Skyler's Pov

"Ano bang mga hilig ni prince Khalix sa buhay?" tanong ko kay prince Alex

Narito kami ngayon sa department store ng mall na lagi naming pinupuntahan, huwebes pa lang ngayon at naisipan ko ng bilhan si prince Khalix ng regalo para wala na kaming iisipin pagdating ng kaarawan niya. "Hindi ko alam" walang ganang sagot ni prince Alex sa akin habang nag-iikot kami rito sa department store

"Prince Alex naman kaibigan niyo yun kaya dapat alam niyo" wika ko rito

"Sinabi ko na kasi sayong wag na natin siyang bilhan pa ng regalo kaya niya naman bilhin kung ano gusto niya" sagot nito sa akin.

"So hindi mo talaga sasabihin sa akin kung anong mga hilig niya?" tanong ko at tumingin naman siya sa akin.

"Hindi" diretsong sagot nito, aba sinusubukan ata ako nitong prinsipe na to.

"Ok so kapag hindi mo sinabi kung ano ang mga hilig ni prince Alex ay hindi na rin ako papayag tumabi sayo matulog" natigilan siya sa paglalakad dahil doon.

"Fine, mahilig siyang mangolekta ng mga collectible toy cars" sagot nito sa akin

"Tutulong ka rin pala pinahirapan mo pa ako" sabi ko rito

"Takot ko lang sayo" wika nito na ikinatawa ko.

Pumunta kami sa toy section ng department store na ito at doon namin nakita ang napakaraming collectible toy cars at ang mamahal ng mga ito.

"Prince Alex ang mahal pala nito iba na lang kaya ang bilhin natin" sambit ko sa kaniya

"Ok na yan Sky at isa pa ako naman magbabayad kaya wag kang mag-alala" simpleng sagot niya sa akin.

Wala siyang pake kung mahal pa ang mga ito kasi marami naman siyang pera, siya kaya ang prinsipe ng kaharian na ito.

"Miss, ano yung bagong labas na collectible toy cars niyo?" tanong ni prince Alex sa sales lady.

"Ah mahal na prinsipe ito pong Ferrari toy car" sabi nung sales lady at inabot sa akin ang naka box na kotseng laruan.

Tiningnan ko ang presyo at ang mahal pala talaga ng mga ganito.

"Prince Alex 8, 500 pesos siya, wala bang iba miss yung mas mura?" tanong ko sa sales lady

"No sky, sige miss kukunin ko na yan pakibalot na rin yan pang regalo" pagkasabi nun ni prince Alex ay kinuha na sa akin ng sales lady ang laruan at inasikaso niya na ito.

"Prince Alex hindi ba masiyadong mahal ang bagay na iyon para sa isang laruan?" tanong ko sa kaniya

"Alam mo Sky iba kasi ang nagagawa ng mga laruan na yan kay Khalix at isa pa mas mahal pa diyan ang ibang collection ng lalaking yun kaya wag mo na isipin yung presyo" sagot niya sa akin "Ok sabi mo eh" saad ko kay prince Alex.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga mayayaman dahil parang wala lang sa kanila ang gumastos ng malaking halaga.

Kahit naman na anak ako ng hari at reyna ay hindi ko naranasang makahawak ng malaking pera dahil maagang nawala ang aking mga magulang.

"Sky tara na!" biglang sabi ni prince Alex sa akin.

Di ko namalayan na tapos na palang balutin ni ate ang binili naming regalo para kay prince Alex, nagsimula na ulit kaming maglakad dito sa department store. "Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kaniya

"Hindi pa❞ simpleng sagot nito sa akin

"Edi saan pa tayo pupunta?" tanong ko kay prince Alex

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Basta sumunod ka na lang at bakit ba ang dami mo laging tanong" tila inis na sambit nito sa akin.

"Eh gusto ko eh" wika ko.

Huminto kami sa paglalakad ng matapat kami Men's Section ng department store na ito.

"Anong gagawin natin dito? May bibilhin ka ba?" tanong ko sa kaniya

"Bibili tayo ng damit na susuotin natin para sa birthday ni Khalix hindi naman pwedeng naka pang-bahay lang tayo doon.

"Tayo?" takang tanong ko sa kaniya.

"Oo kasi bibilhan na rin kita, gusto ko bago ang susuotin mo doon dahil hindi naman basta bastang pagdiriwang ang magaganap na iyon" paliwanag ng prinsipe "Sigurado ka? May tuxedo pa naman ako sa silid ko yung binigay mo dati" sambit ko sa kaniya

"Luma na yun Sky at oo sigurado ako kung iisipin mo na naman ang gagastusin ay ako na ang bahala doon at hindi ka pwedeng umangal" diretsong saad nito sa akin. "Sige ikaw bahala" yan na lang ang naisagot ko dahil hindi na ako makakatanggi pa.

Tama naman siya na hindi basta bastang birthday celebration lang iyon dahil yun rin ang araw na magiging ganap na siyang prinsipe ng kaharian nila.

"Miss pwede bang hanapan mo kaming dalawa ng tuxedo na babagay sa amin at gusto ko yung bago" sambit ni prince Alex sa sales lady.

"Sige po mahal na prinsipe bigyan niyo lang po kami ng ilang saglit" paki-usap ng sales lady na tinanguan lang ni prince Alex.

Matapos ang limang minuto ay bumalik na siya agad sa amin dala ang dalawang tuxedo na napakaganda at sa tingin ko ay babagay ito sa aming dalawa. "Wow ang ganda at mukhang kasiya na to sa atin" banggit ko sa kanila

"Ah yes po kasi tinitingnan ko pa lang po kayo ay alam ko na ang babagay at kakasya sa inyong damit" paliwanag ng sales lady.

"Talaga ba? Ang galing mo naman" puri ko sa sales lady.

"Trabaho niya yan Sky kaya madali lang sa kaniya gawin yun so stop complimenting her" nakakunot ang noo ni prince Alex habang sinasabi niya iyon. Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon ng sales lady.

"Ah pag pasensyahan mo na tong si Prince Alex ha, magkano pala tong dalawang tuxedo?" tanong ko

"Uhm 50, 000 pesos po ang total kasi 25, 000 ang isa" nagulat naman ako sa presyo ng dalawang tuxedo na ito.

"Ok we will buy it, paki-ayos na yang mga yan" seryosong sambit ni prince Alex

"Masusunod po mahal na prinsipe" sabi ni ate at inayos niya na ang mga damit.

"Hindi mo naman kailangang maging rude sa sales lady" sita ko sa kaniya.

"Wag mo siyang ipagtanggol Sky mas lalo lang akong naiinis" wika nito sa akin. "Bakit ka ba kasi naiinis?" tanong ko rito

"Wag mo kasing ngitian yung babaeng yun para di ako mainis" sagot niya sa akin.

"Natutuwa lang ako sa kaniya kasi ang galing niya" sabi ko

"Basta kahit ano pang rason gusto ko ako lang nginingitian mo dahil para sa akin lang yang mga ngiti mo" di ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pamumula ng aking pisngi dahil sa sinabi nito. Hindi ko na siya sinagot pa at pagkabigay ni ate sa mga pinamili namin ay agad rin kaming umalis at umuwi sa palasyo.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report