos lang iyon Alex masaya ako na nakakatulong ako sayo" wika ko
"Hayaan mo at bukas na bukas ay matatapos na ang pang-aabuso rito sa bayan" sambit ni prince Alex
"Ha? Paano naman?" tanong ko
"Tatawagan ko si Ama mamaya at sasabihin kong pumunta sila rito bukas upang makita nila kung sino ang nasa likod ng mga pang-aabuso rito sa bayan" sabi nito sa akin "Maganda nga iyan prince Alex ibig sabihin mapapa-aga pala ang uwi natin sa palasyo?" saad ko
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Tama ka Sky bakit ayaw mo ba nun? Mukhang nasasayahan ka ata na makatabi ako sa pagtulog ha? Wag kang mag-alala pwede mo naman ako tabihan matulog sa palasyo sabihan mo lang ako" mayabang na saad nito sa akin "Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha mo" wika ko at umiwas ng tingin sa kaniya
"Uy hindi makatingin ibig sabihin totoo nga, bakit di mo na lang aminin sa akin?" asar nito sa akin.
"Tigilan mo ako Alex baka gusto mong iwan kita dito mag-isa at matutulog ako sa tabi ni Andoy" nagbago naman ang ekspresyon ng kaniyang mukha dahil sa sinabi ko
"No! Hinding hindi mangyayari yan Sky sa tabi lang kita dapat palagi" sambit nito sa akin
"Hahahaha kakatawa yung reaksyon mo" tumatawang saad ko rito
"Nakakatawa pala ha!" wika nito at bigla akong kinilit
"Haha A-lex ta-tama na!" wika ko
"Ano ngayon sinong nakakatawa?" sabi nito at patuloy pa rin sa pangingiliti sa akin
"W-wala hahaha t-tama na hahaha" wika ko at buti na lang ay tinigilan na ako nito.
"Good, matulog na tayo para makabawi tayo ng lakas" saad nito at bigla akong niyakap papalapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko
"Niyayakap ka, hindi ba obvious?" sabi nito habang nakapikit
"Alam ko pero bakit mo ako niyayakap?" tanong ko
"Gusto ko eh at alam ko namang gusto mo rin kaya wag ka ng umangal diyan at matulog na tayo" sabi nito
Hindi na nga ako umangal dahil totoo naman na gusto ko haha, natulog kaming dalawa ng magkayakap.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report