Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
CHAPTER 2
BABAE
HINDI ko namalayan na nahulog pala ang purse ko, akmang aabutin ko na ito ng may ibang kamay ang nauna. Napatitig pa ako sa braso nito, halata ang mga nagpuputokang ugat nito sa braso. Natigilan nga lang ako at napabalik sa huwisyo sa pagtikhim nito, agad kong inabot ang purse ko sa kamay niya at tinignan siya para magpasalamat.
"T-thank you." 'yon nga lang ay nautal. Nautal sa kaba...isa na 'yong rason pero nautal ako sa paraan ng pagkakatitig niya. Hindi dahil sa namamangha ako sa mata niyang katulad sa ulap, mariin ang pagkakatitig nito sa akin na parang may bagyong darating sa dilim.
Sa pagkakaalala ko ngayon ko lang siya nakita, pero sa paraan ng pagkatitig niya sa akin ay kakabahan ka talaga ng husto na aakalain mong nagkasala ka sa kanya. Oo, ganun ang ipinaparamdam nito sa titig niya! Kaya napayuko pa ako ng wala sa oras nung nagpasalamat ako sa kanya.
Agad ko siyang tinalikuran at napaayos sa pagkakaupo. Kaya pala halata ko kanina sa tinig nung flight attendant ang kaba, kasi nakakakaba ng husto ang taong nasa likuran ko. Kahit saglit ko itong na obserbahan at natitigan, siya 'yong tipong masasabi mong hindi mo nanaising makakabangga.
Ang pamilya ko ay isa sa mga kilalang angkan sa Romblon, paminsan minsan ko ng naririnig ang mga salitang ibinabato sa akin.
Magandang matalinong masungit. Yes, kahit sa university naririnig ko rin ang katagang 'yon. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi nga ako gano'ng ka approachable, masungit talaga ako hindi ko 'yon ipinagkakaila. Pero hindi naman 'yong tipong nagsusungit ng walang dahilan, siguro nasasabing hindi approachable dahil hindi nila ako sinubukang lapitan at kausapin.
Minsan binabalewala ko na lang rin kapag ganun, may pagkakataon naman siguro na mawawala ang mga bagay na 'yon na pagtingin sa'yo ng ibang tao. Kaya hindi ko alam kung bakit parang naduwag 'ata ako ngayong mismo sa taong ngayon ko lang nakilala, normal naman 'yon hindi ba? Normal lang na makaramdam ka ng kaba sa taong ngayon mo lang nakita.
Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili, mas ang inaalala ko nalang ay kung paano kukumbinsihin ang papa. Alam naman nitong ngayong umaga mismo ako uuwi sa hacienda kaya ganun na lamang ang aking pagkagulat ng sinabi ni nanay Roda, ang mayordoma dito sa hacienda na lumuwas nga ang papa.
"Ho? Anong gagawing ng papa sa Maynila, nay?" napakamot sa ulo si nanay Roda na mismong siya ay palaisipan rin ang pagluwas ni papa.
"Ang mga ibang katiwala ang naghayag sa akin na lumuwas nga ang 'yong papa at ayon na rin s utos nitong ipaalam nga sa akin. Ngunit ang sabi ay mukha raw itong galit."
"G-galit? Hindi kaya may kinalaman ito sa hacienda nay?"
"Hindi ko sigurado hija ang alam ko ay naayos naman na nito ang problema." Kitang kita ko ang pagkalito sa mukha ng matanda.
"Wala bang ibang taong pinagbilinan niya?" umiling ito kaya naman agad akong lumapit sa telepono. Luma na ang telepono pero maayos pa itong gumagana, at isa pa ito lang ang gamit naming pang kontak kay lolo na kasulukuyang nasa Sydney.
"Yes, my dear apo?" sagot agad ni lolo.
"Did you talk to papa, lolo? Lumuwas siya ng Maynila na walang nasasabi sa akin kahit ano." turan ko. Rinig ko ang mga tawanan sa kabilang linya, rinig ko rin ang mga yapak ng kanyang mga paa.
"Hmm, sinabi lang sa akin na may kikitain raw itong importanteng tao. Huwag ka ng mag-aalala apo, marahil bukas ay uuwi rin ang ama mo." Napanguso ako.
"May importanteng bagay rin sana akong sasabihin sa kanya." buntong hininga ko. Ngayon lang umalis si papa sa hacienda na walang kahit anong salita akong nakuha, this is the first time. Kaya sino ang importanteng taong kinita nito? "Is this about you working on Manila?"
"Yes lolo, papayagan mo ba ako? Gusto ko ring maranasan ang mamuhay sa Maynila."
"Is that really the reason? Hindi ba ang rason ay ayaw mong manahala sa hacienda?"
"Grandpa, you know how I love our ancestral house. At hindi ko nakikita ang sarili sa pagmamahala sa hacienda, and papa's here I believed his capable to do the job. Kasi lolo hindi niyo maasahang ang inyong apo." kita ko sa gilid kung paano umiling si nanay Roda sa sinabi ko.
"Narinig ko na ang mga linyang 'to." Aniya. Kaya natawa ako dahil alam ko ang tinutukoy niya, walang iba kundi si Theo. Ang totoo niyan sa kanya unang inilathala ang pamamahala sa hacienda, ngunit mas pinili nito ang kompanya na siyang minamahala na niya ngayon.
"Kung ganun ay wala ng saysay ang mga salitang inihanda ko, alam ko namang hindi makakahindi ang ama mo. Napag usapan na rin namin na si Nashe ang sasalo sa obligasyon na tinanggihan niyo, balak rin 'ata ng ama mo na manirahan rin sa Maynila." hindi ko inaasahan ang sinabi nito kaya napaawang ang bibig ko. Hindi kaya ito ang dahilan ng agarang pagluwas niya?
"Siya ibababa ko na ang tawag Azeria, mag uusap tayo sa ibang pagkakataon."
"Sige lolo, mag iingat kayo palagi."
"I will." agad ko ng ibinaba ang tawag at hinarap si nanay Roda.
"Anong sabi ni Don?" aniya. Don ang tawag nito kay lolo, I mean is 'yon ang tawag at pagkakakilala ng mga tao rito sa lolo ko. "Ang sabi ay may plano ang papa na titira na sa Maynila."
"Napakalabong mangyari hija, sa hacienda umiikot ang mundo ng iyong ama."
Alam ko 'yon kung papayagan niya akong manatili sa Maynila, ni hindi pumasok sa utak ko ang posibleng pagsunod nito. Well, I'm a daddy's girl maybe hindi rin sanay ang papa na mawalay ako sa tabi niya. Kung ganun ay sigurado na ang pagtratrabaho ko. Iyon ang binahagi ko kay Lucas.
"Okay I will contact my friend then. You can send me your resume para ibibigay ko na rin sa kanya ang profile mo."
"Kung hindi makukuha sa kompanya ni lolo na lang ako magtratrabaho."
"Ayos lang naman, that's a good decision. Para may reserba ka, kung gusto mo puwede ka naman sa pinapasukan ko."
"I made a promised to Theo, baka tupakin 'yon." tawa ko at nakikita ko na ang itsura ni Theo kung sakaling papatulan ko ang offer nitong si Lucas. "Did you see my dad?"
"Hindi. Gulat nga rin ako nung sinabi mong narito ito, knowing tito Cessair lumuluwas lang ito kapag death anniversary ni tita. An important person, maybe an engineer or architect puwede namang bumili na si tito ng bahay at saka ka susurpresahin. Gano'n siguro ang plano nito 'nu?"
"Puwede naman, pero hindi naman siya mahilig sa surpresa e'."
"Sinubukan mo na bang tawagan?"
"Yes, pero na ka off ang phone nito. Ayaw 'ata maistorbo."
"Iyon! Nagseselos pala si manang Azeria, anu nahihinuha mo na bang babae ang kausap ni tito."
"That would be possible this is the first time he left without saying a single word."
"Sapat ka na bilang sakit sa ulo ni tito Azeria, sa tingin mo ba maghahanap pa siya ng ikakasakit ng ulo niya. At isa pa, sa tingin mo ba magagawa niyang palitan si tita?"
"Hindi."
"Oh, alam mo pala e'. Huwag ka ng nega diyan at hintayin mo na lang si tito, hayaan mo kapag sakaling dumaan man dito sasabin kong tawagan ka."
"Azeria." Napatingin ako sa pintuan at ang pinsan kong si Dalea ang nasa hamba ng aking pintuan. Tinangunan ko ito at tinuro ang phone ko, tumango naman siya at umalis na. "Sige, that's would be good to me. I hang up now, kakausapin ko pa ang mga katiwala rito sa hacienda."
"Ngayon na ba ipapaalam sa kanila na si Nashe na ang mamahala?"
"Yes."
"Okay, I will update you later."
SA kuwadra ako pumunta dahil naroon na ang mga katiwala. Natanaw ko agad ang pinsang kong magkapatid na sina Nashe at Dalea na nakikipagusap at tawanan sa kanila.
"Senyorita!" bati nila at magiliw na ngumiti. Nginitian ko sila pabalik, senyorita ang nakasanayang tawag ng mga ito. Ang sabi ay para raw mapagsino kung sino ang nakakataas sakanila, na agad ko namang hindi sinang ayunan ngunit doon na sila nasanay na kay hirap hirap ng mapigilan.
Kaya hindi man sumasang ayon para sa kanila ay 'yon na ang tama, naghanda na rin si nanay Roda ng meryenda kaya nakahain na ang mga meryendang nasa mesa. Pero natanaw ko na hindi pa ito nagagalaw. "Mag meryenda muna po tayo," anyaya ko. "bago natin simulan ang pag-uusap."
"Naku hindi na senyorita, mas mabuti kong umpisahan niyo na ang agenda." ani ni manong Ikko, na siyang parang namumuno sa kanilang samahan. Sumang ayon naman ang iba kaya nagkatinginan kaming magpipinsan, tumikhim ako at ngumiti. "Nakarating naman siguro sa inyo ang balitang sa Maynila na ako mamamalagi," kahit hindi ko pa nakakausap ang papa pero tulad nga ng sabi ni lolo. Hindi makakahindi ito, kaya napagpasyahan kong ipaalam at magpaalam na rin sa kanila. "Gaya ng pagkakaalam niyo, tinanggihan ko ang posibleng pagmamahala sa hacienda tulad ng mga pinsan kong ngayon ay nasa Maynila na. Ang pinsang kong si Nashe," sabay tapik sa balikat nito. "Ang sumalo at siya ring papalit sa papa. Ang nais ng lolo ay tulungan siyang alamin kung paano ang lakaran sa hacienda, ang kuwadrang nakaatas sa akin ay mapupunta naman kay Dalea. Kahit anong concern patungkol sa mga hayop ay ilalapit niyo sa kanya, malinaw po ba sa atin ang lahat?"
"Opo senyorita, makakaasa kang hindi namin pababayaan ang hacienda. Ang ina nitong si Emanuella rin ang minsang ipinagkatiwalaan ni Don Vicente patungkol sa hacienda, kaya alam kong makakaya rin ng kanyang mga anak." Ani manong Ikko.
"Nagpapasalamat ako sa inyong pagsuporta, bilang huling mamalagi ko dito sa hacienda ay ipinaghanda ko talaga kayo ng makakain na ating pagsasaluhan," Agad naman silang napangiti at natuwa. "Do you have anything to say?" baling ko sa mga pinsang nasa aking tabi.
"Aasahan niyong pag-iigihin namin ang trabaho na siyang ipinagkatiwala sa amin ni lolo." Si Dalea.
"Mapapaigi natin ang ganda ng hacienda kung magtulong tulungan po tayo."
"Siyang totoo senyorito!" segunda ng mga ito. Sinaluhan rin kami ni nanay Roda sa kainang naganap, nawala sa isip ko pansamantala ang papa. Ngunit nung sumapit na ang gabi, doon ay naaalala ko ito at isa pang ikinababahala ko ay ang hindi pa pagtawag sa akin ng pinsang kong si Lucas. Kaya naisip ko rin na maaaring hindi ito dumaan sa kanila, malamang ay sa hotel nagpalipas ng gabi ang papa.
Kaya ganun na lamang ang pagkabalisa ko nang makakuha ng tawag galing kay Lucas ang sabi ay na hospital ang papa. Aligaga akong bumaba sa hagdan na alam kong sa bawat kabog ay rinig ng mga kasama ko, agad akong dinaluhan ni nanay Roda nang mahulog ang passport kung ilalagay ko pa sana sa loob ng bag na dala.
"Bakit ba aligaga ka Azeria? May nangyari ba?"
"Na hospital ang papa nanay...kaya pala hindi ko ma tawagan magmula kahapon!" umiiyak na saad ko. Balot ng kaba ang katawan ko, ngayon lang siya lumuwas na mag-isa tapos na hospital pa!
"Diyos kong bata ka! Teka at dumito ka muna, Dalea tawagan mo muna ang pinsan mong nasa Maynila at makikibalita muna tayo," mando nito kay Dalea. "Ay hindi ako papaya na aalis kang wala sa kondisyon Azeria! Tignan mo nga at nagsihulugan lahat ng gamit mo!" turo nito sa mga gamit kong hindi ko namalayang nabitawan. Inakay ako ni nanay at pinaupo sa sopa, pinapaypay ako nito. Gamit nito ang pamaypay niyang laging dala, napahilamos ako sa mukha. "Nalipat na sa ward si tito, ang sabi ay bigla raw itong nahilo at sapo ang noo kaya itinakbo sa hospital," napatingin ito sa akin. "Kahit sa hapon ka na lang raw bumiyahe Aze, sabi ni Lucas."
"Ayos lang ba ang papa? Si Lucas ba ang nagdala sa kanya sa hospital?"
"Hindi daw e' ang sabi babae."
"Babae?" kunot noo kong sabi. Hindi kaya ang kinita nito ang tinutukoy? At bakit naman mahihilo bigla si papa e' ang lakas lakas niya, maliban na lang kung tumaas ang alta-prasyon nito sa sobrang galit. Pero bakit? Sino ba 'yong babaeng kinita niya o siya rin ba 'yong babaeng itinakbo ang papa sa hospital? Iisa o magkaiba sila?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report