Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
CHAPTER 3
WEIRDO
Tulad ng sabi ni nanay Roda ay hindi ako nito hinayaang bumiyahe. Kaya naman hapon na ako bumiyahe, madilim na nung nakarating na ko sa Maynila. Tapos na rin ang visitor hours kaya ang pagtawag sa mga pinsan ko na lang ang nagsilbing update ko sa hospital, kung ganun ay bukas ko pa makikita ang papa.
Si Lucas ang nagbabantay kay papa, nung na sa biyahe ay sinabi nitong sa unit na niya ako dumeretso. Sinabi rin nito ang password ng kanyang unit kaya madali lang akong nakapasok, habang ang dalawa kong pinsan naman ay dumalaw lang sa hospital. Busy rin kasi sila, kaya mabuti na lamang at kahit busy rin si Lucas tulad nila ay napagpasyahan nitong manatili sa tabi ng papa, kaya kahit papaano ay naibsan ang aking pangamba.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi ikaw ang tinawagan ng hospital which is understandable naman dahil na sa malayo ka nga, kung sa mga ganitong emergency talaga maghahanap talaga sila ng kamag anak na malapit," tinanong ko kung may ideya ba siya sa mga taong nagdala kay papa.
"Ang sabi ay may mag-asawa raw ang kasama ni tito, kaya nga lang ang pinagtataka ko. Sinabi raw nung babae na ako ang tawagan dahil wala nga daw sa Maynila ang anak nito. Which is you, but the odd is when I got here, they disappear." Napabuntong hininga ito. Rinig ko ang ihip ng hangin sa kabilang linya, kasulukuyan itong na sa rooftop ng hospital.
"Tinanong ko sa front desk kung may kahit anong iniwan man lang sila like they contact, pero wala daw nung papirmahin nga sila todo hindi raw ang mga ito. Kaya wala akong ideya, ayoko namang pakialaman ang privacy ng hospital you know what I mean," ang cctv ang tinutukoy nitong privacy. "At saka baka magtaka pa ang director dito sa hospital kapag ginawa ko 'yon, hindi naman na kailangang malaman kung sino Azeria. Ang mahalaga ay maayos na ang papa mo, pasalamatan na lang natin ang mga taong tumulong sa kanya."
Tama si Lucas ang mahalaga rito ay na sa maayos na kondisyon na ang papa, napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, parang masama ang kutob ko. Oo, na sa hospital ang papa at alam kong maayos na ito kaya hindi ko alam kung saan galing ang kakaibang nararamdaman ko.
"I feel weird...bakit ganito ang nararamdaman ko Lucas?"
"Azeria everything will be fine, marahil na bigla ka lang. Gabi na, magpahinga ka na at bukas ay dalawin mo si tito sa ganun ay matanggal na 'yang kakaibang nararamdaman mo."
"Siguro nga mawawala 'to ka pag nakita ko na ang papa," buntong hininga ko. "sige, maaga akong pupunta diyan bukas huwag ka na ring mag-abalang bumili ng agahan. I will cook, magdadala ako ng breakfast bukas," nagtaka ako nung suminghap ito. "bakit? May problema ba?"
"Please do that Azeria...magluto ka kasi sa totoo lang hindi ko tipo ang mga paninda sa labas at sa canteen ng hospital." Napailing ako at natawa, sa boses nito ay nahihinuha ko na ang kanyang itsura.
Minsan pa naman sa hospital 'yong mga pagkain ay parang mga pagkain rin na binibigay sa pasyente, well for me parang hindi naman. Siyempre na sa hospital ka at na sa isip mo sa bawat amoy at lasa, maihahantulad sa hospital. "You should sleep too also. I will hang up now, take care there." "Hmm."
Ako na ang tumapos sa tawag, kung may nakakatuwa mang ugali ni Lucas hindi niya hahayaang siya ang maunang tumapos sa tawag. 'You should hang up now' I said these to him one time but he answered, 'You should hang up first, ako dapat ang napagbabaan ng tawag at hindi ako ang magbababa. Nakasanayan ko na Azeria kaya dapat sanayin mo na rin, kasi lahat ng tao sanay na sa akin' kaya nasanay na ako. Weird marahil pero trip niya 'yon e' lahat naman tayo may kaniya kanyang trip.
Kinabukasan maaga akong gumising para ihanda ang pinangako kong agahan, mabuti na lamang at puno ng laman ang refrigerator ni Lucas. Simpleng sunny side up egg at bacon ang hinanda ko, gumawa rin ako ng egg sandwich para sa akin. Nang dumating ako sa hospital naabutan ko pa si Theo na paalis na.
"Dumaan ako dahil may business trip ako sa abroad at aabutin ng ilang linggo, babawi na lang ako sa susunod." si Theo.
"You don't have too." Iling kong aniya.
"Bibigyan na lang kita ng pasalubong ha," may kung ano siyang sinisilip sa likuran ko. Kaya napatingin na rin ako sa likuran ko, iyong masungit niyang secretary ang tinitignan nito. "sige, ma una na ako sa'yo at baka tupakin pa iyong secretary ko." Ngiwing aniya kaya natawa ako at tumango.
"Sige, mag iingat ka."
Pinanood ko itong patakbong lumapit sa kotse, siya itong boss pero mas boss pa 'ata ang sekretarya nito...ibang klase. Agad na akong pumasok sa hospital habang naglalakad ako sa pasilyo, na tigilan ako bigla at napasilip sa isang silid kung saan narinig ang marahang pag sigaw ng isang baritonong boses.
"Bakit hindi mo na lang ako sinama kung magpapakamatay ka lang pala!"
Ang na ka confine ang binubulyawan nito. Hindi ko masiyadong kita ang mismong pasyente na kasulukuyang, binubulyawan nung lalaki. At nung nagkaroon na ng tiyempo, nawindang naman agad ako dahil na sa akin na ang kanyang mata at kunot pa ang noo nito. Bago mapunta pa sa akin rin ang mata nung lalaking naninigaw, agad na akong umalis.
Ano ba 'yan Azeria! Bakit ka ba huminto gaga? Baka sabihin pa no'n ang nosy mo ha! Umiling iling ako at napahawak sa dibdib sa gulat.
"Ano ba Lucas! Bakit ka ba nar'yan? Para kang ewan!"
"Kanina pa kaya kita pinagmamasdan rito, anong tsismis ang nasagap mo?"
"Tse! Tumigil ka nga diyan at baka marinig ka ng iba," suway ko. "And why are you here by the way, ang papa?"
"Tulog pa," napatingin siya sa hawak ko kaya ibinigay ko. "sinusulit ata ang ilang gabing puyat nito. Bukas raw ay baka puwede ng lumabas." Tumango ako at nagtataka siyang tinignan nang mapaglaro siyang nakangiti sa akin. "Bakit?"
"Sino 'yong sinilip mo ah? Syota mo ba manang Azeria?" panunukso nito kaya hinampas ko siya sa braso.
"Tumigil ka nga! Sinilip ko lang dahil sumisigaw...hindi ko naman balak pagmasdan at makinig ng matagal 'nu!"
"Okay, sabi mo e' basta ayos lang naman kung sisilipin mo mamaya ako na ang magbabantay kay tito." Patuloy pa rin ito sa pangiinis.
"Hindi nga sabi!" pilit ko naman. "Bahala ka nga diyan!" agad ko na siyang tinalikuran at binuksan na ang pinto. Nasa private room ang papa, akala ko talaga malala na ang nangyari. Mabuti na lang at sa awa naman ng diyos walang masamang nangyari rito, kung 'di ay mababaliw talaga ako ng husto. Naabutan kong mahimbing pa rin sa pagkakatulog si papa, tulad nga ng sinabi ni Lucas. Hindi ko na ito ginising, gusto kong ma ka pagpahinga na ito ng maayos. Mabuti na lamang at na ka pag desisyon na itong ibigay kay Nashe ang posisyon para hawakan na ang hacienda, sa nangyari rito mas gusto ko pang huwag na itong magpagod. Alam kong susuportahan ako nito kung sasabihin ko sa kanyang dito na ako magtratrabaho, hindi problema ang pera ang kalusugan siyempre ang mas importante.
Gusto ko lang na wala na itong inaalala kaya papasok siguro ako sa trabaho, tulad ng sabi ko ay wala sa plano ko na hawakan ang hacienda. At wala rin sa plano ko na magtrabaho sa sariling kompanya ng pamilya. "Ikaw, hindi ka pa kakain?" Umiling ako at sinulyapan siya.
"Mamaya na sasaluhan ko ang papa,"
Napabuntong hininga ako at napatitig kay papa. Bakit kaya siya umalis sa hacienda kung alam niyang babalik ako sa umaga? At sino 'yong babaeng kinita niya? Sobrang importante ba talaga para hindi ako nito sabihan man lang? "Tanungin mo na lang si tito ka pag talagang maayos na ito Aze, ayon sa doctor ay matinding stress rin ang meron ang papa mo. Kaya mas mabuti kung batuhin mo na lang siya ng maraming tanon ka pag na bawi na nito ang dating lakas." Hindi na ako umimik dahil tama naman siya. Ayoko namang biglain ang papa, sa mga tanong ko pa yata siya maiis-stress. Tulad ng plano ay ipinaalam ko rito ang kagustuhang magtrabaho rito, at hindi naman siya tumanggi na. Sa sumunod na minuto ay kinuhanan si papa ng dugo, kaya agad muna akong lumabas at pinasyang bisitahin ang sinasabing rooftop ni Lucas.
Pinilit ko muna na umuwi ito. Ayaw pa nga pero sa huli ako rin ang nanalo, malakas na hangin agad ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa rooftop. Kaya agad akong napangiti sa hatid nitong presko...pero ganun na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makita ang lalaking balak pa 'yatang magpakamatay.
Napaawang ang bibig ko at natulos sa kinatatayuan nung tumayo na siya...tatalon na yata.
"H-hey...!" pero sa hina ng boses ko. Tinangay lang ng hangin ang salita ko. "h-hey! What are you planning to do?! Magkakasala ka niyan!"
I swear that's the loudest shout I did in my freaking entire life. Agad itong lumingon sa akin at natilihan naman ako nung kumunot ang noo nito...mali ba ako?
"What do you think I'm planning to do miss intruder?" malamig ang boses nito. At klarong klaro rin ang kulay ng mga mata nito...brown. Ngunit sa titig niya para itong kasing dilim ng ulap, siya na nga itong pinigilan sa balak. Siya pa itong galit! Ibang klase rin.
"Hindi ka ba magpapakamatay?"
"Are you asking me or you're pushing me to do it?" nanlaki agad ang mata ko sa sinabi nito.
"Mukhang gusto ko bang tumalon ka? Hindi ko gusto 'nu!" depensa ko agad. Bakit parang pinagmumukha ako nitong masama?
Tinalikuran ako nito kaya napahakbang ako ng wala sa oras, ang akala ko tatalon na ito 'yon pala umupo lang ito. Napahawak ako sa bandang dibdib, sa daming puwedeng upuan rito sa delikado pa niya mas gusto! Saan ba galing ang taong 'to?! Hindi kaya baliw 'to? Kaya ba kinukulit ako ni Lucas na pumunta rito dahil sa taong 'to? Gaya ba ng nangyayari ngayon...ibig sabihin nasaksihan rin ng pinsan kong magpapakamatay rin ang taong 'to?
Napatingin ako sa kanya at ganun na lang ang gulat ko ng matamang tinititigan na pala ako nito. Hindi ko alam kung na mali ba ako sa pagkakakita pero, tumaas yata ang sulok ng labi nito. Para siyang natutuwa at sa anyo nito ngayon para itong demonyo na nakawala sa impyerno.
"Why are you here?" Napaturo pa ako sa sarili ko kung ako ba ang tinatanong niya. At nung hindi na siya magsalita, sino pa ba ang tatanungin niya Azeria e' kayong dalawa lang naman ang narito 'nu!
"Lalanghap ng sariwang hangin pero heto't masamang hangin ang nadatnan." Matamang saad ko. Nagsasabi naman ako ng totoo pero tinawanan lang ako ng hudyo. Hindi ko alam na sa pagbabalik ko ng Maynila, makakatagpo ako ng tulad niya. Weirdo.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report