The Possessive Prince -
CHAPTER 24
Skyler's Pov
Nang maka-uwi kami sa palasyo ay pinadiretso kami ng hari sa sala at ganun na lamang ang aming pagkagulat dahil napakaraming pagkain ang nakahain sa aming lamesa. Tila ba parang may isang piging na magaganap dito sa palasyo, narito na rin ang mahal na reyna at ang mga kasambahay na abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga pagkain. "Ama ano pong meron at napakarami ng mga pagkain ngayon?" tanong ni prince Alex sa hari
"Ano pa ba anak? Ipagdiriwang natin ngayon ang inyong tagumpay ni Skyler sa pinagawa ko sa inyo sa bayan" masayang sagot ng hari
"Pero Ama hindi na po ito kailangan" wika ng prinsipe
"Oo nga po Amang hari sapat na po na may naitulong kami rito sa kaharian" dugtong ko
"Hayaan niyo na kami ni Lisandro at natutuwa lang kami dahil marunong na kayong kumilos para sa ikabubuti ng kaharian" sagot ng reyna at hindi na namin pa sila pinigilan pa sa gusto nila tutal nakahanda na rin naman lahat. "Tama si Amalia kaya magsi-upo na tayo at kumain kayo ng marami" pagkasabi nun ng hari ay umupo na rin kami at masaya kaming kumain.
"Mabuti naman pala at nakahanap kayo ng matutuluyan niyo habang kayo ay nasa bayan" bigkas ng hari habang kami ay kumakain.
"Opo Ama meron pa rin pong mababait na tao sa bayan kahit po ganun ang lagay ng kanilang pamumuhay" sagot ni prince Alex
"At isa pa po ay nakilala na po namin dati pa si Nanay Editha kaya maswerte po talaga kami" dugtong ko pa
"Mabuti para sa inyong dalawa lalo na sayo Alexander dahil malapit na ang araw na magiging ganap ka ng prinsipe" banggit ng hari
"Opo Ama at ipapangako ko pong pagbubutihin ko ang pagiging prinsipe ng kaharian na ito" sabi ni prince Alex
Sa tingin ko naman ay magiging maayos si prince Alex sa pamumuno rito sa kaharian at alam kong magugustuhan siya ng mga tao bilang isang pinuno.
"Kaya anak kailangan mo na talagang magkaroon ng kabiyak para tumulong sa iyo hayaan mo at ipapakilala kita sa anak ng kaibigan kong reyna din❞ natigilan naman ako sa sinabi ng reyna at para bang may tumusok sa puso ko.
"Ina hindi ko pa po yan iniisip at isa pa ay may napupusuan na po ako" sagot ni prince Alex
"At sino naman ang iyong napupusuan anak? Bakit hindi mo dalhin rito sa palasyo para makilala namin ng iyong ama" sabi ng reyna
"Sapagkat sinisigurado ko pa ang nararamdaman ko para sa kaniya" di ko alam kung bakit tumingin si prince Alex sa akin ng sinabi niya iyon.
"Hayaan muna natin si Alexander sa buhay niya at isa pa desisyon niya kung sino ang magiging kabiyak niya" di na sumagot ang reyna dahil sa sinabi ng hari.
Heto ako at nakikinig lamang sa kanila at parang gusto ko na lamang umalis dahil ayaw kong marinig ang usapan nila lalo na kung patungkol ito sa magiging kabiyak ni prince Alex.
Kahit naman na alam kong imposible na maging kami ay masakit pa rin sa damdamin na marinig ang mga ganitong usapan.
Nang matapos kami sa aming pagkain ay dumiretso ako sa silid ni prince Alex dahil gusto niya muna akong tumambay roon.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong ko kay Alex pagkapasok namin sa kaniyang silid
"Bakit ano bang gusto mong gawin natin?" nakangisi nitong tanong sa akin.
"Kung aasarin mo lang ako mabuti pang umalis na ako" sabi ko at tumalikod sa kaniya pero agad niyang hinawakan ang braso ko.
"Eto naman hindi mabiro, gusto ko lang naman mahiga kasama ka❞ nahiya naman ako bigla sa tinuran nito
"Baliw ka ba? Bakit mo naman gusto ako makatabi sa pagtulog mo?" tanong ko
"Sige na Sky napagod kasi ako kanina sa pagtitinda eh para naman makabawi ako ng lakas" paawa nitong sambit sa akin
"Bahala ka sa buhay mo Alex pagod rin ako at doon na lang ako sa silid ko magpapahinga" wika ko
"Sige mamili ka kiss mo ako o tatabi ka sa akin sa pagtulog?" nabigla naman ako sa sinabi nito
Bakit kaya adik sa halik itong lalaking to?
"Ah Wa-wala akong pipiliin" utal kong sagot
"Kapag wala kang pinili hahalikan kita diyan sa kinatatayuan mo hanggang kapusin tayo sa hininga" pananakot nito sa akin. "Argh sige na nga tatabihan na lang kita" parang wala lang na sagot ko
"Nalulungkot tuloy ako parang pinapalabas mo na ayaw mo akong halikan" nakasimangot nitong sambit sa akin.
"Bahala ka diyan hihiga na ako dito" sabi ko at humiga na sa kama niya.
Tumabi naman agad ito sa akin at siyempre ano pa nga ba niyakap niya ulit ako at lihim naman akong napangiti dahil doon.
Ang sarap ng pakiramdam na makatabi siya sa pagtulog habang yakap namin ang isa't isa at di ko na napigilan pa ang antok at nakatulog na ako.
*************
Madilim na ng magising kami at dahil iyon sa malakas na katok, parang walang awa ang kumakatok at gustong sirain ang pinto.
Bumangon naman si prince Alex at ako naman ay pinapanood lang siya, binuksan niya ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan niyang si prince Khalix. "Anong kailangan mo?" walang ganang tanong ni prince Alex
"Woah wala man lang bang Hi or Hello?" sabi ni prince Khalix
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo Khalix istorbo ka sa pagtulog namin ni Sky" wika nito
"What? Katabi mo matulog si Skyler?" rinig kong tanong ni prince Khalix
"Yeah ano naman?" sabi sa kaniya ni Alex
"Patingin nga ako bro baka kung ano ng ginawa mo sa kaniya" sabi ni prince Khalix at pilit na niluluwagan ang pinto pero pinipigilan ito ni Alex "No hindi mo siya pwedeng makita kaya sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin" sambit ni prince Alex
Hindi ko na narinig pa ang usapan nila dahil mahina na ang kanilang mga boses.
Ilang saglit lang ay pumasok na muli si prince Alex sa silid.
"Anong sabi ni prince Khalix bakit napasugod ata siya rito?" tanong ko
"Birthday niya sa sabado at yun din ang araw na magiging prinsipe na siya" sagot niya sa akin at muling humiga sa tabi ko "What? May regalo ka na ba para sa kaniya?" tanong ko
"Hindi niya na kailangan nun mayaman na siya" sagot nito habang naka pikit
"Kahit na Alex, bukas ay bilhan natin siya ng regalo" wika ko at nakita kong napadilat siya dahil doon.
"May gusto ka ba kay Khalix at gusto mo siyang regaluhan?" seryosong tanong niya sa akin
"Wala no siyempre kaibigan mo siya kaya dapat ay regaluhan mo siya at isa pa minsan lang yun sa isang taon" paliwanag ko
"Ok Fine pero ngayon ay humiga na ulit tayo di pa sapat ang tulog ko" sambit nito sa akin at hinila ako pahiga.
Wala na akong nagawa at niyakap niya muli ako.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report