Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
CHAPTER 4
TRABAHO
I rolled my eyes, how stupid of you Azeria! Dapat kasi sa gabi ka na lang pumunta rito para sulit, hindi 'yong makaka-encounter ka pa ng may saltik!
"Pinapatay mo na ba ako diyan sa isip mo?" Napalunok ako, hindi dahil sa nagwaguwapuhan ako sa kanya. Oo! Inaamin kong guwapo siya, pero napalunok ako kasi hindi pa siya bumababa. Prente pa itong na ka upo habang nakahalukipkip, isang maling galaw lang niya hulog agad!
"Puwede bang bumaba ka para magkausap tayo ng tama."
"Bakit mo naman naisip na gusto kong makipag usap sa'yo ng tama?" taas kilay na sabi nito. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, napabuga ako ng hangin. Ngayon lang ako na ka tagpo ng ganitong tao, hinga ang malalim Azeria! Inhale, exhale kung hindi mo hahabaan ang pasyensya mo sa lalaking 'to, baka mawala na siya sa listahan na naninirahan sa mundong 'to! Natigilan ako sa ginagawang inhale at exhale session nung may napagtanto, pinakatitigan ko siya. Relax na relax ang mukha nito na parang walang inaalala at walang problema. At kanina pa nito ginigiit na hindi nga siya magpapakamatay, kaya nang makumbinsi ko na ang sarili na hindi ito gagawa ng kung ano. Agad ko na siyang tinalikuran.
"Where are you going?"
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya, pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Aalis na, ayokong mahawa sa sakit na dala mo. And I think nabanggit muna kanina na hindi ka nga tatalon, then there's no reason for me to stay here. Baka mabaliw ako ng husto."
"Ano kamo? Mabaliw sa akin ng husto?" tawa nito na siyang kinalaglag na talaga ng aking panga. Agad akong napaismid at hinarap siya ng maayos.
"Ang lakas na nga ng hangin mas pinalakas mo pa, sana ito na ang huling pagkikita natin mister. Baka matangay ako ng tuluyan 'nu!"
Ganun na lang ang kaba ko nung tumalon na siya...bumaba na. Napaatras nga lang ako nung naglalakad na ito palapit sa akin, at nung nasa harap ko na siya. Kinailangan kong tumingala dahil sa tangkad na taglay nito, nahiya ang height ko. Napaatras nga lang ang ulo ko ng yumuko ito at pinakatitigan ang mukha ko, napakurapkurap ako.
"W-what are you doing?" nauutal kong aniya. Nginitian naman ako nito at nung ngumiti siya parang...bigla akong nawala. Umiling iling ako, anong pinagsasabi mo Azeria?! Mag hunos dili ka nga! "Your eyes were beautiful, matang gusto kong bubungad sa akin sa bawat umaga." "W-what?"
Tumayo ito ng maayos at napamulsa. Balik na naman ang ngisi niya, pabago bago pa ang ugali nito. Teka, nakilala kaya talaga ni Lucas ang taong 'to? Kaya pinipilit akong pumunta sa lugar na 'to, siguro.
"Sa susunod siguraduhin mong huwag ng magtagpo ang ating landas, sabi mo nga baka matangay ka ng tuluyan. Malay mo sa tirahan ng pinsan ko ikaw matatangay at 'yon ang iyong kapalaran." Ngising nadedemonyong aniya. Pagkatapos nitong bitawan ang mga salitang 'yon sa akin, ay walang salita siyang umalis. Napakurapkurap ako ng ilang saglit, unti-unting dina-digest ang sinabi niya, at nung makuha ko na nanlaki ang aking mata.
"Aba't ang gagong-" sapo ko ang noo at napabuntong hininga. Ha! Sa tingin ba niya hahayaan kong matangay ako sa tirahan ng pinsan niya? Baka sampal sa akin ang magiging kapalaran niya!
Wala ako sa timpla pagkapasok ko sa ward ni papa, naabutan ko pa si Red na kasulukuyang nagbabalat ng mansanas. Napatingin siya sa akin saglit at ibinalik ulit sa ginagawa, napunta sa gawi nga lang ni papa ang aking paningin nung magtanong siya.
"Bakit salubong ang mga kilay mo Azeria? May nangyari ba?"
Umiling ako at umupo sa tabi nito. Lumapit naman sa akin si Red at ibinagay ang mansanas na nabalatan na, agad ko itong binigay kay papa na kinuha naman niya agad.
"May nakasalamuha lang akong taong wala sa sarili." Napakunot noo naman agad ang papa sa sinabi ko.
"May ginawa ba siya sa'yo?" nag-aalalang anito. Umiling ako at nginitian siya.
"Hindi papa, ayos lang ako. Ikaw ayos na ba ang pakiramdam mo?" pagwawala ko sa paksa.
"Bukas ay makakalabas na ako, pero ayon sa doctor kinakailangan ko pang magpahinga. Mabuti at bumalik ka na," napabuntong hininga ito na siyang pinagtaka ko. "Is there anything wrong?" umiling ito at hinawakan ako sa kamay.
"Gustong gusto mo ba talaga dito sa Maynila?" tumango ako. "Alam mo namang nakasanayan ko na sa hacienda hija, kaya ang plano ko ay sa hacienda na ako magpapahinga. At tulad nga ng gusto mo mas gusto mong dito sa Manila ka nga mananatili, hindi naman ako sasalungat dahil pinayagan na kitang magtrabaho rito."
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya, oo pinayagan nga ako nitong magtrabaho rito. Pero hindi ko alam na mas gugustuhin pa rin nitong manirahan sa hacienda...ang akala ko susundan ako nito. Siguro nakakatawa nga kung maririnig ng iba, as what I said ang papa na ang tumayong ina't ama ko. Kaya talagang inaasahan kong papayag siya pero sa kondisyong sasama siya...pero mali pala.
"Ayos lang ba talaga sa'yo papa? Iiwan niyo talaga akong mag-isa rito sa Maynila?" pagtitiyak ko pa. Nginitian ako nito at hinaplos ang buhok ko.
“Kamukhang ka mukha mo ang iyong ina," napabuntong hininga ito. "alam kong ito rin ang gusto niya, ayaw niyang sa hacienda ka lang mamamalagi Azeria. Malaya kang gawin lahat ng gusto mo hija, huwag lang sanang magpakasal ng maaga."
"Papa!" suway ko at natawa naman ito. At nung masilayan ko muli ang kanyang tawa, nawala na ang aking pangamba. Hindi sa bagong lugar na kung saan ako natatakot, natatakot akong iwan mag-isa ang ama ko kaya nag-aalangan ako. Pero nakikita kong tunay na payapa ang nasa kanyang mukha, at doon ko napagpasyahang maninirahan na nga talaga ako sa Maynila.
Ngayon ay tanaw ko ang hindi kalakihang building, pero ayon kay Lucas ay matunog ang kompanyang ito. Ang bilis ng takbo ng oras, ngayon ay magsisimula na ako sa pagtra-trabaho. Tulad nga ng sinabi ni papa, kinabukasan ay nakalabas na nga ito sa hospital. Sa nagdaang dalawang araw ay inukol namin sa oras para mag bonding, at nung matapos ang sandaling 'yon. Inihatid namin siya sa airport kasama ng mga pinsan ko, mga paalala ang iniwan nito sa akin. Kahit pa paano ay naging masaya naman ako, at mas masaya nga lang ngayon dahil natupad na ang inaasam ko. Tulad sa instruction ni Lucas, inaabangan na nga ako nung kaibigan niya sa entrance.
"Miss Constantine?" tanong pa nito. Naninigurado at nung tumango ako napaawang naman ang kanyang bibig na titig na titig sa akin. Napatikhim ito nang makitang nagtataka ko siyang pinagmamasdan, napakamot sa ulo at bahagyang natawa. "Pasensya na, hindi ko lang inakala na ganito pala kaganda ang pinsan ni Lucas. No wonder, kaya ganun na lang kung pagbantaan ako nito."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Lucas did that?" hindi ko napigilang bulalas dahil sa gulat. Tumango naman ito, I don't know Lucas do such thing. Sa kanilang tatlo, si Red lang ako sigurado kung tatanungin kung sinong mas seryoso. Namana rin nito kasi lahat ng merong ugali si tito Andrius, kaya nababaguhan lang ako sa narinig.
"Mabuti at inagahan mo. May oras pa tayo para i-familiarize ang lugar."
Maganda ang naging suggestion nito, ang akala ko mas maaga pa ako sa iba. Hindi ko inakala na may mga ibang mas maaga pa, kasulukuyang nasa HR Department kami kung saan kabilang si Ricky ang kaibigan ni Lucas. Ipinakilala ako nito sa mga ka sama-sama niya lagi at mga kaibigan, maluwag naman nila akong sinalubong. Maayos nga 'yon para hindi naman ako mahirapan sa unang subok ko pa lang.
"Marami na talagang hindi nakatagal sa big boss natin dahil nga sa pagkasungit nito 'te! Kaya kung ako sa'yo, sa ganda mong 'yan akitin mo na lang para ma tiyak natin na tatagal ka!" walang prenong saad ni Marie.
"Hoy Maria! Kung anu-anong kademonyohan ang sinasabi mo diyan, bakit suko ka na ba sa paglalandi mo kay sir ha?!" sigaw naman ni Erissa. Hindi ko maiwasan mapangiwi sa mga naririnig, nagulat pa ako nang may umangkala sa braso ko. Pagtingin ko si Jonalyn, matamis ako nitong nginitian pero duda na ako sa ngiti niya at sa sinabi nga niya...tama nga ako ng pagkakabasa.
"Puwede mo namang sunggaban agad Constantine...hindi basta bastang nalalasing si sir. Kaya sa halik mo lasingin!" nadedemonyong sabay silang natawa ni Maria.
"Umayos nga kayo diyan! Baka may makakinig sa inyo at isumbong pa tayo kay sir! At saka huwag niyong lasunin ang isip nitong si Constantine, hindi na kayo nahiya!" pangaral ni Ricky. Napaismid si Maria at lumapit sa akin.
"Nakaka-offend ba kami Constantine?" napakurap kurap ako. Itinuro ko pa ang sarili ko nung tumango si Maria napakamot na ako sa gilid ng aking noo, lahat sila inaabangan ang magiging sagot ko. Pasagot na sana ako nung nagsisitakbong pumasok si Julie, at kung may anong sinenyas ito dahilang agarang pagbalik nila sa mga sariling table.
"Anong meron?" takang bulong ko kay Ricky. Nasa gitna pa rin kami nakatayo hindi tulad ng iba na naging abala na bigla.
"Dumating na ang CEO ng kompanya, halika na ihahatid na kita sa sariling opisina mo. Kung saan rin ang opisina ng ating CEO."
Sa malamang naman na nasa iisang space lang kami ng CEO, dahil ako na nga ang magiging secretary nito. Pero sa mga natuklasan kong masamang ugaling meron ito, parang nagsisi na tuloy ako na humindi ako sa offer ng pinsan kong si Theo.
"Nandyan ba siya?" tanong ko kay Ricky nung nasa magiging opisina ko na kami. Tumango ito kaya naman napatitig ako sa pinto.
"Sa mga ganitong oras, nagpapakuha siya ng kape. Mas mabuting timplahan mo muna siya saka kita ipapakilala."
At iyon nga ang aking ginawa, sinunod ko ang instruction nito na hindi nga lagyan ng creamer simpleng kape lang at asukal. Kumatok muna si Ricky, muntik ko pang mabitawan ang hawak kong kape pagkarinig sa boses nito. "Come in!"
Itinulak na ni Ricky ang pinto at una itong pumasok at sumunod naman ako, sa magiging boss ko agad lumipad ang mata ko pero busy ito sa pag peperma na kung anong papeles. Kaya ang matangos na ilong nito napunta ang mata ko, kumunot ang noo nito ani mo ay may hindi nagustuhan sa papel na nasa harap.
"What it is?" tanong niya pero nakayuko pa rin ito. Hindi man lang nag abalang tumingala, masungit nga.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sir nandito na po iyong magiging secretary niyo at nakapasa sa scree—"
"Get out!" sigaw nito at sabay pa kaming napatalon sa gulat ni Ricky. Nagtatanong ang mukha kong tumingin kay Ricky, umiling naman nito at binulongan ako.
"Maiwan na kita, basta sundin mo lang ang mga i-utos niya." natatanga ko siyang pinagmasdang lumapit sa table nung CEO, at inilapag nito ang resume ko na nabanggit nito kanina at walang lingon ako nitong iniwan.
What was that? Nalaglag ang tingin ko sa hawak kong kape, humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago lumapit sa table niya. Right, ibibigay mo muna ang kape saka ka na magpapakilala Azeria. Inilagay ko na sa mesa nito ang kape at wala pa rin itong imik, kaya no choice kundi bumalik sa kinatatayuan ko kanina. Hindi naman puwedeng umalis na agad ako e' wala namang siyang sinasabi. Sinusundan ko lahat ng galaw niya. Kaya nung mapunta ang mata nito sa resume ko, nagtaka ako nung pabagsak nitong binitawan ang ballpen at galit na kinuha ang resume ko.
"Midori Constantine Tacata?" tawag nito sa pangalan ko.
"Yes sir!" sagot ko agad kaya napatingin siya sa akin. Mabuti na lamang at naibigay ko na sa kanya ang kape nito, kundi baka nahulog ko iyon ng wala sa oras pagkakita sa mukha nito. "You!" turo ko at nagsalubong naman ang mga kilay niya. "ikaw 'yong lalaki sa hospital hindi ba? Iyong may saltik?!" ani ko at inikot ikot ko pa ang daliri na nasa bandang ulo ko, para i-emphasize talaga iyong word na saltik.
"Excuse me?" masungit nitong sabi pero pinaningkitan ko siya sa mata at napahalukipkip.
"Ha! I can't believe we met again, ano nga ulit iyong sinabi mo? 'Sa susunod siguraduhin mong huwag ng magtagpo ang ating landas, sabi mo nga baka matangay ka ng tuluyan. Malay mo sa tirahan ng pinsan ko ikaw matatangay at 'yon ang iyong kapalaran'," napamaywang ako at nginisian siya. "I doubt it though if we can call this coincidence, planado mo ba 'to? And for your information hindi kailan man magiging kapalaran ko ang matangay sa pamamahay ng pinsan mo! At baka nga sampal sa akin ang magiging kahahantungan no'n e'!" masungit kong aniya. Napa-face palm naman siya at kinabahan naman ako nung ngimisi siya, pero parang kakaiba ang naging ngisi nito sa naging ngisi niya nung matitigan ko siya sa araw na 'yon.
"What did you say? Sasampalin mo ang pinsan niya? For what reasons?" sumandal ito sa swivel chair.
"Dahil ang gago mo kaya alam kong gago rin ang pinsan mo, magkalahi kayo e'!" walang preno kong saad. Natawa ito na siyang aking pinagtaka pero nung mabilis na naglaho ang tawa nito, naging mas madilim ang kanyang mga matang madilim rin.
"Are you here for work or not?" mas malamig pa sa yelo na tanong nito sa akin. Kaya napalunok ako at napakagat sa labi, ang bobo mo talaga Azeria! CEO ang nasa harap mo, ang magiging boss mo! "S-sir..." nauutal na tawag ko.
"Are you one hundred percent sure I'm the person are you pertaining to?" naguluhan ako sa naging tanong niya.
"Y-yes..." utal kong sagot. Hindi ako puwedeng magkamali, siya iyong siraulong nakasalamuha ko sa rooftop. Pero...pansin ko rin na may kakaiba, mas intimidating ang aura ng taong nasa harap ko kumpara sa taong mahangin sa rooftop na nakilala ko. Sasabihin ko sana na nakasuot rin siya ng damit pang pasyente sa araw na iyon pero nabulabog nga lang kami sa taong maingay na pumasok, at nang tumingin ako sa likuran doon naglaglag ang panga ko.
"Hey bro!" bati nito at nung mapatingin siya sa akin.
"You!" nanlalaking matang turo namin sa isa't-isa.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report